"I bet that guy was a good looking one, kaya gano'n na lang kung magselos si Merick," nasabi ko na lang kay Caresse, bago ako tuluyang mapangiti sa kanya nang may mapanuksong mga tingin. "Ahm, yah, he's handsome and kinda hot? Pero wala naman talaga akong pakialam do'n eh." Napahalukipkip na lang ito ng mga braso niya, bago umirap ang mga mata nito sa akin. "Bakit, ano bang mga sinabi sa'yo ng lalaking 'yun at biglang na-insecure si Merick?" tanong ko na lang sa kanya dahil gusto ko rin talagang malaman. "Well, he said he's attracted to me and gusto niya akong makilala ng personal. He's kinda popular also, since I visited his account at over millions din ang followers niya," narinig ko namang sagot sa akin ni Caresse, bago ito tuluyang mapanguso ng bahagya. "Nasaan ba 'yan? May I see?"

