Kabanata 28

2386 Words
* TRAVIS COME BACK "Ang pogi talaga ng mga anak ni Sir Jaden, hano? Diyos ko, mga mukhang modelo e!" Kinikilig na komento ni Ate Faye sa gilid ko habang pinupunasan ang picture frame kung saan naroon ang litrato ng tatlong anak ni Sir Jaden. "Ate, huwag ka namang maingay. Baka marinig tayo at mapagalitang dalawa." Pagbabawal ko sakaniya. Nandito kami ngayon sa loob ng Mansion ng mga De Guzman. Abala ang lahat ng tauhan dito dahil nga uuwi na ang anak ni Sir Jaden na si Travis. Ang Kuya niya at Bunsong kapatid ay hindi pa makakauwi dahil sa field study na ginaganap daw sa New Zealand ngayon. Kaya heto, kahit si Sir Travis lang ang uuwi ay pibaghahandaan ni Sir Jaden. Nagpahanda siya ng salu-salu sakanilang pamilya atsaka pinapalinis na rin ang buong Mansion para kay Sir Travis. "Eto naman, tayo lang naman ang nandito sa kwarto ni Sir Travis. Okay lang iyon!" Ani Ate Faye. Napailing nalang ako sakaniya. "Tulungan mo nalang akong ayusin itong comforter ng kama ni Sir Travis, ." Sabi ko sakaniya. Lumapit naman si Ate at pinatulungan naming lagyan ng comforter ang kama ni Sir Travis. At sinunod namang lagyan ng punda ang apat na unan ni sir Travis. Nang matapos iyon maayos ay inayos ko saglit ang kurtina ng kwarto. Ani Sir Jaden ay ayaw ni Sir Travis ng masyadong maliwanag na kwarto kaya yung medyo heavy color ang kulay ng kurtina ang nilagay ko. Ilang saglit pa ay natapos ko na iyon. Nagulat pa ko ng biglang humiga si Ate Faye sa kama ni Sir Travis. "Ate Faye! Umalis ka diyan baka magalit saatin si Sir Travis kapag nalaman niyang hinigaan mo ang kama niya!" Paalala ko. Nagpagulong gulong la siya sa kama bago sumagot. "Eh wala namang magsasabi, Klein e. Tayo lang dalawa ang nakakaalam. Unless, kung sasabihin mo sakaniya!" Sabi pa niya atsaka niyakap ang mga unan ni Sir Travis. Hay nako! "Ate faye, kahit gusto kitang isumbong ay di ko magagawa dahil hindi naman kami close ni Sir Travis, 'no!" Saad ko. "Enjoy-in mo nalang din ang kama ni Sir Travis. Isipin mo, mamaya mahihiga siya dito. Tapos yayakapin niya yung unan na niyakap mo rin. Oh diba, masaya yon? Para ka na rin niyang niyakap!" Hindi maiitago ang kilig sa boses ng Ate ko. Baliw na yata siya. Pinaglalagay ko na sa basket ang maruruming sapin at punda upang mapalaban na iyon. Atsaka ko saglit pinunasan ang malaking salamin sa kwarto ni Sir Travis. Ang laki ng kwartong ito. Siguro ay kasing laki na nito ang pinagsamang Kusina at kwarto ng bahay namin. Ang laki talaga. "Ate, tumayo ka na diyan. At baka mapagalitan na tayo ni Nanay sa sobrang tagal natin rito sa taas." Sabi ko kay Ate. Mabuti naman at tumayo na siya at inayos na muli ang kama. Kung hindi pa talaga siya tatayo ay iiwan ko na talaga siya dito at hahayaan ko na siyang mahuli ng kung sino doon habang yakap ang unan ni Sir Travis. Inabutan ko namin si Nanay na nagluluto ng Adobo roon. Nakasuot siya ng Maid attire tulad namin pero naka-Apron siya. "Nay, tulungan ko na po kayo diyan." Sabi ko sakaniya atsaka binigay kay Ate Faye ang basket ng maruruming damit para siya na ang maglagay non sa may labahan. "Nako, Anak, Salamat. Konting init nalang ay paluto naman na itong Adobo. Sisimulan ko munang gayatin itong Kalabasa para sa kare-kare." Ani Nanay atsaka ibinigay saakin ang sandok. "Sige ho, Nay. Tutulong din po ako sainyo mamaya diyan pag naluto na ito." Sabi ko kay Nanay. Ayoko kasing nahihirapan si Nanay dahil may edad na siya. Si Nanay ay Taga-luto rito sa mga De Guzman. Samantalang si Tatay naman ay sa may Rice Mill ng nga de Guzman nagtatrabaho bilang Driver ng Truck ng mga bigas. "Sige, Anak. Kamusta naman ang pag-aayos niyo ng kwarto ni Travis?" Tanong ni Nanay. Tinikman ko muna ang lasa ng Adobo kung ayos a ba ang lasa. Medyo kulang sa alat kaya dinagdagan ko toyo iyon upang umalat at sa gayong mas naging malasa. "Ayos lang po, Nay. Ang laki po pala ng kwarto ni Sir Travis, nay 'no? Grabe, nakakamangha." Kwento ko. "Mayaman kasi sila, Klein. At tunay namang nakakamangha ang bawat sulok ng mansying ito." Ani Nanay. Sunod sunod na pagtango ang ginawa ko sakaniya habang nakangiti. Ngayon ko lang kasi ako nakapasok sa kwarto ni Sir Travis kaya namangha ako. Hindi ko akalaing ganon pala talaga kalaki iyon. Maski kama niya ay siguro kahit tatlong tao ang humiga ay kasya! "Ano na kaya ang itsura ng batang iyon? Dati ay maliit lang iyon at sobrang tahimik. Ano na kaya siya ngayon?" Tanong ni Nanay. Pareho kaming napaisip doon. 9 years old kasi nang lisanin ni Sir Travis ang Bicol para mag-aral sa New York. At ngayong 21 na siya ay napagdesisyunan na niyang umuwi. Nakatapos na siya ngayon sa kursong may kinalaman sa business. Matagal din siyang nawala kaya naman siguro nagpahanda talaga si Sir Jaden ng salu-salo sakanilang pamilya ngayong gabi dahil matagal tagal din nilang nakasama si Sir Travis. Matagal ko naman ng nakikiyang itong si Sir Travis. Lagi niyang kasama maglaro ng basketball ang Kuya niyang si Sir Dean at ang bunso pa nilang kapatid na si Sir Harris. Tapos madalas ay nagsuswimming sila sa may swimming pool nila at ako ang taga dala ng miryenda nila kaya naman kilala ko na sila. Simula pagkabata kasi nila ay si Nanay ko na ang nagluluto dito sa mansyon nila. Kilala nila ang sa pangalan ko. Pero hindi ko alam kung kilala pa ba nila ang sa mukha. Malamang ay hindi na dahil ilang taon na rin ang lumipas. At hindi naman nila ako naging kaibigan noong nandirito pa ang magkakapatid. Siguro kay Sir Dean ay medyo close ko dahil siya ang pinakamadalas na makipag-usap saakin non pero sa palagay ko ay nalimutan na rin ako non. "Magbihis ka na, Klein. Paparating na ang mga De Guzman kaya kailangan na nating mag-ayos ng hapag kainan." Ani Nanay at nagmamadaling hanguin ang Kare-Kare para ilagay iyon sa may isang malukong na lalagyan. Tinanguan ko si Nanay at bakita konh si Ate Faye na ang tumulong sakaniya sa pag-aayos ng lamesa. Pumunta na ako sa kwarto ni Nanay rito sa may Mansion atsaka kinuha ang damit ko at nagpalit. Simpleng paldang hanggang ilalim ng tuhod ang sinuot ko at kulay lilamg tee shirt. Atsaka ko nalang inilugay ang wavy kong buhok. Hindi naman mukhang buhaghag iyon kaya okay na ito. Ilang saglit pa ay lumabas na ako. Halos maayos na ang lamesa pero may ilan parin kulang doon kaya tumulong na ako para makumpleto iyon. Ala syete na ng gabi at kaunting minuto nalamang ay darating na rin ang mga De Guzman kaya minadali na namin ang pagaayos ng lamesa. "Ayos na iyan, Ate Faye. Tulungan mo nalang si Klein na idecorate iyong cake na pinabake sakaniya ni Sir Jaden dito sa kusina." Rinig kong sabi ni Nanay kay Ate. Pinagbake din kasi ako ni Sir Jaden ng Chocolate cake kaya eto at dinedekorasyunan nalamang namin. "Masarap kaya ang cake na nagawa ko, Ate?" Pag-aalala kong tanong habang nilalagyan ng icing ang gilid ng cake. Si Ate naman ay naglalagay ng plastik sa kamay bago hawakan ang sprinkles. "Of course, Sis! You have the sweetest and delicious cake here in Bicol kaya!" Cheer up niya saakin. Ngumiti naman ako. "Binola mo pa ako. Kinakabahan na nga ako. Syempre, buong angkan yata ng De Guzman ang titikim nito." Saad ko. Nilagyan ko pa ng iba't ibang uri ng chocolate bars ang itaas bilang design ng cake na ito. Sabi ni Sir Jaden ay mahilig daw ang anak niya sa Chocolate cake kaya ito ang pinagawa niya. "Huwag ka ng kabahan dahil for sure naman na masarap ito. Kelan ka ba pumalpak sa ganito, Klein?" Sabi ni ate atsaka siya humalakhak. Sana nga ay maging maayos iting lasa ng cake. Hindi ito ang first time kong gumawa ng cake. Nagbebake ako dahil Culinary naman ang kurso ko. Scholar ako ni Sir Jaden kaya ako nakakapag-aral ng Culinary sa isnag magandang University kasama ang ate ko. Nakakakaba lang kapag naiisip kong matitikman ni Sir Travis itong cake na binake ko. "Faye, Klein, Andyan na sila. Dalian na ninyo." Sabi ni Nanay. Agad naman nataranta si Ate. Inalis niya ang plastik gloves sa kamay niya at tinulungan si Nanay sa labas. Ako naman ay tinapos ng dekurasyunan ang cake para makasunod na sa kusina. "Klein, mamaya pa ang dessert. Patulong naman akong maglagay ng mga wine sa baso nila." Ani Ate Ria na isa ring katulong dito sa mansyon. Tumabgo ako atsaka iniwan ang cake. Tapos na rin naman iyon. "Tara." Aya ko. Nang lumabas ako ay inayos ko muna ang damit at buhok ko. Ayoko namang lumabas ng nakakahiya sa mga de Guzman kaya kahit palaano ay inayos ko ang sarili ko. Pagkalabas ko ay nagtatawanan ang mga De Guzman. Nandon si Sir Jaden kasama ang asawang si Ma'am Helenna. Nandoon din si Don Antonio na ikinagulat ko. Nasa Manila kaso ito at nagaasikaso ng kompanya nila doon. Bumiyahe pa siya ng Bicol para dito. At nandon din ang Tito at Tita ni Sir Travis kasama ang tatlong anak na sina Jessy, Cameron, at Alexandre. Kilala ko na sila dahil nakwento ni Nanay na kasama sila. "Good Evening po." Magalang na bati ko. "Andyan na po pala kayo, Nanay Pearl. Selene, Andrew, sila nga pala ang mga cook dito sa bahay. Si nanay Pearl." Pakilala ni Sir Jaden kay Maam Selena at Sir Andrew na magulang pala nila Jessy. Naglahad ng kamay ang nanay ko at tinanggap nila iyon. "Klein...Faye...Ria..." pakilala pa saamin. Nakakatuwa naman at pinakilala pa kami. Ngumit ako sakanila at nakipagkamay din sakanila. "Ipakikilala ko pa sainyo ang ibang tao rito sa bahay bukas. Nagsiuwian na kasi sila dahil gabi na at sila lang ang dito natutulog sa bahay." Sabi ni Ma'am Helenna. Tumango naman sila. "By the way, Eto nga pala ang nga anak ko. Si Jessy." Saad ni Ma'am Selene. Sabay turo kay Jessy na may maputi at makinid na balat. Matangkad siya at mukhang model. Nginitian namin siya at ganun din naman siya. Mukhang mabait. "This is Alexandre." Sabay turo sa lalaking naka-jeans at puting vneck na bagay sakaniya. Gwapo at maputi rin siya. Ngiti ang binigay namin at gumanti rin ito. "And this is Cameron." Turo niya sa lalaking naka-pedal shorts na kulay black atsaka siya nakapolo. Mas gwapo siya kay Alexandre. Makinis at maputi rin. Mestizo. Mukhang half ang lahi. Nginitian namin muli si Sir Cameron. Pero nagulat ako ng saakin lang nakatuon ang mga mata niya. Kinabahan ako doon pero ngumiti parin ako upang hindi iyon mahata pero hindi siya ngumingiti saakin kaya nag-iwas na ako ng tingin. Nagsi-upo na silang lahat kaya naman nagsimula na naming iserve ang mga ulam sa lamesa. Nang mailagay iyon ay nagsalita si Ma'am Helenna. "Wait, nasaan na ba si Travis? Sabi niya ipaparada niya lang saglit ang sasakyan niya ah?" Pag-aalalang tanong nito. Nagkibut balikat lamang ang mga tao sa tanong ni Ma'am Helenna. Si Sir Jaden naman ay sinabing papunta na iyon sa hapagkainan. Maghintay lang daw at papunta na iyon. Ganon nga ang ginawa ng lahat. Habang hinihibtay si Sir Travis ay pumasok kami ni Ate Ria sa kusina atsaka kumuha ng isang bote ng wine para malagyan na ang mga baso nila bago pa magsimulang kumain. Pagkalabas namin ay siyang pagpasok ni Sir Travis mula sa pintuan sabay bigkas ng "Im here. Im sorry medyo nalate dahil nahirapan akong ipark ang kotse ko." Aniya. Napahinto ako sa kinatatayuan ako. Napahinto ako habang pinapanuod siyang papalapit at habang pinaglalaruan ang mga susi sa kamay niya. He is wearing a jeans, white fitted vneck tribal shirt habang nakasuot ng leather jacket na bagay na bagay sakaniya. Hindi ko maiwasang mamangha sakaniya. Para siyang anghel na bumaba sa langit sa sobrang kagwapuhan! "Good Evening, Lolo." Bati nito sa lolo niya sabay beso. Humalakhak ang Lolo niya sakaniya saka humalik pa ito sa Mommy at Tita niya pati na rin kay Jessy. Tinapik niya lang sa likod ang Dad at Tito niya kasama sila Alexandre at Cameron. Bago pa ako maestatwa ng sobra ay lumapit na ako sa kani-kanilang baso at nilagyan na ng Wine. Hindi ko maiwasang kabahan lalo na at ang lapit ko sakanila. "Nanay Lucy, dito po matutulog sila Selenne atsaka si Lolo. Pahanda naman po ng mga guest rooms." Sabi ji Maam Helenna sa nanay ko. Agad iyong sinunod ni Nanay at umakyat sa may taas. Habang naglalagay ako ng wine sa may wine glass ay naramdaman kong may nakatingin saakin. Nilingon ko iyon at tama ako. Nakatingin nga si Cameron saakin. Hindi sa mukha ko pero sa mga labi ko. Nakagat ko tuloy ang ibaba kong labi dahil doon at nag-iwas ng tingin sakaniya. "Hi. I'm Cameron. You are who, again?" Tanong saakin ni Cameron ng matapatan ko siya na ikinagulat ko. Alam kong narinig iyon ng lahat kaya kinabahan ako. Mabuti nalang ay tapos na ang paglalagay ko ng mga wine sa mga wine glass nila. Naglibit ako ng tingin sakanila at nakita kong napahinto sila sa mga tanong nila maliban kay sir Jaden na kumakain na. Hindi ko nasagit agad ang tanong. "K-Klein po." Bulong ko. "Sorry, again. What?" Ingles niya. Napalingin tuloy ako ulit sa ilang De guzman sa paligid. Nakatingin si Jessy sa kapatid niya samantalang si alexandre at kumain na rin. "Ang bilis talagang poporma ni Kuya!" Kantsaw ni Alexandre kay Cameron. Mas jinabahan ako doon lalo na at nagsitawa sila pati si Don Antonio. Nahagip ng mata ko si Sir Travis na ngayon ay nakatingin saakin. Nakaawang ng bahagya ang nga labi niya gaya ng akin. "Her name is Klein, Cameron. She is Nanay Lucy's second daughter. Why?" Mariing ingles ni Sir Jaden. "Nothing, Tito. I just want to know her name." Sagot nito. Nakahinga ako ng maayos sa sagot niya. Atsaka umalis na dahil ayoko namang ako ang magiging topic nila gaying dapata ay si sir Travis dahil kauuwi lang nito galing New York. Nang lalagpasan ko na ang lamesa nila ay narinig ko pa ang boses ni Sir Travis na nagtanong sa daddy niya. "Is that Klein Jaycel already?" *
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD