"A-Ano'ng ginagawa niyo rito?!!" narinig naming sigaw ng isang lalaking kararating lang dito sa likuran ng bahay, awtimatiko namang nanlaki ang mga mata ko no'ng bunungad sa akin ang asawa ni Alice. Halos mangunot na ang noo nito habang tinitignan kami ng masama ni Jethro, hindi ko na rin nagawa pa ang makapagsalita dahil parang bigla akong natutop sa sobrang pagkabigla. Ilang saglit lang ay kaagad namang naagaw ni Jethro ang atensyon ko, no'ng mabilis na itong lumapit sa harapan ko para lang maharangan ako at mailagay ako nito sa likuran nito. "Ano'ng-..." kaagad namang natigilan sa akmang pagsasalita ang lalaki, no'ng mapansin kong mahagip ng paningin nito ang kinaroroonan ng lumang balon. Halos manlaki ang mga mata nito no'ng makita niyang nakakalat na lang sa ibaba lumang balon ang mg

