CHAPTER 12

1305 Words
“Nandiyan na naman ex mo, Ava. Mukhang ayaw kang tigilan, ah. Kanina pa siya diyan. Wala pang alas singko naghihintay na,” bungad ni Trixie kay Ava Leigh, ang guwardiya sa pinapasukan niyang grocery. Mahigit isang linggo na magmula nang umalis siya sa poder ni Evan. Halos araw-araw pumupunta ang lalaki sa kaniyang pinagtatrabahuhan, nagpupumilit na makipag-usap sa kaniya. “Nàiínis na nga po ako sa lalaking ’yon, Ate. Huling babala ko na ’to sa kaniya. Kapag hindi pa rin siya tumigil bukas, ipapabaranggay ko na po siya. Nakakapërwisyö na po, eh!” gigil na tugon niya sa guwardiya. Humakbang ang dalaga palapit sa lagayan ng kaniyang bag habang hinuhubad ang suot na ID lace kung saan nakasabit ang susi ng locker niya. “Oo, ganiyan nga ang gawin mo. Nàglöko na nga tapos gusto pang makipagbalikan sa ’yo. Ang tigas naman ng pagmúmūkha ng lalaking, ’yan!” napapailing pa na sabi ni Trixie. Naikuwento niya dito kung bakit niya hiniwalayan ang dating kinakasama. Isinukbit ni Ava Leigh ang backpack matapos ipasok sa loob niyon ang hinubad na ID. “Sige po, Ate Trix, alis na po ako,” paalam niya sa guwardiya. Malayo pa lang ay natanaw niya na si Evan. Kaagad na ngumiti ng malapad ang dating kinakasama pagkakita sa kaniya, na para bang wala itong nagawang kasàIänan sa kanila ni Vander kaya lalong umalsa ang galit at yamot sa kaniyang d*bd*b Yumuko ang dalaga at binilisan ang lakad nang makitang papalapit sa kaniyang direksiyon ang lalaki. Ang sabi niya kanina kay Trixie ay babalaan niya na ito subalit kahit ang makipagtitigan ay hindi niya magawa dahil sa galit na nararamdaman niya para dito. “Love...” sambit ni Evan sa pangalan niya habang nakangiti subalit nilagpasan niya lang ito. “Love, please, mag-usap naman tayo, oh! Ava, mahal na mahal kita. Hindi ko kayang mawala ka sa ’kin. Please, ayusin natin ‘to! Hindi ko na alam kung paano mabuhay lalo na ngayong wala na ang anak natin. Ava, parang awa mo na. Kailangan kita, kailangan natin ang isa’t isa para maging matatag! Ava!” sigaw ni Evan nang lagpasan niya ito matapos siyang lapitan. Nagpanting ang tainga niya nang banggitin ng dating karelasyon ang tungkol sa kanilang anak. Galit siyang humarap sa lalaki. Umigkas ang kamay niya at binigyan ito ng malakas na sàmpáI habang nanIilísik ang mga mata. “Huwag mong gamitin sa ’kin ang pagkawala ni Vanvan dahil hindi ’yan uobra!” taas-baba ang d*bd*b na hiyaw niya. “Ang kapal ng pagmúmūkha mo! Akala mo ba hindi ko alam na ikaw ang may kagagawan kung bakit namatay ang anak natin?” Nawalan ng kulay ang mukha ni Evan, naging mailap ang mga mata nito. “L-Love hindi ko alam ang sinasabi mo. Huwag ka namang ganiyan.” Hindi ito makatingin sa kaniya nang diretso. “Huwag ka nang magmaang-maangan! Iniwanan mo si Vanvan para lang makipagkita sa babaeng ’yon! Kung binantayan mo lang sana ang anak natin, baka napansin mo na sumuka siya! Hindi sana siya nalunod sa gatas! At higit sa lahat, buhay pa sana siya ngayon!” Umagos ang masaganang luha sa kaniyang pisngi. Muling sumidhi ang kirot sa kaniyang puso nang maalala ang sinapit ng anak. Bumadha sa mukha ng dati niyang kinakasama ang matinding pagsisisi at lungkot. Nanubig ang mga mata nito at napayuko. “P-Parang awa mo na, Evan... Tigilan mo na ’ko,” pakiusap niya. “Ang dami ko nang hirap na dinanas magmula ng magsama tayo. Tiniis ko lahat ng mga pagpaparinig ng mama mo at ni Cyrene. Ramdam kong hindi nila ako gusto. Hinayaan kong pagsalitaan nila ako ng hindi maganda, nagtiis ako ng maraming beses dahil mahal na mahal kita. Pero kataksilan lang pala ang mapapala ko mula sa ’yo.” Bakas sa tinig niya ang labis na pagdaramdam para sa pamilya ng lalaki na puro pakitang-tao lang ang ginawa sa kaniya. “S-Sorry sa mga ginawa nila Mama at Cyrene. Promise, hindi ko na ulit sila hahayaang apihin ka. Lalayo tayo sa kanila. Magsimula tayo ng panibagong buhay. Kahit anong gusto mo susundin ko,” panghihikayat pa nito. Tumango-tango siya at pinahid ang mga luhang pumatak sa kaniyang pisngi. “T-Tama ’yang plano mo, magsimula tayo ng panibagong buhay.” Ibinaling niya ang tingin sa ibang direksiyon. Mabilis na umaliwalas ang mukha ni Evan. Napuno ng galak at pag-asa ang mukha ng binata nang muling umangat ang tingin sa kaniya. Bumuka ang bibig nito upang magsalita ngunit muli siyang nagpatuloy. “Gusto kong magsimula ng panibagong buhay, pero hindi ka na kasama. Gano’n din sana ang gawin mo. At sana, sa susunod na makikipagrelasyon ka, huwag mo nang uulitin ang ginawa mo sa ’kin. Dahil hindi madali ang pinagdadaanan ko ngayon dahil sa ginawa mong panlólôko,” aniya ng ibinalik sa binata ang tingin. Umawang ang bibig ni Evan at nagkaroon ng lambong ang mga mata nito pagkarinig sa mga sinabi niya. Napakurap ito habang napapailing. “H-Huwag ka namang magsalita ng ganiyan, Love. Magbabago na nga ako, ’di ba? Magtitino na ako, aayusin ko na ang buhay ko para makapagsimula tayong muli. ’Wag namang ganito. Pinagsisisihan ko na ang mga nagawa ko. Isa at huling chance na ’to, promise, kapag hindi ko natupad ang mga sinabi ko, ako mismo ang kusang lalayo sa ’yo.” Lumuhod si Evan sa kaniyang harap, niyakap nito ang mga binti niya. “A-Ava, please... Mahal na mahal kita, hinding-hindi na ulit ako maglóIóko. Patawarin mo naman ako, oh?” Nag-unahang pumatak ang mga luha sa pisngi ng lalaki. Pinagtitinginan na sila ng ibang dumadaan. Bakas sa mukha ng bawat nakakakita sa kanila ang kuryosidad at awa para sa binatang umiiyak habang nakaluhod at nakayakap sa mga binti niya. Nakadama siya ng hiya. Kaya nama’y lalo siyang nainis sa ginawa ng dating karelasyon. “Bitaw,” mariing sambit niya, nagngangalit ang mga panga. Ngunit umiling lang si Evan. “H-Hindi. Hindi ako aalis dito hangga’t hindi mo ako binibigyan ng chance,” may determinasyong sabi nito. “Kahit ano pa ang gawin mo, kahit maglupasay ka pa diyan, o kaya'y halikan mo ang mga paa ko, hinding-hindi kita hahayaang saktan at lokohin ako! Sinira mo ang buhay ko, Evan! Namatay ang anak natin dahil sa pangbababae mo!” Pagmamatigas pa niya kahit parami na nang parami ang mga taong napapalingon sa kanilang direksiyon. Hinawakan niya ang kamay ni Evan at pilit itong inaalis mula sa pagkakapulupot sa kaniyang binti. Ngunit lalo lang hinigpitan ng lalaki ang pagkakakapit. “Ano ba! Bitaw sabi!” Pagpupumiglas niya. Muli sana niyang babaklasin ang ang mga braso nito subalit may biglang nagsalita mula sa bandang gilid niya. “Babe? What’s the meaning of this?” anang baritonong tinig. Hindi siya nakasisiguro kung siya nga ba ang tinatanong ng lalaki kaya hindi siya tumingin sa taong nagsalita. Naramdaman niya ang papalapit presensiya hanggang sa tumambad sa harapan nila ang estranghero. “Sino ang lalaking ito? Bakit siya nakayakap sa ’yo?” Kaagad na nanuot sa ilong ni Ava Leigh ang perfume ng lalaki—matapang ngunit may halong banayad na tamis, tila ba kayang sakupin ang buong paligid. Halos mag-isang linya ang mga kilay niya nang masigurong siya nga ang tinatanong ng lalaki. Hindi niya kilala ang taong nasa harap nila. Kahit minsan ay hindi pa niya ito nakita. Hindi maipaliwanag ni Ava Leigh kung bakit tila bumilis ang t***k ng kaniyang puso sa presensiya nito. Nanatili siyang nakapako sa matalim na titig ng estranghero. Parang hinuhubaran siya ng mga mata nito, naghahanap ng kasagutan na hindi niya alam kung paano ibibigay. “Hindi mo ba ako sasagutin?” muling tanong ng lalaki, mas mababa na ang tinig, mas mapanganib. Napalunok siya. Para siyang paslit na nahuli sa kasinungalingan—walang depensa, walang matatakbuhan. Hindi niya kaano-ano ang lalaki subalit tila siya nangangamba sa presensiya nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD