"Kausapin mo ako, kahit ngayon na lang, hindi ko kasi maintindihan kung bakit biglaang naging ganito nang hindi mo man lang pinapakinggan 'yong side ko, hindi ko maintindihan, Hell. Tangina, hindi ko maintindihan," mariin niyang sabi kasabay ng bahagya niyang pagsabunot sa kaniyang buhok. Napatikim ako sa aking labi nang makita ko ang miserable niyang mukha na tila gulong-gulo na sa mga nangyayari. Gusto ko siyang yakapin nang mahigpit, gusto kong halikan ang labi niya pero... sobra-sobra akong natatakot, natatakot ako na baka maging mahina na naman ako dahil pagdating sa kaniya, nakalilimutan ko ang maging matapang. "Umalis ka na, hindi ko kailangan ng paliwanag mo, tapos na tayo," diretso kong sabi sa kaniya. Nakita ko ang pagguhit ng kalungkutan sa kaniyang mga mata at wala akong iba

