CHAPTER EIGHTEEN

1560 Words

"Kumain na tayo, huwag na kayong magpahuli." Sabay kaming napatingin ni Fire kay Rain na ngayon ay panay na ang subo sa hotdog na nakatusok sa tinidor. Hindi pa kasi ako umuupo sa upuan na nakalaan para sa amin ni Fire. Bakit ba naman kasi kailangan pa naming magtabi? Talagang nanadya na sila, kanina pa sila ganiyan sa amin. Malapit na akong mainis sa kanila dahil pinagkakaisahan nila kaming tatlo. Wala na akong ibang nagawa kundi ang umupo sa upuan na katabi ni Fire. Gano'n din ang ginawa ni Fire, tumabi siya sa akin. Halos hindi ako makahinga nang maramdaman ko ang presensya niya. "Pahingi kami ng dalawang pinggan," ani Fire kaya inabutan siya ni Light ng dalawang pinggan. Inilapag ni Fire ang isang pinggan sa harapan ko at laking gulat ko na lamang nang sandukan niya ako ng kanin

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD