CHAPTER 14

1248 Words
“Huwag kang kikilos ng masama, kung ayaw mong sümabøg ang búngo mo,” bulong ng isang tila pamilyar na tinig kay Ava Leigh nang makapasok siya sa sasakyan ng lalaking tumulong sa kaniya. Naramdaman niya ang pagtútók ng isang matigas na bagay sa kaniyang sentido. Kaagad siyang nakaramdam ng takot. Nángínig ang katawan niya at bumilis ang tíbók ng kaniyang puso. “S-Sino ka? Ano’ng kailangan mo sa ’kin?” Dahan-dahang itinaas ni Ava Leigh ang dalawang kamay habang nângínginig. Bigla ay pinagpawisan siya ng malamig at nanigas ang kaniyang katawan. Ngayon niya gustong magsisi kung bakit hindi siya tumanggi nang utusan siya ng lalaki na sumakay sa kotse nito. Maya-maya pa’y narinig niya ang pagbukas at pagsara ng pinto ng driver's seat. “Hey! What are you doing?” anang boses ng estranghero kanina. Kilala niya na kaagad ang boses ng lalaki kahit kaonting panahon pa lang niya itong nakakasama. “Chariz lang, Tito Lexus!” ang lalaki sa likod na bigla ay nag-iba ang tinig. Naramdaman niyang inalis ng kung sino mang nasa likuran nila ang matigas na bagay na nakatútök sa kaniyang sentido kaya nama’y nakahinga siya nang maluwag. Kung kanina ay tila pilit na pinalalaki ng lalaki ang tinig nito, ngayon naman ay biglang lumambot at naging maarte. Pamilyar sa kaniya ang boses, hindi niya lang maalala kung sino ang nagmamay-ari ng tinig na ’yon. Dahan-dahang lumingon si Ava Leigh sa likuran niya. Kaagad siyang napasinghap at namilog ang mga mata pagkakita sa lalaking nakaupo sa back seat. Kaagad itong bumungisngis nang magtama ang kanilang tingin. “Mikee!” bulalas niya, bakas ang gulat at excitement sa tinig. Naitakip niya ang kamay sa bibig habang malapad na nakangiti. “Wala nang iba!” maarteng tugon ng lalaki saka ngumuso. Inilagay nito sa ilalim ng baba ang kaliwang kamay. Tumikwas ang isang kilay at pinapungay ang mga mata. “Bwísït kang ímpâkta ka! Muntík na akong atakíhïn sa puso dahil diyan sa kalokohan mo!” gigil na sambit ni Ava Leigh habang pinandidilatan ang lalaking nakaupo sa backseat. Tanging hagikhik lang ang isinagot ng taong tinawag niyang Mikee. “Kumusta ka na? Grabe ka! Ang tagal nating hindi nagkita! Hindi ka na nagparamdam sa ’kin after ng graduation natin sa senior high,” maya-maya ay dagdag niya, kunwa’y nagtatampong, pinagkrus niya ang mga braso sa d*bd*b sabay irap. Tila gumaan ang d*bd*b ng dalaga pagkakita sa dating kamag-aral at matalik na kaibigan. Sa isang iglap, napawi ang kaba at takót na naramdaman niya kanina. Pansamantala din niyang nakalimutan ang nangyari kamakailan lang sa labas ng grocery store na pinagtatrabahuhan niya kung saan gumawa ng eksena si Evan. Itinirik ni Mikee ang mga mata, kumagat ito sa labi at inipit sa likod ng tainga ang ilang hibla ng buhok. “Itinakas kasi ako ng isang Mafia boss at pinarusahan sa sikreto niyang isla.” Itinakip pa nito ang isang kamay sa bibig saka napahagikhik. Napairap siya dito. “Ikaw talaga! Kahit kailan hindi ka makausap ng matino!” “At ikaw naman kahit kailan ay laging seryoso!” Namaywang pa ito na parang sinesermônan siya. “Saka ko na sasabihin sa ’yo ang mga kaganapan sa life ko. Magpasalamat ka muna sa ’min ng tito ko dahil inilayo ka niya doon sa lalaking ’yon.” Inginuso nito ang driver seat kung saan nakaupo ang estranghero. Saglit na natigilan si Ava Leigh. Napatingin siya sa lalaking seryosong nagmamaneho. Saka lang niya naalala ang estranghero na tumulong sa kaniya upang makalayo kay Evan. Dahil sa sobrang tuwa at pagiging abala niya sa pakikipag-usap kay Mikee, hindi niya namalayang binuhay na pala nito ang makina ng sinasakyan nila. “Siya nga pala si Casper Alexus, Tito ko siya sa mother side. Pwede mo siyang tawaging Tito Lexus,” pagpapakilala ni Mikee sa tiyuhin nito. “Hello po! Ako po si Ava Leigh Mendez,” kiming pakilala niya sa sarili. “S-Salamat po pala sa pagtulong mo sa ’kin kanina, T-Tito,” nauutal na pasasalamat niya sa lalaki. Tito na lang din ang naging tawag niya dito dahil kaibigan naman niya si Mikee. Tinapunan siya nito ng tingin bago tumango subalit agad ding ibinalik sa kalsada ang mga mata na kaniyang ipinagpasalamat. Ramdam niya ang pagbilis ng tíbök ng puso niya sa tuwing magtatama ang kanilang mga mata. “Sino ba ang lalaking ’yon?” kapagkuwan at usisa ng kaibigan niya. “Para kayong nasa telenovela, ha! May paluhod-luhod pa!” “Ex ko,” tipid niyang sagot na hindi tumitingin kay Mikee. Ayaw niyang pag-usapan ang dating kinakasama kaya ibinaling niya ang mga mata sa labas ng sasakyan. “Ah,” wala sa sariling tugon ni Mikee kay Ava Leigh. Naramdaman nito na ayaw ng pag-usapan pa ng dalaga ang tungkol sa dating karelasyon kaya hindi na muling nag-usisa pa. “Saan ka nga pala namin ihahatid?” kapagkuwan ay tanong ni Casper Alexus na muling napatingin sa kaniya. “H-Huwag n’yo na po akong ihatid, malapit lang po dito ang apartment ko,” aniya. Nag-angat siya dito ng tingin subalit mabilis ding iniwas ang mga mata at kinagat ang ibabang labi. Hindi niya magawang tagalan ang mga titig nito. Hindi niya maipaliwanag ang kaniyang nararamdaman, bumibilis ang tíbók ng puso niya sa tuwing magpapatingin siya sa binata. “Naku! Naku! Ikaw talaga!” Mahinang hinila ni Mikee ang buhok niya mula sa kaniyang likuran. “Huwag ka nang tumanggi, mamaya sundan ka ng lalaking ’yon, sige ka!” Pananakot naman ng kaniyang kaibigan, hindi nito nagustuhan ang pagtanggi niya sa alok ni Casper Alexus. Napalingon siya kay Mikee, sinamaan niya ito ng tingin sabay irap. Kahit noon pa man, lagi siya nitong sinasabunutan kapag tinatanggihan niya ang mga tulong na iniaalok nito. Muling dumako ang mga mata niya sa tiyuhin ng kaibigan, ngunit agad din niyang binawi ang tingin nang magtama ang kanilang mga mata. Kulang na lang ay mag-isang linya ang mga kilay nito sa pagkakakunot, tila naiinip na sa paghihintay sa sagot niya. Napilitan siyang sabihin sa lalaking katabi ang binababaan niya. Hindi naman gaanong malayo sa grocery na pinapasukan ang apartment na kaniyang tinitirahan. Twenty minutes lang niyang nilalakad ang papunta sa trabaho tuwing umaga kaya ayaw na sana niyang magpahatid. “Malayo ba sa bungad ang apartment mo, gurl?” usisa ni Mikee, nakatingin ito sa labas ng sasakyan matapos niyang pahintuin ang Tito nito sa pagmamaneho nang marating nila ang binababaan niya. “Sa may kanto pa, pero medyo malapit na din,” sagot ni Ava Leigh sa matalik na kaibigan. “Sige, bababa na ako. Maraming salamat, Mikee.” Binalingan niya ang katabi. “At sa inyo din po, Tito Lexus.” Ngumiti siya kay Casper Alexus. Tanging pagtango lang ang naging tugon nito. “Wait!” Pigil ng kaibigan niya bago siya bumaba. “Here’s my calling card. Text ka sa ’kin kapag nakauwi ka na, ha?” Iniabot nito sa kaniya ang tarheta na agad naman niyang kinuha. “Sige.” Ngumiti siya sa kaibigan saka tuluyang bumaba. “Bye! Ingat kayo!” Kumaway pa siya nang makababa sa sasakyan. “Thank you, gurl! Ikaw din, ingat!” sabi naman ni Mikee. “Lumakad ka na, saka kami aalis kapag nakapasok ka na sa gate ng subdivision ninyo,” dagdag pa nito, wari’y itinataboy siya. Muli niyang sinulyapan ang tiyuhin nito bago tumalikod at naglakad patungo sa gate. Kahit nakatalikod na siya, dama niya ang nanunuot na titig ng lalaking katabi niya kanina dahilan upang panindigan siya ng balahibo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD