Chapter 6: Assets no more

2898 Words
Third Person's POV Nagpatuloy ang klase nang nakasimangot ang dalagang si Valeen. Paano kasi, kada limang minuto ang lumilipas ay napapansin niya ang pagbaling sa kaniya ng katabing binata. Naiinis na sya't naiilang kaya halos libo-libong pagmumura at pagbabanta niya para dito. Hindi man niya aminin sa sarili ay alam niyang nadidistract siya nito tungkol sa pagpa-plano para sa mga susunod niyang biktima ngayong araw. Sa kabilang dako, masayang nagkekwentuhan ang magkaibigang Donalyn at Yesha. Lingid sa kanilang kaalaman ay dadanak muli ang dugo sa pinapasukang eskwelahan. Samantala, panay ang kuha ng litrato ni Keila kasama ang dalawa niyang kaibigang sina Julie at Geniva. Nakataas ang kaniyang malapad na cellphone habang kanya-kanyang pose silang tatlo, pagkatapos ng aabot sa isang daang click ay huminto rin sila para pagmasdan ang nakuhang anggulo. "Look oh, I'm super pretty talaga!" puri ni Keila sa sarili na lihim na inismiran lamang ng dalawa. "My hair is awesome. Let's post this on i********: with the '#selfieswithmybestfriends, #bondingwithmahgurls and #findingjowabelsyungmahaba' caption! What do you think, girls?" suhestiyon naman ni Geniva. Sinang-ayunan iyon ni Julie at Keila. Hindi sila alintana sa mga kaklase dahil may sari-sariling mundo naman ang lahat. "Perfect shot ito!" Itinuro ni Julie ang isang litrato nila."Flexing my blessed boobs hihihi." hagikhik niya. Nakangiwi naman ang dalawang kaibigan sa kaniyang dibdib na tila'y pinagpala nga sa doble nitong sukat. "Alam mo bet ko iyong last hastag caption natin. Naghahanap talaga ako ng jowa because noong last week pa ang huling fling ko, boring pa sismars! Kaya I like the hastag jowang mahaba, gwapo tapos mahaba.. ang pasensya!" tumili si Keila. Naghampasan ang tatlong magkakaibigan, sa istilo ng mga ito ay tila'y walang nalagas sa kanila. Ang saya sa kanilang mga mukha ay walang bahid ng sandaling pagdadalamhati para sa nawalang kaibigan. "Love it, girl! May nakilala akong hunk chaperon yesterday. Girls, ohmygod, promise ang hot niya! Yung v-lines niya... sheyt, kulang nalang magmakaawa akong mahulog iyon tuluyan!" tinakpan ni Julie ang namumulang mukha. Sa kinuwento ng kaibigan ay naimagine ng dalawa ang hitsura ng sinasabi nito. Wala lang naman iyon kay Geniva dahil may napupusuan na siya sa kabilang room, ang basketball captain. Pero si Keila ay hindi iyon palalampasin, hinablot niya ang buhok ni Julie. "Sabihin mo sakin full name iaadd ko sa f*******: at iuuwi ko na. Gosh!" natawa ang dalawa sa sinabi niya. Patuloy na nangulit si Keila kay Julie hanggang sa dumating na ang sunod nilang professor. Sa ilang distansyang layo naman ng kanilang mga upuan ay nakamasid ang dalagang si Valeen. **** Tumunog ang bell, tanda na tapos na ang klase para sa araw na iyon. Nagsipagsukbitan na ng kani-kanilang bag ang mga estudyante at kundi mag-isa ay may kasabay na naglakad palabas ng kanilang silid para makauwi na. Nagpaiwan si Geniva, Julie at Keila hindi dahil kasali sila sa cleaners kundi dahil aayusan nila ang kanilang mga sarili para sa paglalakwatsang gagawin kagaya ng madalas nilang ginagawa sa tuwing uwian. "Val, sige na please? Sabihin mo na sa amin kung saan ang bahay niyo, malay mo magkalapit lang pala ang atin edi magsabay-sabay na tayo o kaya ihahatid ka namin!" tila batang paslit na nagpupumilit si Donalyn habang papaalis na sila ng kanilang silid. Sinusundan nilang dalawa ng kaniyang kaibigang si Yesha ang dalagang si Valeen na wala namang karea-reaksyon at patuloy lamang sa paglakad. "Dali na, Val.." naabutan ni Donalyn si Valeen at humawak siya sa laylayan ng blouse nito."Kahit ngayon lang oh sige na nam---" nagulat siya ng kaniyang kaibigan nang malakas na tinanggal ni Valeen ang kanyang pagkakahawak. "What the heck is your problem, airhead?!" nanlilisik ang mga mata ng dalaga, takot ang namayani sa reaksyon ng dalawa. Unti-unting lumambot ang ekspresyon ni Valeen at bumuntong-hininga."Sorry, ayaw ko lang kasing makita niyo ang bahay namin.." mahina niyang usal. Si Yesha ang unang nakabawi."B-Bakit naman?" may pag-aalinlangang tinanong niya. "Dahil.. magulo ang pamilya ko. Ayokong madamay kayo sa gulo namin kaya hangga't maaari ay mas magandang may distansya kayo sa akin." diretso niyang tiningnan ang dalawa. Nagpakurap-kurap ang dalawang magkaibigan, si Donalyn ay naiiyak na dinakma ng yakap ang dalaga. Nagulat siya ngunit hindi nagpahalata. Tumugon narin ng yakap kalaunan. "Ang sweet mo namang kaibigan, Val! Huhu sabi kona nga ba may tinatago ka ring care para samin eh!" suminghot-singhot si Donalyn bago bumitaw ng yakap. Nginitian siya ni Valeen,"Kaya 'wag na kayong sumabay sa akin, okay? Kaya ko na naman ang sarili ko at saka, diba magkakasabay na tayo tuwing lunch? Don't worry you guys are my friends now, I value the both of you so much." Naniwala ang dalawa, binalot ng labis na pagtitiwala sa dalaga ang kanilang mga puso at isip. Tumango si Donalyn. "Oo, Val. Iintindihin nalang namin. Basta kapag may problema ka sabihin mo lang sa akin ah? I'm one call away." "Ako rin, Valeen." Masayang tumango si Valeen matapos iyong sabihin ng dalawa. Sa huli ay nagdesisyon silang maghiwa-hiwalay na lamang pagdating sa corridor dahil may kukunin pa raw si Valeen sa kanyang locker. Nang akmang hahakbang na silang tatlo ay biglang may sumigaw. "Hoy sandali!" boses iyon ng nagmamadaling lalaki, sabay na humarap ang tatlo. "Hala, si Jersey?" gulantang na ani Donalyn habang ang kaibigan naman niyang si Yesha ay namumula sa tabi. "Hi guys! Hindi ko pa kasi masyadong gamay ang school na 'to baka maligaw ako." sabi ng binata at agad na lumipat ang mata kay Valeen na nawalan muli ng reaksyon. "Malamang, transferee ka eh." pambabara ng dalaga na nag-iwan ng gulat at paghanga sa binata, at sa dalawang kaibigan ay hagikhik ang natamo. "Sungit. Parang hindi ka kumopya sakin nung nagquiz kanina ah.."  "What did you say!?" nagsalubong ang kilay ni Valeen at nangunot noo. Pinigilan ng binatang si Jersey ang kanyang ngiti matapos masilayan ang naiinis na mukha nito. Umiling siya."Wala, joke lang." sumipol-sipol siya. Nang-aasar na tingin ang nakapukol kay Valeen galing kay Donalyn habang nag-uumpisa na silang apat na maglakad. Ipinagsawalang-bahala iyon ng dalaga at sa halip ay sumiklab ang inis sa isipin na mukhang tama nga siya, nadagdagan ang taong maaaring makasira sa kaniyang mga plano. "Ah.. dito na ako. Sige mauna na kayo may kukunin lang ako." isa-isang nginitian ni Valeen ang tatlo pagkarating nila sa corridor sa may locker area. Tumango ang dalawang magkaibigan. "Okay, bye! Bukas nalang, Val!" kinawayan siya ng mga ito, kumaway siya pabalik at unti-unting nawala ang bulto ng dalawa kasabay ng ngiti sa kaniyang labi. "Ikaw, bakit nandito ka pa?" pinigilan niya ang irapan ang binata. "Nothing. I'm just wondering.. hindi ata maganda ang magpaiwan sa school lalo na kung babae ka." nagkibit-balikat ito. Gamit ang walang ekspresyong mukha ay tumugon ang dalaga,"Maganda o hindi, wala kang pakialam. Sandali lang ito, hindi naman ako titira dito habangbuhay." sarkastikong aniya. Ngumisi ang binata dahil doon. Talagang interesado sya sa dalaga at misteryo ito para sa kaniya. "Whew. By the way, gusto mo ihatid kita sa inyo?" tanong ng binata pagkakuwan. Matagal siyang pinaningkitan ng mata ni Valeen at pagkatapos ay umiling, humarap na muli sa pintuan ng kaniyang locker. "No thanks. Kaya kong umuwi mag-isa. I'm not a kindergarten." "Ah, hindi ba? Kaya pala mukha kang daycare." Mabilis na kukuhanin na sana ng dalaga ang suot na takong nang nagtatakbo ito habang tumatawa. "Don't ever come close to me, I'll peel your damn skin until your death!" nanggagalaiti nitong sigaw. Itinaas ng binata ang parehong kamay bagaman nasa malayo na ay siya'y sumigaw."Sorry, miss hot-tempered! Please consider it as my jokes!" at kumakaway siyang naglakad hanggang sa makalampas na siya sa hallway. Samantalang parang walang nangyari at isinara ni Valeen ang locker niya, inilibot ang mata sa kaliwa niya't kanan bago nagmartsa patungo sa kanyang hideout. Wala siyang ni kaunting kaba at pag-aalinlangang nararamdaman dahil narin sa sira ang lahat ng CCTV system na nag-iisang saksi sa krimen na siya ang salarin. Pagkalampas ng clinic ay pumasok siya sa madilim na bahagi kung saan naroon ang bodega ng eskwelahan. Tunog ng matulis niyang takong ang umalingawngaw sa buong silid, puno ng sapot ng gagamba at nagkalat na mga karton, kahon, libro at papel ang nasa paligid niya ngunit hindi niya iyon kailanman ininda. Hindi maliwanag ang silid, hindi rin naman gaanong madilim. Pero kung papasok sa loob ay kailangan pang magdala ng flashlight subalit kay Valeen ay sisiw ito dahil sanay na siya sa madidilim na lugar. Lumalingitngit ang kahoy na pinto sa pagbukas niya sa nakatagong lagusan papunta sa kung saan niya binubuo ang kaniyang mga plano. Masikip, masukal at nakakasulasok ang amoy ng animo'y walang katapusang parihabang silid. Pagkaraan ng ilang minutong pagdaan doon ay nakarating na si Valeen sa tagong lugar na siya lang ang nakakaalam. Bumaba siya ng hagdan at ibinaba ang kanyang backpack. Dumeretso siya sa dingding na may puting kurtinang may bahid na ng mga dugo na nakatakip roon. Hinawi niya iyon at bumungad ang mga litrato ng mga pinatay at susunod niya pang papatayin. Napangisi siya at tinitigang mabuti ang wala pang ekis na tatlong litrato sa ibabang bahagi ng whiteboard. Pinasadahan ng daliri niya ang mga ito, nangangati na ang kaniyang kamay na padanakin ang dugo ng mga ito. "Geniva Valdemor.. Julie Tolentino.. Keila Alcazar.. hmm, nice names, huh. Don't worry sweeties, I'll play a nice game with you. You're gonna love it surely." Kinuha na niya ang swiss knife, gunting at ang razor na nakalapag sa lamesa. Hinasa niya muna ang lahat ng patalim na hawak saka umakyat ulit ng hagdanan para lumabas na doon at gawin ang nakatakda. **** Sa kabilang banda, naghaharutang naglalakad patungo sa ikalawang comfort room ang tatlong magkakaibigan. Dumaan ang binatang si Edward na may hawak na bola, nagtulakan ang tatlo at itinutulak ni Julie at Keila ang kaibigang si Geniva sa basketball captain. "Yiiieee Edward, ultimate crush ka raw ni Geniva!" tumili sila, humagalpak sa tawa si Keila. Lumingon sa kanila ang binata."Uh.. Geniva who?" nagkakamot-batok nitong tanong. Nagkatinginan ang magkakaibigan at maya-maya ay itinuro si Geniva na tila kamatis na ang mukha sa sobrang pula. "A-Ako si Geniva.." kinagat niya ang ibabang labi at inilagay ang hibla ng buhok sa likod ng tenga. Sa hindi interesadong paraan ay tumango ang binatang Edward."Okay, nice to meet you Geniva. Thank you for crushing me. Sorry girls but I have to leave you here kasi may try out pa kami." mabilis nitong wika. Natauhan ang nakanganga at humahanga sa taglay nitong kagwapuhan na si Geniva. Wala sa sarili siyang tumango habang ang dalawang kaibigan ay tinutusok ang kaniyang tagiliran. "O' s-sige, o-okay lang. G-Goodluck!" nauutal at namumula niyang tugon. Ngumiti ang binata dahilan para mas lalong matunaw ang mundo ng dalagang si Geniva. "Alright. I hope mapanood niyo kami this coming intramurals." "Sure, sure! Manonood kami!" Sunod-sunod na tumango si Geniva. Lalong lumawak ang ngiti ni Edward. "Thanks! So... see you around!" kumaway na ito at tumakbo patungong covered court. Nanlalambot ang mga tuhod ni Geniva, mistula siyang batang binigyan ng napakaraming regalo. Sinabunutan at inasar siya ng dalawang kaibigan. "Landi mo, gurl!" Tumatawa silang tumuloy sa banyo. Wala nang katao-tao at tanging mga yabag at matitinis nilang halakhak ang bumabalot sa buong paligid. Inilabas nila ang kaniya-kaniyang make-up habang nakaharap sa plane mirror. "Juls, may nabili akong new sets of palette." sabi ni Keila na naglalagay ng foundation sa mukha. "Really? Patingin!" ang nag-aayos ng buhok na si Julie ay tumugon. Inilabas ni Keila ang sinasabing produkto."Here, give it a try." Inabot niya rito. "Ako rin pa-try!" singit ng naglilipstick na Geniva. Habang pinagkakaguluhang tingnan ng dalawa ang bagay na iyon ay may napansin si Keila kaya tumigil siya sa pag-aayos ng mukha. Kunot-noo niyang binalingan ang siradura ng pintuan, narinig niya kasi iyong tumunog kanina na parang may pumasok. Nilibot niya ng tingin ang paligid at mas lalong nahiwagaan nang wala namang tao ang nasa loob bukod sa kanilang tatlo. "Girls, may napansin ba kayong pumasok?" Natigil sa pagtatalo ang dalawa. "Ano, Ke? Tayong tatlo lang naman nandito ah? I didn't hear the door open." sagot ni Geniva sa tanong ng kaibigan. "Tch, ang ingay niyo kasi paano niyo maririnig?" Inirapan niya ang dalawa. "Alam mo guni-guni mo lang 'yan. Bilisan na natin here para makapunta na tayong bar!" naghigh-five si Julie at Geniva. Tumango at nagkibit-balikat si Keila saka ipinagpatuloy ang paglalagay ng foundation sa mukha ngunit laking gulat nilang pareho nang sumigaw ang isang kasama, si Julie. "Ahhhhhh!" nakaturo ito sa gilid ng pintuan. Sinundan ng tingin ng dalawa iyon at naguguluhang ibinalik ang tingin sa sumigaw na kaibigan. "Boba! Ano bang itinuturo mo doon at bakit sumisigaw ka riyan?" Nanginginig ang hintuturo ni Julie."M-May tao! Nagtatago siya at may hawak na pa---" hindi nito naituloy ang sinasabi dahil biglang namatay ang ilaw. Napuno ng kanilang mga sigaw ang buong banyo. Kapit-kamay silang nagsumiksik sa isang tabi, si Keila ay hindi inalintana ang sitwasyon at pilit hinanap ang nahulog niyang mga make-up. "Ahhhhh!" Isa pang sigaw ang umalingawngaw, dahil madilim ay hindi nakita kung anong nangyari pero kilala nila ang boses kaya humahangos nilang tinawag ang pangalan ng kaibigan. "G-Gen!" magkasabay na sinambit ng dalawa. Nakakakilabot na hagulhol nito ang pumaibabaw sa kanilang mga tenga. Dinig na dinig nila ang bawat pagtarak ng patalim sa katawan nito, hindi nila alam kung sino ang gumagawa dahil nasa pinakamadilim na sulok ito nagtatago. Palahaw at hiyaw sa sakit ang nagmamakaawa nilang kaibigan pero wala silang magawa kundi umiyak at pakinggan na lamang ang nakakahindik na mga daing nito. "Ahhhhrgh! M-My hair! N-No!" lumakas ang tili nito. "A-Anong ginagawa mo sa kaniya?! Sino ka?! Magpakita ka samin! H-Hindi kami natatakot sayo!" hindi na kinakaya ni Keila ang naririnig, malakas ang loob niya iyong isinigaw. Bumalot sa tenga nila ang matinis at nakakapanindig-balahibong pagtawa. Dahil doon, mas lalo silang nagsumiksik. "Not scared? But your voice seems not agreeing, sweetie." matamis at buong-buo ang napakagandang tinig na iyon, dahilan kung bakit marami ang nalilinlang. "Who the hell are you?! Show your face b***h!" kahit sobra nang natatakot ay isinigaw parin iyon ni Julie nang hindi bumibitaw sa pagkakahawak sa kaibigan. Narinig nila ang maaroganteng pagtunog ng takong nito at sa kanilang harapan ay nakita nila ang bulto ng isang babae, may kurba ito at matangkad. Tila isang modelo ngunit sa kanilang paningin ay isa itong demonyong nagbabalat-kayo. "Don't dare me. I can do worse than what I did to your dearest friend." sa sinabi nito ay nagpatakan ang kanilang mga luha. "What did you do to our friend?! Bakit mo ito ginagawa?!" Mahina itong bumungisngis."You'll see later. For now, I want to play with you two since I'm done with her." Nanginig at binalot ng takot ang dalawa. Hinugot nito ang swiss knife at walang ano-ano'y itinarak sa dibdib ng dalagang si Julie. "Ahhhhh!" humiyaw si Julie nang pagkatinis-tinis. Naalarma si Keila."J-Julie? Julie! W-What did she do?!" walang mapaglagyan ang malalakas na kabog ng dibdib niya. "H-Helpppp! K-Keila.." naghalo ang pagtangis nina Geniva at Julie, iyak at awa ang nararamdaman ni Keila. Humagulhol pa siya nang umalingawngaw ulit ang mahabang palahaw nito. Mistulang baboy na kinakatay ang nakakahindik nitong sigaw, nakakabaliw at nakakatuliro ang mga naririnig ni Keila galing sa tinig ng mga kaibigan. Tinakpan niya ang magkabilang-tenga at umiling-iling. "Tama na! Tama na! Parang awa mo na! Tama na!" pagsusumamo niyang sigaw na halakhak lang naman ang itinugon nito. Makalipas ang tatlong minuto ay nawala ang mga hiyaw ni Julie, kinabahan si Keila at dinama ang pagkakahawak sa malamig nang kamay nito. Dinig niyang malalim pa ang mga itong humihinga pero ang isa ay mahina na lamang. "Uy may surprise ako sayo. Ready ka na ba?" rinig niyang sambit ng salarin. Hindi siya umimik at patuloy lang sa pagluha. Bumuntong-hininga ito,"Okay basta ako ay ready na. In one.. two.. and... three!" Bumukas muli ang ilaw, natigil sa pag-iyak si Keila at bumaling sa kaniyang kanan. Huminto ang kanyang mundo at halos mawala sa katinuan matapos makita ang hitsura ng dalawang kaibigan. Wala na ang mahaba't makintab na buhok ni Geniva at tanging bilugan na ulo na lamang nito ang naroon, bumaba ang tingin niya sa katawan nito at hindi napigilan ang malakas na hagulhol dahil sa tadtad iyon ng saksak, napakaraming saksak na pinupuno ang buong bahagi ng katawan nito. Ang dilat nitong mga mata at nakaawang na bibig ay nagpapatunay na wala na itong buhay. Ang mas gumimbal sa kaniya ay ang katabi niyang si Julie. Nasapo niya ang bibig at halos ayaw nang makita pa ang kalagayan nito ngayon. Hihinga-hinga, wakwak ang dibdib nito at tila ba binuhusan ng alcohol dahil sa nakitang bote sa tabi, puro tadtad rin ng saksak sa mukha at ibang bahagi ng katawan. "N-No..." hangin iyon na dumaan lamang sa bibig niya, hindi niya maatim ang tanawing nakikita. "Yes!" pumalakpak si Valeen, nasisiyahan sa nasasaksihan."Ready yourself, ikaw na ang sunod." Inilabas nito ang swiss knife. Tiningnan ito ni Keila na puno ng poot."B-Bitch.." Hindi ito naapektuhan at hindi na nag-aksaya pa ng oras, itinarak niya ang hawak sa ibabaw ng pribadong bahagi ng dalaga. Pumalahaw siya at musika iyon sa pandinig ni Valeen. Nadagdagan ang paghiyaw ni Keila sa sakit nang sa mismong pribadong bahagi siya nito sinaksak. Pinagsasaksak siya sa paraang walang tigil, magkakasunod at sunod-sunod rin na nagsisitalsikan ang malapot na dugo sa mukha nito. "Byebye, assets." tumayo si Valeen at inikot ang swiss knife sa kamay habang pinagmamasdan ang tatlong magkakaibigan na nilagutan niya ng hininga sa paraang gustong-gusto niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD