Valeen
"Anong booth ang sinalihan nyo?" Yesha asked.
"Ako sa photo booth!" the new girl, Fae appeared.
"Ang alin 'yun?" at kasama niya pala ulit ang matangkad na lalaking 'to. If my memory was right, the name is Reggie.
"Sa booths!" si Donalyn ang sunod na umeksena."Photobooth sa 'yo, Fae? Boring naman! Ako kasi sa jail booth!" then she giggled.
Gusto kong patahimikin sila dahil ang iingay nila pero tiniis ko nalang, yeah titiisin ko nalang. Kawawa naman kung hindi nila masusulit ang mga nalalabi nilang mga araw.
"Uy, jail booth rin ako!" naghigh-five si Reggie at Donalyn.
"Hindi naman boring sa photo booth ah?" I can hear the pout of Fae.
May tumawa."Sa wedding booth ka nalang kasi, Fae. Para kasama mo ako hehe!" at nang nilingon ko iyon, ang annoying na Wally ang bumungad.
Nakakairita talaga ang style ng lalaking 'to, what's with his white bandanna ba? Ugh, actually lahat naman sila ay nakakairita and I have nothing to do but to f*****g deal with it. Sounds f**k? Right, f**k.
"Gago naman, Walter! Huwag mo ngang isali sa kabulastugan mo ang pinsan ko!" mahinang sinuntok ni Reggie si Wally sa braso nito.
Tumawa lang naman ito at namulsa.
"Omy! Magpinsan kayong dalawa?" gulat na tanong ni Donalyn. Kahit ako naman ay ganyan rin ang magiging reaksyon ko.
Hindi naman kasi sila magkamukha or magkahawig man lang. Ni kaunting resemblance of their genes ay wala.
"Yup! We're cousins! Halatang-halata naman diba?" nagtabi silang dalawa, nakaabay si Reg kay Fae na hanggang dibdib lang niya.
Nang nilingon ko si Donalyn, nakangiwi na siya."Uhm.. hindi eh, ang layo eh. Mas malapit pa ang Antarctica than the fact that you guys are related to each other." pinagkrus ko ang mga braso, for the first time, sumang-ayon ako sa kaniya.
"Waaa, grabe naman iyon! Grabe ka naman sa amin, Dona!" Reggie held his chest dramatically.
Nagtawanan sila.
"Teka, nawala sa real topic. Ikaw Valeen, anong booth ang sinalihan mo?" natahimik sila nang simulan na naman ni Yesha ang magtanong at ako pa talaga on the spot?
Inayos ko ang hairpin ko."Killing booth." their mouth hanged open.
"K-Killing booth? What the..?" si Reggie na nakakunot noo.
"Puta! Mas may sapak yata 'to kesa kay Maria!" tumawa si Wally habang nakaturo sa akin, nagkandahawak pa siya sa kaniyang tyan.
"Joke! It's candy booth!" bawi ko.
"Akala ko naman totoo na yung killing booth! Kinabahan ako doon." I smiled sweetly at Dona.
Lumapit sakin si Wally."Whew. 'Wag kang gagaya kay Maria ah? Type pa naman kita." he has the audacity to wink at me!
Tinaasan ko siya ng kilay at hindi na lamang pinansin ang kantyawan nila. Stupids. I glanced at Yesha na tahimik parin.
"Ikaw? What's your booth?"
She lifted up her gaze and said,"Pastries.." it's a whisper.
"Oh? Baking sweets? I love that! Isama mo ako sa booth myo! May free taste ba?" I don't know why I have this spacw when it comes to sweets.
Mukhang nagulat siya sa sinabi ko.
"Uy ano 'yan?" sumingit si Donalyn.
"I'm asking her if my free taste ba sa booth nila." Tumaas ang kilay niya, nagmukhang interesado.
Dalawa na kaming nakatingin ngayon kay Yesha at hinihintay ang sagot niya. 'Yung tatlo sa likod ay nagbabardagulan na.
"Oo, meron namang free taste."
"Great! Wala akong barya today ,e." I told them.
We continued to walk along the school yard. Walang klase today because they're preparing for the upcoming intramurals. Nagkalat ang mga booths and different stalls sa side ng yard, meron pa akong nakitang mascot ng bearbrand na sumasayaw! Ginagaya siya ng mga lower grades, mga highschool students na utak kinder pa.
Ang lahat ay may pinagkakaabalahan, nagpipinta ng posters, nag-aayos ng kani-kanilang stalls, at kung hindi nagkakalat ang mga pasaway na junior high ay nagsasayaw naman o 'di kaya'y naggagala lamang katulad ng ginagawa namin.
"Hello mic test, hello." napatingin ako sa stage maging ang mga kasama ko---more like nakabuntot sa akin.
"Ang prim and proper talaga ni Ephraim ano?" si Fae na sinang-ayunan ng dalawang babaeng katabi ko.
"Oo, crush ko 'yan nung first day of school." Donalyn confessed.
"Bakit? Ngayon, hindi na?" curious na tanong ni Fae.
May sari-sarili na silang mundo, ang dalawang si Reggie at Wally ay nakaupo sa couch at sa hula ko'y naghahanap sila ng chix ba, parang matang lawin ang mga paningin sa dumaraang mga kababaihan eh.
"Hindi na, nagfade agad eh. Ang suplado kasi tapos akala mo menopausal sa sobrang sungit. Hmp!" reklamo na pagsagot ni Donalyn.
If I'm not mistaken, the guy their talking about is our president and the SSG president of this whole campus. Siya rin lagi ang nakakasagot sa mga quizzes and recitation namin, well, silang dalawa pala nung lalaking payat na kasing puti ng papel at may makapal rin na salamin sa mata.
And speaking of that nerd guy, nahagip siya ng mata ko. Nasa hindi kalayuang couch at may hawak na libro, nang magtama ang paningin namin ni Isaac ay nataranta siya at ibinalik ang tingin sa librong binabasa pero nakabaliktad naman. He thinks I'm that idiot to not even notice that he's looking at our direction?
"Good day my fellow Whimfordians!" I scrunched my nose when the familiar high-pitched tone of girl filled the atmosphere. I glanced again at the stage and there I saw her, the representative of Tourism Management, the bida-bida and the living megaphone.
"Ganda talaga ni Eunice, balita ko sila na raw ni Yukan." ang chismosa talaga nitong si Donalyn. Dapat talaga putulan 'to ng dila ,e.
"Talaga? Yukan Fajardo? Iyong nanalo last year sa Mr. Intramurals?" interesadong-interesado naman sina Yesha at Fae. Pati mga katabi namin na ilang babae ay nakiusyoso sa chismisan nila.
Mygod. Lumayo nga ako. Hinayaan ko silang pagchismisan ang mga walang kwentang tao.
"This is the last day of our preparation for the upcoming intramurals. Tomorrow is our free and rest day until Thursday! So meaning, that two days is for the cleaning and training of our very own contestants for Friday! SSG officers suggested to be here so kayo lang 'yung may free day, kaming mga officers at iba pang staff ay wala just like our teachers. Nakakalungkot right?" tanong ng representative na 'to sa mga estudyanteng nagtipon-tipon ngayon sa ibaba ng stage.
"Hindeee!! Ang saya nga eh walang pasok!"
"Yey! Extended ang deadline ng thesis!"
"Wohoo! Sana sa next semester din!"
I shrugged my shoulders sa halo-halo nilang comments. Basta ako, this is so boring. Dagdagan pa ng walang pasok dalawang araw? E, paano naman ang mga plans ko for that day? I hate delays.
"Loner ka pala." agaran akong napalingon sa tumabi sa akin at agad ring nairita nang makitang si Jersey ito.
He's smiling from ear to ear. Can't he see he almost look like a clown?
"I'm not a loner. Baka ikaw." I fired back at humalukipkip. Hindi ko pinansin ang pagtawa niya kasi wala namang nakakatawa sa aking sinabi.
"Where's our teammates?" pag-iiba niya ng topic.
Kunot-noo, nagtanong ako."Teammates?" medyo malakas ang pagsasalita namin kasi hanggang ngayon ay nagdadadaldal parin sa stage ang representative a.k.a megaphone na 'yon.
Jersey held the straps of his backpack."Yep! Our teammates. Power Eighteens, remember?" gumagalaw ang kaniyang balikat dahil sa pagtawa.
Agad nagsalubong ang kilay ko sa pinakakorning team name na iyon. Damn that Wally and his corny suggestion.
Mas lalong natawa si Jersey sa naging reaksyon ko. Matalim ko siyang tiningnan, he blowed air inside his cheeks as if he's hiding his smile. Gusto ko na siyang kitilan ng buhay.
Itinuro ko ang kaninang pwesto."Andun sila. Punta ka na din doon and leave me alone." unang hakbang ko para umalis ay pinigilan niya ako.
"Bakit ba gusto mo palagi mag-isa? Maraming kumakaibigan sa 'yo. Why don't you enjoy hanging out with them? With us? Malungkot mag-isa, Valeen." he said. Hinarap ko siya ng walang karea-reaksyon.
Ibinaba ko ang tingin sa kamay niyang nasa palapulsuhan ko kaya binawi niya iyon.
"There's nothing wrong with being alone. Marami ngang kumakaibigan, ang tanong, para sa anong dahilan? Kasi walang basta basta kumakaibigan ng walang matinong dahilan o benepisyo na makukuha. It's better to be alone than to be surrounded by circle of fake people."
Ang kaninang nakangiting labi ay nakaawang na.
"You have a big trust issues.." he uttered.
Tumalikod na ako."Don't know either. Don't mind it. Go with them and hang your ass out." I began walking with my chin up.
Tinawag niya pa ako pero hindi na ako lumingon pa. Nakakasawa ang mga pagmumukha nila dahil simula nung bumuo si Donalyn ng team 'kuno' ay parati nang laman ng araw ko ang anim na iyon. Dumagdag pa talaga sa mga nangunang epal sa buhay ko. Bwisit.
Matinis na tumunog ang microphone at nag-echo iyon sa buong paligid dahil sa kabi-kabilang speaker. Ang sakit niyon sa tenga, nilingon ko nga ang stage kung saan naroon parin ang mga officers. I raised my middle finger at them and since malapit naman ako sa kanila ay alam kong kitang-kita nila ang ginawa ko.
Naghiyawan ang mga estudyante sa paligid ko samantalang ang officers ay nagsibabaan, naiwang nakatayo sa stage ay yung president. Siguro hahabulin ako ng mga ito kaya inunahan ko na sila, nagtatakbo ako papunta sa isang booth at nagtago sa double curtain na nandoon.
As I'm hearing their cheering and the running footsteps, I know malapit lang sila sa kung nasaan ako. May biglang narinig akong humihilik kaya napalingon ako sa likuran ko at medyo nanlaki ang mata ko sa nakitang natutulog na lalaki. Gusot-gusot ang polo niya at nagkalat ang medyas at sapatos sa sahig. Kung titingnan, para lang siyang nasa bahay na basta na lamang humilata sa kanyang kwarto.
Napansin siguro niyang may nakatingin sa kaniya kaya nagmumulat na ang kanyang mata. When he saw me, he automatically stepped backward and was about to shout but I covered his mouth.
"Shhh! Don't make a noise or I'll cut your tongue off!" pinandilatan ko siya para mas matakot pa siya.
Tumigil siya sa pagpumiglas kaya inalis ko na ang kamay sa kanyang bibig. I looked down my hand and I saw saliva. Yuck.
"A-Anak ng? Parang awa mo na, miss. 'Wag po! Bata pa po ako! Marami pa akong pangarap! Huwag---" kinuha ko ang cutter na nakalapag sa tabi at itinapat iyon sa kaniya.
"Manahimik ka. 'Wag ka ngang assuming." tumahimik naman siya pero bumubulong-bulong parin. What? Hindi ba siya natatakot sakin?
Hello! Famous serial killer here!
"Oo na. Hindi ka nga rapist, sabi ko nga." he sighed. I put down the cutter. "Pero teka, bakit ka nandito? Ba't nakapasok ka sa booth namin? Nakabantay sila riyan ah!" sunod-sunod niyang sabi.
Wala naman akong maintindihan."'Wag ka ngang maingay!" nanggagalaiti kong saway."Hinahabol kasi ako ng officers. Nakapasok ako rito kasi wala namang nagbabantay." I answered his questions.
"Ha? Ba't ka nila hinahabol? Anong ginawa mo? Atsaka anong wala----" he paused."Letse! Hindi talaga mapagkakatiwalaan ang mga hinayupak na 'yon!" he brushed his hair frustratingly.
I gave him my questioning look."They are chasing me because I saluted them my dirty finger." Kibit-balikat kong pagmamalaki.
Sandali siyang natigilan at humahangang tumitig sakin."Woah! Talaga? Wow! Astig 'yun! Pwede isa pa?" hirit niya.
I raised my middle finger in front of him.
"Shut the f**k up."
"Ouch. Seryoso mo naman boss. Pero hindi nga, ginawa mo nga 'yun? Sayang hindi ko nakita! Tsk, tsk! Matagal ko ng pangarap gawin 'yon eh, sa harap sana ng mga teacher. Kapag flag ceremony ba!" paghihimutok niya.
He's giving me Wally vibes but in another way, mas hindi ko siya maintindihan. Baka 'pag pinagtabi sila ni Wally, mapagkamalan silang takas sa bilibid.
"Paano mo makikita ,e ang sarap ng tulog mo?" I don't why I still talking to him. Sinilip ko ng bahagya ang labas at nakitang bumalik na sa kaniya-kaniyang mundo ang mga tao. Mukhang naisahan ko na ang mga gunggong.
"Shoot! Nakatulog nga pala ako. Teka, pinapanood mo ako habang natutulog ano?" nang marinig kong sabihin niya iyon ay humarap ulit ako sa kaniya.
"What? Are you out of your mind?"
"Wew! Huwag mo kasi akong inglesin, kaya ka pumasok dito kasi crush mo 'ko ano? Stalker kita? Yiiie! Kaya pala may magandang babae akong kasama kanina sa panaginip ko, ikaw pala yun." nagfinger heart pa siya.
I made a facepalm. Isa pa 'to, sarap kitilan ng buhay.
"Diba sabi ko manahimik ka? Baka gusto mong tahiin ko dila mo?" I threatened him.
His eyes widened as he raised his hands as if surrendering.
"Awat na! Sabi ko nga tatahimik na, boss." he zipped his mouth. Umismid ako at sinilip ulit ang labas bago akmang lalabas na."Hep hep! Saan ka pupunta? Matapos mo akong pagsamantalahan, aalis ka nalang basta basta? Very wrong 'yun, buddy!"
Iritado ko siyang sinipat."What the f**k is your problem?" napaatras siya.
"Biro lang!" pagbawi niya at nagtatakbo sa harapan, sinundan ko iyon ng tingin at nakitang stall pala nila."'Wag ka munang umalis! May hotdog marshmallows kami rito, gusto mo?" Ipinakita niya ang hawak na cue stick na may nakatusok na hotdog sa gitna at dalawang marshmallow sa itaas at baba.
Humakbang ako palapit para makita ang kabuuan ng kanilang stall. And there.. they have a lot of hotdog marshmallows, chocolate dip and soda cans. Hindi maalis ang mata ko sa hotdog marshmallows, parang gustong-gusto ko silang tingnan.
I'm smiling in front of two people buying hotdog marshmallows at the stall near us. I'm holding someone's soft hand as we both waiting for them.
"I want two!"
"Me three!"
"I want four then!"
"Edi five for me!"
We stopped when they walked towards our direction, smiling while holding hotdog marshmallows.
"Don't fight, my babies. You two should always equal. Walang lalabis at walang makukulangan, understood?" her sweet tone embraced us.
"Yes po!"
Napahawak ako sa ulo ko dahil sa biglaang pagkirot. It felt like a sudden hammer attacking my head, ang malabong pangyayaring iyon na pumasok sa isipan ko ay hindi pamilyar sa akin. Halos matumba ako, may umalalay sakin. Inalalayan ako ng kaharap kong hindi ko pa alam ang pangalan and as if I care. Nawala na ang sakit ng ulo ko pero nandoon parin ang pagkahilo.
"Uy, ayos ka lang?" he asked with his concern face. Tumango ako.
"Yes, don't mind me."
"Sigurado ka? Bubuhatin kita sa clinic gusto mo?" alok niya. Umiling ako.
"Nah, I'm fine. Bigyan mo nalang ako ng free taste sa hotdog marshmallows." sabi ko, para kasing natakam kaagad ako pagkakita ko doon.
Kumuha siya ng isa sa lalagyan."Eh free hug, gusto mo?" he asked suddenly.
"Sino namang yayakapin?" Kinuha ko nang inabot niya iyon sakin.
"Ako." he spread his arms wide and was about to hug me pero lumayo ako kaya napasubsob siya sa sahig.
"Thanks dito, dumbass." hinawi ko na ang kurtina at lumabas.
"Ang sama mo! Bj pangalan ko! Bj as in Bartolome Jose!" rinig ko pang sigaw niya na hindi ko na pinansin pa kasi nag-eenjoy akong kainin itong hotdog marshmallows.
****
"Saan ka ba kasi nanggaling, Val?" kanina pa tanong nang tanong itong si Donalyn.
Tingin ko sa bawat hakbang ng mga paa namin dito sa corridor ay sumasabay ang bunganga niya kakadaldal. Malas ko kasi kanina nagkasalubong kami, nadatnan ko kasama na nila yung Maria na walang ginawa kundi magrosaryo.
"Val naman, eh. Kanina pa ako nagtatanong dito, saan ka nga kasi nanggaling?" Dona asked again.
"Sa bahay bata ng nanay ko." I answered irritatedly.
Bumunghalit ang tawa nina Wally at Reggie sa likuran. Kinurot naman ako ni Donalyn, si Yesha at Fae ay natawa akala mo naman ay totoo talaga. Samantala si Maria, ayun, may sariling mundo na naman, may kabulungan sa gilid niya. Ewan ko kung sino.
"Ikaw, ah! Nursing po tayo hindi philosophy!"
I shrugged."Whatever."
Tumapat ang paningin ko sa kapantay kong naglalakad, si Jersey. He moved his gaze away when I looked at him. Pansin ko ang pagiging tahimik niya, his hands were inside his pocket.
"Kanina pa siya tahimik.." I looked at Yesha who whispered it unconsciously. Nakatingin rin pala siya rito.
I rolled my eyes at hindi na pinag-aksayahan pa ng panahon ang kadramahan nila. Nangunguna na ako sa paglakad at agad na bumagal nang matanaw ang hindi hihigit sa limang pulis. Nasa labas sila ng aming room at kausap ang matanda naming adviser.
"Hala may pulis." I heard their gasps at the back.
Nang makalapit na kami ay isa-isa nila kaming tiningnan. Namilog ang mata ni Mrs. Duran pagkakita sa amin.
"Estudyante ko rin po sila. Maaari niyo silang imbestigahan kung 'yan ang ikatatahimik nyo." aniya na nakapagpagulat sa amin---lalo na sakin.
"Tito! Bakit niyo po kami iimbestigahan?" muntik ko nang makalimutan na nabanggit nga pala ni Yesha na tiyuhin niya ang nariritong chief.
Her uncle patted her head."Iimbestigahan namin kayo dahil kayo ang kaklase ng mga estudyanteng sunod-sunod na pinatay nitong nakaraang mga araw. Wala namang masama kung gagawin namin iyon diba?" his voice is so deep, parang kinakain ang eardrums mo.
"Pero wala po kaming kasalanan!" giit ni Wally na nakataas ang dalawang palad. Napasapo kaming lahat sa noo.
"Gago, wala nga tayong kasalanan kaya bakit ka nakaganyan? Para kang kriminal pre, ibaba mo na 'yan." sabi sa kaniya ni Reggie at sapilitang ibinaba ang mga kamay nito.
"Mga anak, wala talaga kayong kasalanan. Nais lamang namin na makasiguro, kooperasyon ang kailangan namin ngayon. Magtulong-tulong tayo. Maasahan ko ba kayo?" tanong nung chief, mataba at maitim ang gilagid.
"Opo!" Sagot nila. Lumingon sa akin ang chief, tiningnan ko siya pabalik.
"Ikaw, hija? Maasahan ba kita?" pag-uulit niyang tanong, sakin lang. Gusto ko siyang duraan sa mukha.
"Oo.. I mean, opo." I smiled. Tumango-tango siya.
"Good! Okay team, i-check niyo ang mga bag nila." bumundol ang kaba sa dibdib ko. Isa-isang lumapit sa amin ang apat na pulis, may dumating pang tatlo.
Binigay ng mga kasama ko ang kani-kanilang bagpack habang ang akin, mariin kong hawak. Hanggang sa lumapit sakin ang babaeng pulis na gupit lalaki ang hitsura.
"Mga boss 'wag niyo nalang pansinin 'yung mga cd na nandyan, ah? Inosente po yung mga 'yan hehehe." nagkakamot-batok si Wally habang pinapanood ang paghahalikwat ng pulis sa mga gamit niya.
Nagkandahulog ang iba't ibang klase ng cd at yung iba ay may plastic pang lalagyan kaya kitang-kita kung ano ang mga iyon.
"What the hell, Walter?" kung ako si Jersey, yun din sasabihin ko.
"s**t! Iyan na nga ba ang sinasabi ko eh!" mangiyak-ngiyak si Wally na lumuhod para isa-isang kuhanin ang mga iyon.
"Bold lover ka pala, pre. Hindi na kataka-taka." komento ni Reggie na hinampas ng kaniyang namumulang pinsan.
"That's prohibited inside the campus, Mr. Walter. Sinong may sabing magdala ka niyan dito?" sumingit ang otoridad ni Mrs. Duran.
"Sorry po ma'am. Hindi ko lang po kayang iwanan ang mga buddy ko. Hayaan niyo po, next time ay babawasan ko na." nakayukong sagot nito na nakapagpa-usok lalo sa ilong ng aming adviser.
Nawala ang atensyon ko doon nang magsalita ang pulis na nasa harapan ko. Bumalik ulit ang kudlit na kaba sa sistema ko.
"Akin na." she commanded. I handed her my bag slowly. Mabilis niya iyong kinuha at binuksan ang zipper.
Hinalughog niya ang aking mga gamit, nanatili akong tuwid nakatayo at hinihintay siyang matapos. When she finally stopped, she handed me my bagpack.
"Cleared." usal niya at bumaling sa chief superintendent.
"So all of you are innocent. Salamat, Mrs. Duran," chief glanced at our adviser."Maraming salamat sa kooperasyon niyo mga bata. Mag-aral kayong mabuti."
"Copy, chief!" sabay-sabay nilang sagot.