Chapter 5: The new he

1824 Words
Valeen   “Wala ka bang klase, hija?” tanong ng tindera sa cafeteria sabay abot niya sakin ng yakult.   Kinuha ko iyon bago binuksan nang hindi inaalis ang tingin sa kaniya. “Meron,” tipid kong tugon. Akmang magsasalita pa siya pero hindi ko hinayaan. “Asan na po sukli ko, ate? Pwedeng akin na po? Kasi male-late na po ako sa next subject ko.” I gave her my oh-so-cute smile.   Hindi naman ako nabigo at sunod sunod siyang tumango at kumuha nang barya bago inilahad sa akin iyon, masaya ko namang tinanggap at tumalikod na para umalis patungo sa ilalim ng puno ng mangga.   I sat happily at the wooden couch there and took a sip on my yakult. Ah, this is the peace I wanted. I crossed my long and flawless legs. Syempre hindi lang naman ako maganda, tumutulong rin ako sa aking kapwa. Kagaya na lamang ng ginawa ko kanina, I don’t want to hurt that asuwete girl the second because I don’t usually do hurting, I just helped her out of her burden problems. Alam ko naman na she's not used to how they treated her especially the hate she receives now that siya ang pinagbibintangan, kaya nga bilang pambawi sa pandadawit ko sa kaniya ay hindi ko na siya hinayaan na mahirapan pa. Walang mga estudyante ang nagkalat sa field kung saan ito ang main view ko sa pwesto ko rito. I sipped again on straw of the yakult I’m holding but then a sudden sound is what I got. Salubong ang kilay ko itong tiningnan at sinilip ang loob. Naiinis kong itinapon nang makitang wala nang laman. God, I’m on my bad mood again! Bakit ba kasi ang liit liit ng yakult?   Bwisit. Parang ang sarap ulit kumitil ng buhay.   Inayos ko ang uniform ko at itinupi ang parteng natalsikan ng dugo sa may wrist niyon. Mabuti na lamang at bloodproof ako ngayon, salamat at nakiayon ang lahat sa akin. Saglit akong napahawak sa aking ulo nang may maramdamang kirot matapos tumutok ang mga mata sa sinag ng araw. Different images, unknown scenes and blurry events flashed on my mind. Tila isang kisapmata na sa isang iglap ay naglaho na parang bula. I scrunched my nose because of the weird scenario happened to me just a few seconds ago. Hindi na iyon bago sakin pero hindi ko parin maiwasan na magtaka. Eitherway, kulang lang ata sa thrill or because I didn’t take my private nurse's advice. Nonetheless, I don’t care. No one can control me, maybe I’m just on my boredom state. I should make myself more thrilled.   “Val!” pabagsak kong naisara ang pinto ng locker ko nang umalingawngaw sa buong hallway ang matinis na boses, then a freaking hands touched my arm and it's kinda moist!   Agad kong winakli iyon at bumungad sakin ang makapal na salamin sa mata at makulay na braces sa ngipin ng babaeng isa sa kinaiinisan ko.   “What?”   “Bakit ka nagcut ng class?” Is she not aware that I’m not on the mood to talk to her and be friendly and oh wait, are we even friends? How dunce. I faked a sigh and roamed around my eyes, nagsisipag-uwian na ang mga estudyante. Marami ang nagtutulakan pagkalampas ng hallway, ang iba sa mga ito ay mga junior at seniors kaya bakit nandito parin 'tong dalawang ito? "I'm not a grade conscious like you. Tinamad ako at tumambay kasi gusto ko." nagkibit-balikat ako at inayos ang strap ng aking backpack. Ngumuso siya at tila hindi napansin na ayaw ko talagang makipag-usap sa kanila. "Akala ko pa naman sabay tayo maglulunch tapos nawala ka kaagad sa paningin namin!" she's pouting like a duck. "Nilagyan ka tuloy ng cutting remark sa attendance. Kayong dalawa ni Cleofe Dizon at apat na delinquent classmates natin ang wala kanina." she continued. "Oh really? Sorry pala, sige next time I'll have my lunch with you guys." I smiled. Bigla, nangunyapit muli si Danilyn sa braso ko at nakangiti na ngayon ang kaibigan niya, actually silang dalawa. I suddenly want to grab their hair and just drag them to death. Nakakairita but I have to maintain my patience. Awkward nalang akong tumugon ng panibagong ngiti sa kaibigan ng babaeng nakasalamin na 'to nang magtama muli ang aming paningin. Napakafeeling close ng dalawang 'to. Sarap pag-umpugin ng mga bungo nila. "Yey! Talaga? Sabi mo 'yan, Val, ah!" she really has these annoying high-pitched voice. Bumaling siya sa katabi."Narinig mo 'yun, Yesh? Told yah!" they both giggled. "Valeen.. tanong lang, paano ba magcutting?" Yesha asked along her shy face. I licked my lips,"Easy peasy, shut down the 'study first' program in your brain and learn to break all the f*****g rules. Don't give a damn and just chill. Live freely, walk with freedom." Ah, it's so good to be free. Nagpatango-tango silang dalawa, si Donalyn ay pumalakpak pa. "Hindi halata sa 'yong nagcucutting ka," we are now walking, I glanced at Danilyn and raised my brow. "Nagawa ko na diba?" Wala akong naging reaksyon kundi ang ngumiwi at magfacepalm. Nang mapadaan ako sa girls comfort room ay may kumpulan ng mga estudyante, patakbong sumunod sa akin sina Yesha at Donalyn. I heard their confusion and questions with the mix of gasps and cries of gossip students outside the crime scene. There's this 3 stupid policemen inside, doing nothing but to look at the victim with hands on their hips. Hinayaan kong makichismis doon ang dalawang nakabuntot sakin, sumunod ako para masilip ang loob at napangisi na lamang sa mismong pwesto ng pinangyarihan ng krimen kung saan kitang-kita ng dalawa kong mata kung paano nalagutan ng hininga ang biktima. ***** As expected, naging usap-usapan na naman ngayon sa Whimford High ang reyna ng mga bitchesa, but this time they're not suspecting her anymore because she's now lining ,up on the victims, too. "This is so alarming already. Apat na ang namatay... ang pinatay ng brutal at lahat sila ay estudyante ko, kaklase niyo." our old hag adviser sighed. Lumakas ang bulong-bulungan nila, kahit ang dalawang nakakainis sa aking gilid ay kinukulit ako. I'm just looking straight at the scared face of my adviser. "Kinakabahan na ako, bes!" "Kingina! Baka mamaya ako na ang sunod o ikaw!" My very own classmates can't calm their t**s while here am I, sitting in peace and watching their funny reactions. "Quiet first please!" the adviser protruded."Don't panick my dearest students dahil ang ating kapulisan ay patuloy na gumagawa ng paraan para mahuli at maparusahan ang walang kaluluwang may gawa ng lahat ng ito." she assured and they found themselves believing. "Naku sana lang talaga ay mahuli na ang demonyong pumapatay! Ngayon lang nagkaganito sa Whimford High at nakakabahala as in!" I heard Donalyn's rants. "Sabi pa naman ng mama ko, secured na secured raw ako rito. Natatakot rin ako baka kasi ilipat nila ako ng school kapag naman nila ang mga nangyayari sa eskwelahang 'to.." I guess she's talking to her bestfriend but I can feel their eyes on my back, gusto atang sumali ako sa daldalan nila. No thanks b***h, keep your filthy mouths talking. "E, ma'am, hanggang kailan pa kami mapapalagay na safe parin ang Whimford? My parents knew what's happening here and they want to transfer me to another university na po." one of them raised a hand and said that, dahilan ng muling bulong-bulungan. Halos matawa ako sa matandang adviser namin na nasa unahan. Halata kasing hindi niya alam ang itutugon sa babaeng nagtanong. I crossed my arms and rest my back at the chair. "Well, kung iyan ang desisyon ng mga magulang niyo ay walang magagawa ang administrators ng Whimford kundi ang respetuhin iyon. But as I said, don't let fear eat you. Maging kalmado lang tayo at tiwala lang na mahuhuli rin ng westward taskforce ang salarin at hangga't narito kaming mga guro ay gagabayan namin kayo bilang pangalawa niyong magulang." she looked at us one by one with her reassuring smile. Daming sinabi, I found it all funny. Suddenly, biglang nag-iba ang ihip ng mga bulungan nila at napansin kong karamihan sa mga babae ay nasa bungad ng pintuan ang mga mata. Tumaas ang kila ko at bago pa man ako makalingon doon ay tumikhim na ang matandang adviser. "Anyway, before we proceed to our new topic, I want you all to welcome your new classmate. Mr. Morales, come in." sumenyas siya sa taong naroon sa pinto at maya-maya nga pumasok ang matangkad na lalaki. He's already wearing our school uniform. His hair is a bit messy like he doesn't know how to comb it, eyes were twinkling along with his annoying grin. Nakahawak siya sa magkabilang strap ng kanyang backpack at nagmumukha siyang kindergarten na mama's boy, sa totoo lang. "Introduce yourself, hijo." lahat ng mata ay nakatutok sa bagong dating. I even heard Donalyn and Yesha's murmurs about how good looking this guy is. He bit his lower lip,"Hi I'm Jersey Morales, I love to eat piatos but nova is fine with me as long as it's a treat. Handsome classmate at your service, hope we can be friends!" He roamed around his eyes and he met mine. Some laughed, some giggled at what he said. Except me, ofcourse not. Hell, he's so corny at samahan pa ng ngiti niyang nakakairita. I smell something fishy about this guy. Style palang niya, naaasar na ako. I prayed he won't be my seatmate, madami pa namang bakanteng upuan kaya malabong maging katabi ko siya. "Alright. Mr. Morales, you sit beside... Ms. Cortez." ouch, mukhang trip nga ata ako ni satanas. I massaged my temple secretly and raised my hand. "Yes, Ms. Cortez?" "Isn't our seats alphabetically arranged?" I asked, I caught the guy looking at me amusingly. She shook her head,"No, Ms. Cortez. Why? Is there any problem?" There is. Pinilig ko ang ulo at nakangiting umiling, set aside my annoyed thoughts. Morales walked towards the chair beside me and sat on it. Kunot-noo akong nakasunod ng tingin at nang magtama muli ang aming paningin ay ngumiti siya at naglahad ng kamay. Oh boy.. wrong move. Tinaasan ko siya ng kilay. "Hi seatmate, nice to meet you." he's smiling all the way. Napakamasayahin niya naman? "Uyy!" I rotated my gaze fastly at Donalyn. Pinanliitan ko siya ng mata, maging ang katabi niyang may nakasupilpil na ngiti rin sa labi. Tinanggap ko ang nakalahad niyang kamay,"Hello seatmate, it's not nice to meet you. Realtalk lang," nagkibit-balikat ako at binalewala ang humahanga niyang reaksyon. Then his smile widened na halos umabot na hanggang tenga niya. "Wow. Alam mo magiging magkaibigan tayo. Kaibigan lang ah?" he laughed as if may nakakatawa sa sinabi niya. I can't explain my face now. That freaking smile annoys the hell out of me. Tahiin ko kaya ang labi, tingnan ko lang kung makangiti pa siya riyan. Bwisit, may kutob akong magiging sagabal lang rin sa mga plano ko ang lalaking ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD