"Maghanda ka na! Inimbitahan tayo nina Fire na sumama sa kanila. Three days na bakasyon," natutuwang sambit ni Paradise na ikinakunot ng noo ko. "Bakit parang hindi ako nasabihan diyan? They didn't told me na may ganito palang kaganapan and yet, pumayag kayo nang walang pahintulot ko?" nakataray kong sabi sa kanilang dalawa. Abalang-abala si Heaven sa paglalagay ng mga damit niya maletang nakahandusay sa sahig. Nakangiti pa siya habang marahan na itinutupi ang mga damit na halatang-halatang pinag-isip niyang talaga. "Huwag ka ngang ganiyan, minsan lang naman tayo maimbitahan kaya dapat lang na huwag tayong tumanggi. Nakakahiya naman kina Fire na nag-abala pang mag-rent ng pagtutuluyan natin sa Laguna," pangangatuwiran ni Paradise. "Aba! Hindi naman tama na—" Hindi ko na naituloy an

