"Kiara, please tell me this is not happening," narinig ko na lang na sabi ni Caresse, habang hindi ito mapakali sa paglalakad-lakad dito sa loob ng kwarto ko. "Caresse, huwag kang matakot, okay? Maybe kapag nakausap na natin si Romeo ng personal ay mas mapapakiusapan natin siya na tigilan ka na niya," tanging nasabi ko na lang sa kanya, para naman kahit paano ay makabawas sa tense na nararamdaman niya ngayon. Hindi kasi talaga ito makapaniwala na naka-encounter siya ng multo at nakausap pa talaga niya ito ng gano'n. Napabuntong-hininga na lamang ako no'ng ma-realize ko na may sense na ngayon, kung bakit nakaramadam ako ng kaunting kilabot sa katawan no'ng kausap kanina ni Caresse si Cheska. Awtimatiko namang nahagip ng paningin ko ang wall clock dito sa loob ng kwarto ko at nakita kong

