Chapter 7: Trust gone wrong

2074 Words
Third Person's POV Nagkakagulo, nag-iiyakan, natatakot na mga boses at mukha, nakakapangilabot na paksa---iyan ang tumabad kay Valeen. Ngunit kagaya nalang palagi, tuwang-tuwa siya sa nangyayari sa kanyang paligid at taas-noong humahakbang gamit ang maamong mukha na mahusay manlinlang. Pagkapasok niya palang sa pintuan ng kanilang classroom ay hindi maawat na pag-uusap ng kaniyang mga kaklase ang pumuno sa kaniyang pandinig. "Hindi ko na kaya, lilipat na talaga ako ng school!" biglang sigaw ng isa sa mga kaklase niya sabay yakap sa katabi nito. "Huy, Val! Upo ka rito, dali!" pagtawag na sigaw ni Donalyn sa dalaga kaya tumuon ang nagtatanong na mga mata ni Valeen sa kaniya. Bagaman naguguluhan at may halong inis rin na nararamdaman ay naglakad nalang siya patungo sa tatlong magkakaharap na upuan. Naglaan ng isa pang silya si Donalyn para kay Valeen, si Yesha ay umusog para bigyang espasyo ang pag-upo ng dalaga. Wala sa ayos at hindi mawari kung saan patutungo ang mga armchair nila. Palibhasa ay abala ang mga kawani ng eskwelahan sa tatlong babaeng estudyante na pinatay sa loob mismo ng eskwelahang pinapasukan, katulad ng mga naunang kaso ay hindi matanggap ng mga magulang ng mga ito ang sinapit ng kanilang mga anak. "So, ano na?" ayaw man ipahalata ay lumabas parin ang kabagutan sa tono ni Valeen pagkatapos niyang ilagay ang backpack sa likuran. Nagkatinginan si Donalyn at Yesha, bumuntong-hininga si Donalyn at hinawakan ang parehong kamay ng dalawang kaharap. Nagulat si Valeen sa ginawa nito. "Nagpa-plano kasi kami.. hindi na tama itong mga nangyayaring sunod-sunod na pagpatay sa loob ng campus. Kung hindi kaagad masolusyunan ng kapulisan, edi tutulong tayo! Diba ang brilliant ng idea ko?" pansin ni Valeen ang pagkakamugto ng mga mata nito. Tumalas ang tingin niya dahil sa sinabi nito, habang nakangiti naman si Yesha sa kaniya---nakangiti ang dalawa sa kaniya at animo'y hinihintay ang kaniyang pagtugon. Tumikhim si Valeen."Paanong pagtulong at plano ang gagawin niyo?" "Natin!" umusog pa lalo palapit si Donalyn at huminga ng malalim."Ganito... pupunta ako sa unahan para maghanap ng willing sumali sa project nating 'to. Para mas maging matagumpay ang ating plano! Right, right? The more us, the more we can identify the killer!" Determinado ang mababasa sa mga mata ni Donalyn. Ipinagkrus ni Valeen ang kaniyang mga braso at prenteng sumandal sa kinauupuan. "Ako anytime pwede akong humingi ng backgrounds ng mga nangyaring pagpatay noon dito sa Westward since uncle ko ang chief superintendent." saad naman ni Yesha. Nalipat sa kaniya ang paningin ng dalaga at itinatak sa isipan ang bagong impormasyong nakalap. Inilagay ni Valeen ang hintuturo sa mapula niyang labi. "Sasali ako sa plano niyo. I'll help finding the serial killer. Magaling akong kumilatis ng isang tao, bihira nalang ang ganitong talento. You can count on me, girls." matamis siyang ngumiti. Parehong natuwa si Yesha at Donalyn. "Okay, pupunta na ako sa unahan para magtawag ng mga sasali sa 'tin." tumango si Valeen at Yesha. Tumayo na si Donalyn at naglakad papuntang unahan. "Ang lakas ng loob niya para sa isang nerd." walang-emosyong sambit ni Valeen. "Ha?" hindi iyon masyadong narinig ni Yesha kaya nagtanong ito. Lumingon dito si Valeen at umiling nang may supling na ngiti sa labi. "Attention everyone!" malakas na pagpukaw ni Donalyn sa kaniyang mga kaklase. Nagsipagtigil ang mga ito sa pakikipag-usap sa kaniya-kaniyang katabi at bumaling sa kaniya."Me and my friends are looking for willing to join and to cooperate para sa paghahanap at pag-identify sa serial killer." Katahimikan ang namayani sa apat na sulok ng silid. Ilang segundo ang lumipas at bumunghalit ang halakhakan, palakpakan at samu't-saring sarkastikong komento ang ibinato kay Donalyn na nakayuko na sa unahan. "Pagiging detective pala pangarap mo, bakit nandito ka sa nursing, Dona?" isa sa itinuturing na delinquent student na nasa likurang bahagi ang nagsabi na sinundan ng malakas na tawanan. Dahil doon ay mas lalong napayuko ang dalagang si Dona. Nang biglang tumahimik ang lahat, gusto na niyang maiyak pero may nagsalita kaya napa-angat ulit siya ng tingin. "I'll join. I-I want to cooperate." wika ng natatarantang si Isaac, tagilid pa ang suot na salamin kaya inayos niya ito. Unti-unti, gumuhit ang ngiti sa labi ni Donalyn. Ang nag-iisang nakatayong si Isaac ay nasundan pa ng isa, at isa pa hanggang sa maging lima na ang mga ito. "Sali ako. Mukha kasing exciting and I really love the thrill rin." sinabi ni Fae, ang kilala bilang loner kikay dahil sa makukulay nitong manicure at may pagkabubbly rin ang ugali pero mailap sa mga kamag-aral niya. "Count me in! I can be your living Detective Kudo Shinichi a.k.a Conan Edogawa, malay mo ikaw na ang Ram ko?" sinegundahan naman ni Wally na nagawa pang kindatan si Donalyn. Nagtawanan ang buong klase at pinamulahan naman ang hindi na mapakaling si Donalyn. Hindi na lingid sa kaalaman ng lahat na maloko si Wally, sa madalas nitong istilo na nakabukas ang tatlong butones ng polo, walang bakas ng suklay ang mala-gintong kulay na buhok at ang pinakaresemblance na white bandanna niya sa noo ay madali nalang malaman kung nagbibiro ba siya o nantitrip na naman. "Sasali ako dahil.. dumarami na sila. Ang mga kampon ni Lucifer ay nagkalat na sa Whimford High at tayo ang tinatarget niya.. sumosobra na ang kawalanghiyaan ng mga demonyo. Ang mga mahal natin sa buhay na namayapa na ay nagluluksa sa sunod-sunod na pagdanak ng dugo.. kaya hindi na ako magtataka kung sa susunod ay mga kaluluwa nilang hindi matahimik ang mamuno sa ating puso at isipin. Humihingi sila ng tulong para----" "Tama na 'yan, Maria. Gutom lang 'yan, palagi ka pa namang nalilipasan ng almusal." inundayan ng tawanan ang emosyonal na pagsasalita ni Maria matapos iyong sabihin ng mataba nilang kaklase na si Marcus. Si Maria ang kilalang weirdo sa klase. Palaging kumpulan ng tukso dahil sa mga samu't-saring salitang lumalabas sa kaniyang bibig na siya lang naman ang nakakaintindi. "Huwag mong pagkatuwaan ang mga tumatangis! Lapastangan ka para sabihin mo iyan sapagkat ako'y narito para ipaalam sa inyo ang katotohanang nararamdaman nila!" giit ni Maria ngunit tinawanan lang ulit siya ng mga ito. Samantala, napailing na lamang si Donalyn nang patuloy na asarin ng mga kaklase niya si Maria. Nagsalita rin ang natirang dalawang tumayo kasama nila Isaac, Wally at Maria. May nagtaas ng kamay kaya napalingon siya sa direksyon na iyon, nanlaki ang mata niya nang makitang ito'y si Jersey. "Can I join? Pangarap ko rin maging detective eh, and at the same time I want to find the culprit, too." ilan sa mga babae ang suminghap, hindi lang dahil sa sinabi nito kundi sa paghanga nila sa binata. Hindi maipagkakailang gwapo at malakas makahatak ng kababaihan ang mukha nito. Ang matikas na katawan na nababalot ng polo ay tila ba hindi lang siya nasa kolehiyo, hitsurang galing sa regular na pag-eehersisyo kaya malayo sa mga pangangatawan ng mga ka-batch niya. "Sure, sure!" agap ni Donalyn nang makabawi."Salamat sa inyo, ah? Aasahan ko iyan." "Me! Can I sali rin?" "Me too! I want!" "Ako rin hihi!" Sunod-sunod na tumayo ang higit sa anim na mga babae at nagsipagtaasan ng mga kamay nila. Naghahagikhikan ang mga ito habang paningin ay na kay Jersey. Bumuga ng hangin si Donalyn at napakamot sa kaniyang ulo, tila alam na niya ang dahilan kung bakit nagprisinta ang mga ito. "Ay sorry ah? Pero valid na. Limited nalang, hanggang five lang pala ang kailangan namin." tapos no'n ay naglakad na siya pabalik sa kaniyang sariling upuan, hindi inalintana ang pag-irap at pagreklamo ng mga ito sa kaniya. **** "Nandito na ba ang lahat? Kumpleto na ba tayo?" tanong ni Donalyn. Lunchbreak na at malaya ang mga estudyante na magpahinga matapos ang mga activities at assignments na ipinagawa ng mga guro dahil sa kabi-kabilang mga pagpupulong ukol sa magkakasunod na pagkamatay ng estudyante ng nursing at para sa gaganaping intramurals. "Oo, kompleto na tayo. Proceed to the plan." seryosong tugon ni Yesha at binuklat ang hawak na libro. Sa silid-aklatan nila napagkasunduan ang unang pagpupulong para sa kanilang plano at mga hakbang. Magkatabi sa upuan sina Valeen at Jersey. Magkaharap sina Donalyn at Isaac. Katabi ni Donalyn si Wally at nasa isang sulok naman si Maria na may hawak na rosaryo at may binibigkas na mga salitang siya lang ang nakakarinig. Ang dalawang kasama pa nila ay sina Reggie at Fae na parehong tutok sa libro at tahimik na tinititigan ang bawat pahina. "Ang plano ay magmamanman tayo sa buong paligid ng campus 24/7. Kapag may nabiktima ul---" Pinutol ni Jersey ang sinasabi ni Donalyn. "Ano? Hihintayin pa nating may mabiktima ulit ang killer? That's actually a very wrong idea! Infact, blood shouldn't shed anymore because this is already too much. What she or he has did is already too much." mariing pagbigkas ng binata kaya napaisip silang lahat. Napaisip si Valeen habang tiim na nakatitig kay Jersey. Napapaisip siya kung sino ba talaga ang binata para makaramdam siya ng kakaibang pagdududa laban sa mga istilo nito, pagbabago ng emosyon at ekspresyon maging ang pag-uugali at pakikitungo sa iba. "Tama siya. Mali ang maghintay nalang ng susunod na hakbang ng killer bago tayo gumawa ng hakbang at konkretong plano. Dapat may nagawa na tayong plano bago pa makagawa ulit ng krimen ang salarin." singit ni Reggie sa maingay nitong pagsara ng hawak na libro. "Matalino ang killer kaya dapat mas matalino tayo." pandagdag ni Fae. Tumango ang lahat. "Can you?" naiusal ni Valeen kaya napatingin silang lahat sa kaniya. "Ano, Val?" naguguluhang Donalyn. Nakangiting umiling si Valeen. "I mean, how can you be so sure na maa-identify natin ang killer?" hinaluan niya ng pagkainosente at pagtataka ang itinanong. "N-Nag-iisa lang naman ang killer." si Isaac ay naglakas-loob na sumagot. Akmang ititikom na niya ulit ang bibig pero sinenyasan siya ni Donalyn na magpatuloy ng opinyon."One versus many of us who haunt for him/her, it's gonna be easier. The culprit is maybe genius cunningham, there's still a ways where we can fool and trick him or her. We just have to joined forces. Hindi natin hihintayin na may mabiktima ulit siya, kailangan bago pa mangyari iyon ay kilala na natin siya." pagpapatuloy niya. Hindi naalis ni Donalyn ang paningin sa binata. Nagpatango-tango sila at sinang-ayunan ang ibinahaging ideya nito. Si Valeen ay hindi mabasa ang ekspresyon habang nakatingin kay Isaac at nang magtama ang paningin nilang dalawa ay namula kaagad ito at nag-iwas ng tingin. Sa kabilang banda, nakatitig rin si Jersey sa dalaga at nang bumaling naman ito sa kaniya ay nginitian niya gamit ang matang naniningkit. "Ah so you mean to say... we should really spy first?" ani Fae. "Uh.. exactly." tumango si Isaac at yumuko na ulit sa librong nakalapag sa mesa. "I like the idea. Then we should be friendly from now on! Para the more na marami tayong makasalamuha, the more chance na ma-identify natin kung sino talaga ang killer!" pumalakpak si Donalyn. "Ita-take down notes ko na. Paano sa intramurals? Nagkalat mga estudyante kaya malaki rin ang chance na may maging biktima na naman." dagdag opinyon ni Yesha. Sandaling katahimikan ang bumalot sa kanila na binasag ni Maria. "Hindi natin mapipigilan ang mga nakatakdang mangyari sa hinaharap. Pagiging handa at alerto ng isip ang kailangan sa anumang panganib at bantang darating. Tanging sa Panginoong Diyos lamang tayo manalig at malalampasan rin natin ang lahat ng ito.." nakapikit na sabi nito habang hawak ang rosaryo. "Amen." sabay-sabay nilang tugon rito. "Basta magmanman muna tayo. Malawak ang Whimford, mahirap hanapin ang kriminal na nagtatago sa kasulok-sulukan." "Lalo na kung mahusay magpanggap." antabay ni Yesha sa sinabi ng kaibigan. Pailalim itong tiningnan ni Valeen, ngunit tila'y wala sa intensyon nito ang patamaan ang kahit na sino dahil tutok ito sa pagsusulat sa maliit na kwaderno. Muntik siyang mapatalon nang hawakan bigla ni Jersey ang balikat niya. "Ano?" Iritadong ani Valeen. Ngumiti ang binata. "Sang-ayon ka ba sa plano?" Nakangiwi, alanganin siyang tumango. "Uhm, yes..." mas napangiti si Jersey dahil doon. "So, maaasahan ko kayo ah? From now on, we are team. I trust you, guys." isa-isang tiningnan ni Donalyn ang mga kasama at nang magtama ang paningin nila ni Valeen ay matamis silang nagkangitian. Nang bigla, pumitik sa hangin si Wally dahilan para matuon ang atensyon nila dito. "May naisip akong team name!" malakas nitong anunsyo. "Ano?" ang nakangiwing si Yesha ang napilitang magtanong. "Power eighteens!" may pagmamalaking sagot ni Wally na nakapagbuntong-hininga sa kanila. "Korni talaga, Walter. Manahimik ka na nga lang." tinapik ni Reggie ang balikat nito habang napapailing.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD