Chapter 9: A not so boring day

2554 Words
Valeen My mood suddenly changed and I feel like I'm above the clouds while eating.... cloud 9. Wait, what? "Val, gusto mo cloud 9?" nagmulat ako at inalis ang headphone sa tenga kasi kinulbit ako ni Donalyn na may nakalahad na cloud 9 sa harapan ko. Nakangiwi ko iyong tinanggap."Thanks." bumalik ako sa paghiga at ibabalik na sana ang headphone sa tenga pero may umepal na naman. "Masarap ba matulog dyan sa couch, Valeen? Tanong lang, 'di ko naranasan 'yan eh." ang walang kwentang logic na naman pala nitong si Wally. "Oo masarap matulog rito lalo na kung walang maingay na gaya mo." kinantyawan nila ito, nangunguna si Reggie. "Savage! Ano, pre? Wala ka pala eh!" "Tangina bakit kaya ang hilig mambara nitong si Cortez? Patulan ko na kaya? Gamit pagmamahal ko?" "Ayieeee! Hahaha gago!" "Kalma lang, Walter. Hinay-hinay. Kahapon si Donalyn, kanina pinsan ko tapos ngayon si Valeen? Baka ako na ang isunod mo ha? Hindi pa ako ready, pre!" boses ni Reggie at Wally ang namamayani sa pandinig ko hindi ang pinapakinggan kong kanta. "Putchang 'yan! Mag-aalaga nalang ako ng tuta!" "Tarantado!" at nagbardagulan na muli sila. May biglang sumigaw."Stop it! Magtino nga kayong dalawa kahit ngayon lang. Nandito tayo para magmanman hindi para maglaro o maglokohan!" itinigil ko ang pakikinig ng kanta at inalis ang headphone para tingnan sila, si Jersey ay sinaway ang dalawa. Nakataas ang dalawang palad ni Wally."Oh relax lang, master. Sorry, master." at para siyang timang na yumuyuko sa harap nito habang nakaganon. Iniringan lang siya ni Jersey at tumapat na ang paningin sa akin. Sungit ng isang 'to. Dapit-hapon na pala pero heto kami at nandito parin sa school. Marami na ang nagsiuwian, yung mga hindi interesado sa darating na intrams at ibang mas gustong tumambay sa computer shop or tindahan. Kakaunti na ang mga tao sa school yard at ngayon ko sana balak simulan ang paglilibang pero naalala kong wala nga pala akong kagamitan para doon. Speaking of kagamitan, my very own tools are not with me today because I left them sa hideout ko along with my favorite original red backpack. Nang kinuha ko ang razor at gunting pati swiss knife, I forgot to get my backpack na nakalapag sa mesa. Dumeretso agad ako sa gate pagkahugas ko ng kamay at mga bakas ng dugo sa sink. May gwardyang nagbabantay, swerte at may palabas rin na babaeng estudyante kaya nakisabay ako sa kaniya. Saka ko naalala na hindi ko nga pala dala ang backpack ko at naiwan ko sa hideout. Babalikan ko pa sana but sobrang alerto ng gwardya kaya hindi ko na itinuloy. Buti sana kung antukin ang isang 'to katulad ng iba, malaki ang tyansa na maisahan ko pa. So when I got home, nilabas ko ang nakatagong bag na kakulay at kapareha ng naiwan ko doon. At nilagyan ko iyon ng mga notebooks at iba pang nakakairitang school supplies. It's for the mean time only, kukuhanin ko rin ang favorite bag ko. Nagtiis akong gamitin ang walang kwentang bag na 'yon, pampabigat lang naman ang mga notebooks. Kating-kati na akong kuhanin ang favorite bag ko kaso palagi akong niyayaya nina Yesha at Dona na kumain sa labas. Palagi silang umeepal sa eksena kaya wala akong chance na makuha 'yon. Kaya hanggang ngayon ay ito paring bag na 'to ang ginagamit ko. Well, akala ko wala siyang kwenta, hindi pala dahil umayon ang pagkakataon sa akin. Dahil sa bag na 'to, hindi nila ako nahuli. "Fae! Sandali, saan ka pupunta?" binubuksan kona ang cloud 9 na ibinigay sa akin ni Dona, lumingon ako kay Reggie nang habulin niya ang pinsan niyang nagtatakbo. "Kay bearbrand makikipagsayaw!" pasigaw nitong sagot pabalik. "Fae naman! Hindi ka na bata!" nagpapadyak ito sa inis. In a second, may humila sa akin. Si Donalyn, hinihila kaming dalawa ni Yesha. What the hell? Hindi ko tuloy naituloy ang akmang pagsubo ng cloud 9! "Huwag kang killjoy, Reggie! Tara din doon mukhang masaya makipagsayaw kay bearbrand cutie!" "The f**k?!" hindi na ako nakapalag, nagtagumpay siya sa paghigit sa amin. Walang nagawa sina Reggie, Wally, Isaac at Jersey kundi ang sumunod sa amin. Si Maria? Ewan ko kung nasaan iyon, sumalangit na yata sa sobrang relihiyosa. "Sabi ko magmanman, hindi maglaro at maging bata." panay ang pagbuntong-hininga ng bigong si Jersey, nilingon ko siya at mukha siyang ninakawan ng milyones sa pagkabagsak ng kaniyang balikat. "Hayaan mo na, pre. Minsan lang tayo maging bata." tinapik ni Wally ang balikat nito, animo'y pinapalubag-loob. "Chuckie?" I heard Reggie. "Bearbrand, ulul!" binatukan siya ni Wally. "Bobo! Chuckie 'yun eh!" binatukan rin niya ito pabalik at bago pa sila magbardagulan ulit ay lumayo na ako baka pareho ko pa silang mapatay dyan. Nang makarating na kami sa stall ng bearbrand ay naroon na si Fae, humahagikhik habang ginagaya ang sayaw nito. Tumili si Donalyn at nakigaya rin, para silang mga bata. Seniors on the sides are cheering them. "Really?" nakangiwing akong kumagat sa cloud 9. May kumulbit sa akin at nakitang si Wally, kinunutan ko siya ng noo."What?" I asked. "Penge.." naglahad siya ng dalawang palad while he's pouting like a duck! Inilayo ko nga ang mukha gamit ang hintuturo ko sa noo niya. "Go away!" kumagat ulit ako sa chocolate. Hindi pa siya umaalis kaya tiningnan ko na siya ng masama. "Damot!" kunwari siyang suminghot-singhot na parang iiyak na. Bibigwasan ko na sana nang may pumagitna sa amin. "Hoy, Walter, walang bold lover na nag-iinarte. Hindi bagay sa 'yo." Lumapit si Jersey. Pinakyuhan siya ni Wally."Epal mo naman, Morales. Nahingi pa ako kay Valeen ng cloud 9 pagbigyan mo na." then he put his arms around my shoulders."Diba, Valeen babes?" he smirked, causing his ugly tooth to show up. "Babes? What the actual f**k?" hindi ko pinansin ang pagmumura ni Jersey kasi nakapokus ako kung paano ko gagamitan ng cutter ang mga bulok na ngipin nitong si Wally kapag siya na ang isinunod ko. Padarag kong inalis ang kamay niya sa ibabaw ng balikat ko."Back off. This is mine only, seek for yours." I rolled my eyes at him. "Woah! Lakas naman, master! 'Yan ang gusto ko sayo eh." "Stop it, Walter. Hindi na natutuwa sayo ang tao." Jersey said in a serious tone. Kaming dalawa nalang ang natira nang umalis na rin sa wakas si Walter. I head to toed him and arched my brow as I'm chewing the chocolate bar. "Hindi mo sinabing favorite mo ang cloud 9, binigyan sana kita. Marami sa amin, imported pa." he said like as if I'm asking. Naubos ko na ang kinakain at nilukot ang balat bago itinapon."Akala ko habangbuhay ka nang magiging Isaac version 2.0. Back to being annoying?" Inignora ko ang mga sinabi niya. His brows furrowed."Huh? Bakit napasali si Lorzano dito?" that's only his concern. He's so weird this past few days. "Tahimik ka kanina para kang si Isaac." I find it funny, lagyan lang siya ng specs, para na silang twinny. He closed our distance, I'm shocked at that move of him. Hindi kaagad ako nakataas, sobrang tangkad niya dahilan para tingalain ko siya. "Don't compare me, please. Mas gwapo naman ako sa patpating 'yon." he stared at me and why is.. why is my heart pumping like it's in a marathon? It's so unfamiliar yet unexplainable. But whatever it is, I must don't give a damn. I shouldn't be intimidated with these guy, he should be the one to feel intimidate with me. "Kapag narinig ka ni Isaac.." I trailed off. Lumingon-lingon siya, ganoon rin ang ginawa ko. At nakita namin ang pinag-uusapan namin, ayun nasa tabi ng bearbrand stall at walang kaalam-alam na nanonood sa mga isip batang sina Donalyn at Fae. "What? Kapag narinig ako? So what? Susuntukin niya ako?" pasiring kong ibinalik ang tingin sa katabi kong 'to. "Sa tingin mo makakasuntok 'yon?" taas-kilay kong sabi. He smiled and pinched my cheeks. The heck? "Underestimating huh? Bakit? Ano ba ang kaya mo?" he asked, not minding my glares. I crossed my arms. "Marami." "Ow? Like?" he seems so interested but sorry boy, I'm at my limits. "Secret. Isearch mo." I pinched his biceps that made his jaw dropped. Tinalikuran ko siya at kinawayan. I walked towards the drink stall at bumili ng smoothie, sayang kasi wala silang free taste, kakaunti raw kasi ang tinda nila. Good thing maraming pera ang ibinigay nina mommy para sa allowance ko, humingi ako ng only 50 thousand but they gave me 100 thousand. "Uh.. sukli niyo po ate." she's calling me ate because she's just a junior high. I shook my head. "Nah. Keep the change." I put my mouth on the straw. Her eyes widened at what I said. "Talaga po? Salamat po, ate!" tinanguan ko lang siya at naglakad na palayo. Sobrang hapon na talaga. Maulap at madilim na ang paligid, bukas na ang mga ilaw ng poste pati sa paligid ng Whimford. "Traydor ka, Valeen!" lumingon ako sa sumigaw, si Donalyn pala. She's pointing my smoothie dramatically. "What?" I mouthed. "Hindi ba't bearbrand dapat tayo? Bakit sa smoothie ka?" she's doing the tantrums again, pinagtatawanan lang naman siya ng mga kasamahan. "I don't like bearbrand," sabi ko nang makalapit. Nakaharap ko pa ang mascot ng bearbrand at napaatras matapos makita ang anyo nito sa malapitan. I saw sharp tooth metals inside his wide opened mouth! And his eyes were all white with black veins around! Napakurap ako, malayo na siya at nagsasayaw na ulit."I hate.. bearbrand..." What the f**k is that? *** "Byebye na! See you nalang sa intramurals guys!" Dona waved at us nang maghihiwa-hiwalay na kami. "Anong nagawa natin sa araw na ito?" laglag ang balikat na ani Jersey, I tapped his shoulder. Hindi ko alam ba't ko ginawa 'yon at wala na akong balak alamin. "Naglaro? Kumain? Naggala?" Reggie answered kaya binatukan siya ng pinsan na si Fae. "At nagpakabusog!" si Wally ay inakbayan ang katabing Isaac na tahimik na naman. Wala itong nagawa nang guluhin ni Wally ang buhok niyang ilang buwan na atang walang suklay. "Ang iingay niyo pero ang sarap niyo kasama." Yesha intruded. Natahimik sila. "Aww, sweet mo naman Yesh!" niyakap siya ni Fae at ni Dona. "I don't agree with that." ang nagpapagpag ng polo na si Isaac ang nagsabi, inayos niya ang kaniyang specs nang salubong ang kilay. Hinarap siya ni Dona at pinameywangan."Kj ka talaga, nerd!" "Parang hindi ka nerd, ah?" mahina lang iyon pero dinig parin namin, masamang tingin ang ipinukol ni Donalyn kay Isaac na parang wala lang pakialam sa mundo. "'Yun oh! Sayo ako, Isaac! 'Wag ka papatalo manok ko!" iwinagayway ni Wally ang kaniyang backpack tapos ay minasahe niya ang likuran ni Isaac. Halos magkandaubo ito. Donalyn was about to speak pero may pumito kaya napatigil kami at sabay-sabay na napalingon. Ang gwardya ay naglalakad patungo sa amin, mukhang galing siya sa isang tindahan at may binili. "Boss." sumaludo si Reggie at Wally. Tiningnan kami isa-isa ng gwardya, napababa ang tingin ko sa hawak niyang batuta. "Hapon na. Magsi uwi na kayo." sabi nito. "Yes, boss. Uuwi na nga po kami, hinihintay ko lang po ang limousine ko." lahat kami ay napatingin kay Wally. "May limousine ka, pre?" tanong naman ni Reggie. Tumango si Wally, kung hindi ko lang alam na nalagasan siya ng turnilyo sa utak, naniwala na ako. "Oo pre, sa future." Binatukan siya ni Reggie. "Hoy, hoy tama na 'yan! Pinapauwi ko kayo hindi ko sinabing mag-away kayo! Magsiuwi na nga kayong mga bata kayo!" sinigawan na kami ng gwardya. Natigil ang dalawa. "Sige, boss. Lalarga na kami, goodluck sa trabaho boss!" "O' sige na, sige na! Mag-aral kayong mabuti. Mag-ingat sa pag-uwi at maraming masasamang budhi ang nagkalat!" he swayed his hands. "Opo!" Kumaway sila dito. "Magdadala kayo ng bag sa Friday?" Fae asked. "Oo naman 'no! Kagaya ng sinumpaan kong pangako, hindi ko iiwan ang mga buddy ko." si Wally ang mabilisan sumagot, niyakap niya pa ang bag niyang sa unahan nakasukbit. "Ako hindi na, wala namang gagawin. Maggagala lang at manonood." Donalyn answered next na sinang-ayunan nila. "How about you?" tinanong ako ni Jersey na katabi ko. "I guess hindi na rin." pwede ko namang kuhanin sa hideout ang mga gamit ko anytime. Nagkawayan na sila sa isa't-isa at lumiko na sa magkakabilang direksyon. Binawi ko na ang tingin kay Jersey at tuluyan nang tumalikod, I held my chest and breath in and out. Pinilig ko ang sarili at naglakad na pauwi. **** I closed our double doors at sumakay sa niregalong kotse ni Daddy noong 16 ako. I put key and started the engine. Automatic na bumukas ang gate at automatic rin na nagsara paglabas ko. Ipinagawa ko pa iyan dahil wala namang magbubukas-sara na maid para sakin, pinatay ko na silang lahat eh. Well, hindi pala lahat dahil ang iba ay nakakulong pa sa basement. I parked the car at the driveway at bumaba na para pumunta sa convenience store. It's almost midnight and I'm going to buy a cornstarch, gagawa kasi ako ng nilagang utak. Bigla akong nagcrave sa bulalo but instead of the real bulalo, I want to cook it in another level. Nagtungo ako sa hallway ng mga ingredients for recipe and grabbed two can of cornstarch. I'm humming as I walked to the counter. Walang katao-tao at pila kaya solong-solo ko ang buong counter but the clerk seems so numb or dumb. "Hello? I bought this." winagayway ko sa harapan niya ang pinamili ko. Nahinto naman siya sa pagtawa sa katawagan niya at nilingon ako."Ah ano iyon?" "Ano ba ang ginagawa ng isang clerk na gaya mo kapag may costumer na nasa counter?" I said sarcastically at her. Ibinaba niya ang hawak na cellphone at kumunot ang noo sa akin. "Walang galang kang bata ka ah. Ano bang binili mo? Akin na nga! Madaling araw na't lahat, ngayon mo pa naisipang bumili." putak siya nang putak at nakakarindi iyon sa tenga. "Madaling araw na ri't lahat, mas iniintindi mo pa ang paglandi kaysa pag-asikaso sa costumer niyo." balik ko sa kaniya. Her eyes widened and cheeks reddened. Akmang hahablutin niya ang buhok ko pero inunahan ko siya, tinulak ko siya kaya tumalsik siya sa pader. Kumuha ako ng bottled water at ibinato iyon sa cctv camera. Boom basag. Napangisi ako at tumingin sa pintuan saka pinindot ang switch ng ilaw sa gilid nito. Nagdilim ang paligid at narinig ko ang tili niya. Dahan-dahan akong lumapit sa cellphone niyang nagriring at binasag ko iyon gamit ang bago kong sapatos. "Huwaaaag!" iyak niya. Lumapit ako at binuksan ang flashlight sa mismong mukha niya. She's now crying loudly. "Kanina you're sounded so matapang, what now? Cry baby?" humalakhak ako at kumuha ng bote ng alak bago binasag iyon sa harapan niya, lumakas ang kaniyang tili. Hindi na ako nag-aksaya pa ng panahon at pinagsasaksak ko siya gamit ang bahagi ng basag na bote. Pilit siyang nagpupumiglas pero hindi iyon nagtagal dahil agad rin siyang nangisay at binawian ng buhay. Whew. It's just quick but I enjoyed it, a bit. Hinila ko ang duguan niyang bangkay papasok sa banyo at i-nilock iyon. I got my two cornstarch and left the store eaten by darkness. Binasag ko rin ang nasa labas na cctv camera sa pamamagitan ng isa pang bote ng alak na kinuha ko. Nilibot ko ang buong paligid bago pumasok sa kotse at pinaandar ang makina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD