Nag hihintay si Abel ng pag dating ng elevator kasama si Hener nang biglang dumating ang kanyang Ama. Agad syang bumati rito at tinuon ang pansin sa pinto ng elevator. "I heard you were confined?" Napalingon si Abel sa kanyang Ama na wala man lang emosyoy habang nakatitig parin sa pinto ng elevator. "Ah yes Mr. Guzman, minor problems." Tumango naman ito at timing na nag bukas na ang elevator. Agad silang pumasok kasama si Hener at ang secretary ng kanyang Ama. Tahimik sa loob at wala ni isa sakanila ang nag balak na basagin ang katahimikan. Abel just want to open the door and leave the elevator but he can't. Malayo pa ang floor nya. Ang ilang minutong pamamalagi nya sa loob ay pakiramdam nyang naging ilang oras. Doon lamang namalayan ni Abel na nagpipigil na pala sya ng kanyang hininga

