Nasipat ko na lang ulit ang oras sa suot kong wrist watch, no'ng sa wakas ay nakarating na rin kami rito sa harapan ng gate ng mansion. Napabuntong-hinga na lang ako ng mahina dahil alas diyes na ngayon ng gabi, mabuti na lang at mukhang hindi sumabay si Lolo kaya Aunt Mildred sa dinner. Dahil kung oo ay siguradong hahanapin ako no'n, actually hindi naman talaga sila strict pagdating sa'kin, 'yun nga lang ay hindi pa rin nila maiwasan ang mag-alala sa akin lalo na't isa pa rin akong De Villa. Pwede kasi kahit saan at kailan ay may magtangkang kumidnap sa akin para lang sa money ransom, na sana'y wag naman sanang mangyari sa akin, ishh. "Finally! We're home," narinig ko na lang na sabi ni Caresse, na siyang humila naman sa isipan ko pabalik dito sa reyalidad. Marahan na lang akong nagbalin

