Nagsuot ako ng isang itim na swimsuit. Nag-alangan pa akong lumabas dahil hindi ako sanay na nakaganito, kita ang cleavage ko at kita rin ang iba't ibang parte ng katawan ko na pilit kong itinatago sa lahat. Nahihiya akong lumabas nang nakaganito pero baka kapag nag-t-shirt at shorts lang ako, isipin pa nila na wala akong pakisama at kill joy ako kaya wala na akong ibang nagawa kundi ang lumabas at maglakad nang taas-noo. Kanina pa ako paulit-ulit na tinatawag nina Paradise at Heaven at sa sobrang tagal kong lumabas ay napagod na sila kaya naman iniwan na nila ako. Malamang ay kanina pa sila nakababad sa hot spring. Huminga ako nang malalim bago tuluyang lumabas nang naka-one-piece. "Inabot ka nang ilang oras... kanina pa kami naghihintay sa 'yo," pataray na sabi ni Paradise dahilan p

