"Irog.. sawakas nahanap din kita." Hinigpitan ni Dahlia ang kanyang yakap kay Abel at ipinikit nya ang kanyang mga mata. Dinadama nya ang kasintahang kay tagal nyang hinanap. Masyado syang nalulunod sa pagkasabik sa binata kaya hindi nya namalayang hindi pala sya niyakap ng binata pabalik. Hinawakan ni Abel ang magkabilang braso ni Dahlia at buong pwersa nya itong itinulak palayo sakanya. Bakas sa mukha ni Dahlia ang pagka bigla sa ginawa ng binata. "Who the hell are you?" Kunot noo at galit na galit na tanong sakanya ni Abel. Pinagpagan pa nito ang damit na para bang diring-diri sya sa pag yakap ni Dahlia sakanya. "Irog ako ito, si Dahlia. Hindi mo ba ako naaalala? Ako ito ang kasintahan mo," sinubokan ulit ni Dahlia na lumapit sakanya pero agad naman syang humakbang palayo. "Baliw

