CHAPTER 10 part 2

1208 Words
“Mga kapitbahay, may away dito! Lumabas kayo! May mga taksil na nahuli! Dali! Pasikatin natin mga kababuyan nila!” Nagsisigaw si Tinay. Tawang-tawa ito sa nasasaksihang pagpapangbuno ng dalawang lalaki. Naglabasan ang ilang kapitbahay na nakarinig sa sigaw ng kaibigan ni Juana. Ang ilan namang dumadaan ay napahinto at nakiusyoso sa nangyayaring kaguluhan. Mariing ikinuyom ni Ava Leigh ang mga kamao habang pinapanood ang dating kinakasama. “Napakawalang hiya mo, Evan. Hindi ka man lang talaga nakokonsensiya sa mga kagàgúhang ginagawa mo,” mariing sambit niya, nagtatagis ang bagang. Naninikip ang kaniyang dibdib, ramdam niya ang pagsabog ng lahat ng galit at hinanakit na matagal niyang kinimkim para sa lalaki. “Hayóp kang lalaki ka! Ikaw pala ang sumasalisí sa syóta ko kapag wala ako! Pútàng ína mo! Babasagín ko ang búngó mo!” nanggagalaiti sa galit na sigaw ni Jerry. Muli na naman nitong inundayan ng súntók si Evan. Mas nananaig ang lakas ng una dala ng matinding galit. Kaya nama'y hindi magawang umalpas ng kaniyang kinakasama kahit magkasingkatawan lang ang dalawa. Si Maridel naman ay hindi magkandatuto sa pag-awat kay Jerry. Hindi alintana ng babae na halos wala itong saplot at nabibilad na sa mga tao ang katawan nito. Dumarami na ang nakikiusyosong kapitbahay ngunit tila hindi iyon alintana ng tatlo na nagkakagulo. Halos lahat ay naglabas ng cellphone at kinukuhaan ang mga ito ng video. “Naku, basag na ang mukha nung lalaking nakaputi,” tukoy ng isang may edad na babae sa kinakasama ni Ava Leigh na halos hindi na makabangon dahil dinaganan ni Jerry. Napalingon siya dito. “Awatin n’yo na yang mga ’yan. Baka tuluyan ’yan nung nakaitim na lalaki,” dagdag pa nito. “Tama lang ’yan sa kaniya! Kung ako baka màpatay ko pa sila,” sigaw naman ng isang lalaking nanonood. Naunang lumapit si Gelo sa kaibigan nito upang umawat. Ngunit dala ng bugso ng damdamin, hindi nito kayang pigilan si Jerry kaya lumapit na din ang dalawang lalaki na pawang nakikiusyoso rin. “Bitawan n’yo ’ko!” sigaw pa ni Jerry nang tuluyang mailayo kay Evan. “Evan...” Lumapit si Maridel kay Evan habang humagulgol. Nanginginig ang mga kamay na inalalayan nito ang kinakasama ni Ava Leigh upang bumangon. “Walang hiya ka! Tingnan mo ang ginawa mo sa kaniya!” Lumuluhang binalingan ni Maridel si Jerry matapos maiupo si Evan. “Ipakukulong kita!” sigaw pa ng babae. “Eh pútàng ina ka pala, eh! Ako na nga itong iniputan mo sa ulo, ako pa ang kakasuhan mo? Ang tigas talaga ng pagmumukha mong babae ka! Isa kang pútà!” bulyaw naman ni Jerry. Pilit itong nagpupumiglas mula sa pagkakahawak nina Gelo upang makalapit kay Maridel. “Ikaw naman ang may kasalanan kung bakit ko ’to nagawa, eh! Madalas mong pinamumukha sa ’kin ang mga pagkakamali ko! Madalas mo akong pulaan at sabihan ng mga masasakit na salita tuwing nag-aaway tayo dahil lang sa isa akong single mom! Gusto na kitang hiwalayan noon pa, pero ayaw mo, ’di ba?” sumbat pa ng babae, patuloy sa pagluha. “Naku! Kaya naman pala iniputan sa ulo,” pabulong na sambit ng isa sa mga miron sa katabi nitong ale. “Nasasabi ko lang ang mga ’yon dahil nagseselos ako. Madalas kang naghahamon ng hiwalayan tapos hindi mo sinasabi sa ’kin ang dahilan. Kaya ka naman pala nanlalamig sa ’kin kasi may iba nang nagpapainit sa ’yo!” katwiran naman ni Jerry. “Malandí talaga ’yang si Madel, mare. Kita mo, naanakan na nga ng dalawang beses tapos magkaiba pa ang tatay, hindi pa rin nagtitino, kung sino-sino pa kinakalantari. Baka mamaya gasgas na ang púdày niyan kasi nakarami na ng lalaki, pinagsasabay pa!” kuwento naman ng katabi ng isang usyosera. At habang lalong umiinit ang pagtatalo nina Maridel at Jerry, lalo ring dumarami ang mga taong nakikiusyoso. Lalong lumalakas ang mga bulong-bulungan–tila apoy na pinalalakas ng hangin ang bawat salitang binibitawan ng mga ito. “Heto ang tatandaan mo, Madel, hangga’t hindi ka nagtitino, walang lalaki ang seseryoso sa ’yo! ’Yang lalaking ’yan? Hindi ka naman talaga niyan mahal. Ginagawa ka lang niyan pampalipas oras!” Puno ng sakit, galit at págkamühi ang mga mata ni Jerry. Bago umalis, dinuro pa nito si Evan na nanatiling nakayuko. Namumula ang mukha ng binata dahil sa galit. Dúmûdugó din ang gilid ng bibig nito ngunit mas marami at malala ang tinamong mga súntók ng kaniyang kinakasama. “Evan, sweetheart, halika na. Tumayo ka na diyan. Gamutin na natin ’yang mga sugat mo,” ani Maridel nang makaalis ang isa nitong kasintahan. Hinawakan nito si Evan sa kamay at pilit pinatatayo. Tila balewala sa babae na nakasakit ito ng damdamin ng ibang lalaki. Subalit tinabig lang ni Evan ang kamay nito. “Bitawan mo nga ako!” singhal ng kaniyang kinakasama kay Maridel, nanlilisik ang mga mata. Dumaan ang sakit at pagkapahiya sa anyo ng babae. Napayuko ito. Nanghihina namang tumayo si Evan. Kaagad na namilog ang mga mata nito pagkakita sa kaniya. “L-Love... Ano’ng ginagawa mo dito?” gimbal na tanong ng binata. “Pinanood kitang mahuli at mabúgbóg ni Jerry,” tiim ang bagang na sagot niya dito. “Akala mo ba napaniwala mo ’ko na wala na kayong relasyon?” Tumaas ang sulok ng labi niya. “L-Love, sorry na. S-Siningil ko lang siya ng utang kaya ako pumunta dito.” “Naningil ka? Kaya ba pareho kayong halos walang saplot nang maabutan kayo ng boyfriend niya?” Dumako ang nag-aapoy niyang mga mata kay Maridel bago muling ibinalik sa kaharap. “Hindi man lang kayo nakosensiya, namatay ang anak natin dahil sa pakikipagkita mo sa kaniya. Tapos itinuloy n’yo pa rin ang kagagúhàn n’yo?” Dumaloy ang masaganang luha sa kaniyang pisngi. “Napakagagó naman! Namatayan na pala ng anak at lahat-lahat, pero hindi pa rin tumigil sa pambababae,” malakas na sambit ng isang lalaking may edad na nanonood sa kaguluhan. Muling umugong ang usap-usapan. Pinükol ng masama at nanghuhusgang tingin ng mga tao sina Evan at Maridel. Kaya nama’y napayuko ang huli at nagmamadaling pumasok dahil sa mga panghuhusgang narinig mula sa mga kapitbahay. Tila ngayon lang tinablan ng kahihiyan sa katawan ang babae kahit kanina pa nakabuyangyang sa mata ng mga kapitbahay ang halos hubad nitong katawan. Mabilis namang umangkas sa motor si Evan. Pinaandar nito ang sasakyan at nagmamadaling umalis dala ang kahihiyang dulot ng kalokohang ginawa. Lumuluhang inihatid ng tanaw ni Ava Leigh ang kinakasama. Labis siyang nasasaktan. Binabalot ng kirot ang kaniyang puso sa nagawang pagtataksil ng lalaking minahal niya ng lubos. “Sige, iiyak mo lang ’yan. Ilabas mo lahat ng sakit na nararamdaman mo. Nandito lang kami ni Tinay para sa ’yo,” may lungkot sa mga matang sambit ni Juana. “Huwag mo siyang panghihinayangan, Ava. Mas maigi na ’yung maaga pa lang nakilala mo kaagad kung anong klaseng lalaki siya,” saad naman ni Tinay. Sabay siyang niyakap ng magkaibigan. Nagpapasalamat siya na kahit hindi siya naging malapit kay Juana, tinulungan pa rin siya nitong makapaghiganti kay Evan. At higit sa lahat, may napaglalabasan siya ng bigat na dinadala sa d*bd*b. May awa at simpatya namang tinapunan siya ng tingin ng mga taong nakiusyoso bago umalis at bumalik sa kaniya-kaniyang tahanan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD