Ilang oras ang itinagal ng biyahe namin hanggang sa marating na namin ang Laguna. Nag-rent kami sa isang resort dito sa Laguna. "Calidus hotspring," basa ni Paradise sa nakasulat na mga letra sa harapan ng resort na nirentahan nina Fire. Napabuntong-hininga na lamang ako habang kinukuha ang mga gamit na dinala ko. Ayaw ko na si Fire pa ang magdala n'on dahil marami na siyang binitbit. Mga pagkain namin ng tatlong araw at iba pa. Nagsimula akong maglakad papasok sa loob ng resort at ilang hakbang pa lang ang nagagawa ko nang pahintuin ako ni Fire. Hingal na hingal siyang lumapit sa akin at dali-dali niyang kinuha ang dala-dala kong maliit na maleta. "Ako na ang magdadala, pumasok ka na lang sa loob at magpahinga na dahil alam kong pagod ka na," aniya. Babawiin ko pa sana ang gamit k

