Chapter 9 – Destiny's Timeline
Destiny.
PILIT kong ipinipikit ang mga mata ko ngunit hindi talaga ako makatulog. Iniisip ko pa rin ang pagkikita namin ni Diana. Dalawang araw na ang nakakalipas at nagpapasalamat ako na hindi na muling nag-krus ang landas namin pero binabagabag naman ako ng senaryo sa huling pagkikita namin.
Ang pag-iyak niya. Parang totoo. Animo'y nangulila din siya sa akin ngunit nagdududa ako. Muli ay napabuntong-hininga ako. Nakokonsensya ako. Hindi ko alam pero nalulungkot din ako na makita siyang ganon ngunit nalalamangan ng poot sa dibdib ko ang awa na nararamdaman ko.
Bumangon na lamang ako upang magtungo sa ref upang kumuha ng gatas. Agad kong ininom ang gatas na isinalin ko sa baso. Nasa ospital pa rin kami ngayon. Hindi ko alam kung kailan magiging okay si La. Mukhang malakas naman na siya pero hindi pa rin kami pwedeng umalis dito.
Bumuntong-hininga ako at tiningnan si Lola na payapang natutulog sa kama nito. Mabuting apo naman ako sa'yo Lola, 'di ba? Hindi ka din nagkulang sa akin kaya bakit pa tayo babalikan ni Diana? Hindi na natin kailangan ang anak mong iyon dahil iniwan niya tayo.
Nanikip muli ang dibdib ko sa alaalang umiiyak si Diana na aking ina sa harapan ko. Pakiramdam ko ay napakalupit ko dahil nagawa ko iyon sa kaniya ngunit bakit mali? Mali itong awa na nararamdaman ko sa kaniya. Hindi dapat ako maawa dahil malaki ang kasalanan niya sa akin. Nakakadismaya pa na hindi man lang niya ako binalikan makalipas ng araw na iyon.
Lumabas ako nang kuwarto at nagtungo sa rooftop ng ospital. Agad na sumalubong sa akin ang malamig na simoy ng hangin. Sa tingin ko ay ala-una na ng umaga ngunit buhay na buhay pa din ang siyudad kung saan kami nakatira. Ang mga ilaw ay nagkalat, maliwanag ang buong paligid.
Hawak ko ang telepono kong nagtungo rito. Binuksan ko iyon at pumunta sa contacts. Nasa pangalawa sa recent calls ko si Reeve. Kanina pa ito nang ipinaalam niya sa akin na nakauwi na siya ng bahay nila at nagawa niya pa akong banatan ng ilang pick-up lines.
Sa mga nagdaang araw, tanging si Reeve iyong nariyan at nagpapangiti sa akin. Hindi ko itatanggi na mas lumalalim ang pagkakagusto ko sa kaniya nitong mga nakaraang araw. Ang ikinakatakot ko na pagkahulog sa kaniya ay unti-unti ng nagkakatotoo.
Wala sa sariling napahawak ako sa puso ko. Napaka-kalmado nito ngayon. Huminga ako nang malalim at umupo sa sahig.
Pikit-mata kong dinial ang numero ni Reeve sa telepono ko. Gusto kong marinig ang boses niya sa oras na ito. Nagbabakasakaling pagkatapos kong marinig ang boses niya ay makatulog na ako ng mapayapa.
Nag-ring ito, ilang segundo pa ang lumipas ay biglang sinagot na nito ang tawag ko. Namilog nang bahagya ang mga mata ko at nawalan ng lakas na magsalita.
"H-Hello?" paos na bungad nito. Marahil ay gumising siya upang sagutin ang tawag ko.
"Reeve."
Natahimik ito sa kabilang linya ngunit maya't maya pa ay nagsalitang muli.
"Destiny? Why are you still up? It's already late."
"Sorry naistorbo kita."
"Hmmmn? What do you want, my girl?"
Napangiti ako sa tinawag nito sa akin. My girl?
"I want to listen to your voice, Reeve. Is it fine with you?"
"Do you want me to sing a song for you?"
"Is it alright?"
"Of course."
Tumikhim pa ito bago nagsimulang kumanta.
"I like your eyes, you look away when you pretend not to care
I like the dimples on the corners of the smile that you wear
I like you more, the world may know don't be scared
Coz I'm falling deeper, baby be prepared"
May kung anong humaplos sa puso ko sa mga lyrics ng kanta. Pakiramdam ko ay sinasabi sa akin ngayon ni Reeve ang mga gusto niyang sabihin sa pamamagitan ng kanta. Napaka-husky din ng boses niya at mas lalo iyong bumagay sa pagkanta niya.
"Love you every minute, every second
Love you everywhere and any moment
Always and forever I know I can't quit you
Coz baby you're the one, I don't know how
I love you 'til the last snow disappears
Love you 'til the rainy day becomes clear
Never knew a love like this, now I can't let go
I'm in love with you and now you know."
Hindi matanggal ang ngiti sa labi ko nang matapos siyang kumanta.
"Thank you, Reeve. Nagustuhan ko iyong kanta. Anong title niyon?"
"I like you so much, You'll know it. It's a sound track from A Love so Beautiful. Iyon iyong pinapanood ni Xia noong pumunta ako sa bahay nila ng pinsan kong si Xenon."
"It's beautiful."
"I like the meaning of it. Bagay sa'yo, Destiny." Pambobola pa nito.
"Can you wait for me 'til I reach my room and sing that song again?"
"Okay, I'll sing for you again until you sleep my girl."
Nakahinga ako nang maluwag. Tinupad ni Reeve ang sinabi niya at nakatulog na lamang ako habang paulit-ulit na kumanta sa kabilang linya si Reeve. Good mornight, Reeve.
Paggising ko ng umaga, agad akong nagmadali para mag-ayos ng sarili ko. Alas-siyete na. Sabado ngayon at balak kong mamili ng ilang gamit sa Mall. Pwede ko na rin sigurong isabay pati ang grocery namin.
Nadatnan ko si Lola na kumakain. Iyon siguro ang pagkain na galing sa ospital. Lumapit ako sa kaniya at hinalikan siya sa pisngi.
"Saan ang lakad mo ngayon, Destiny?"
"Sa Mall lang po. May gusto kayong ipabili, La?" Malambing kong tanong.
Umiling naman siya. "Magkikita kayo ni Reeve ngayong araw?"
"Ho? Hindi po."
"Eh bakit bihis na bihis ka?"
Pinamulahan ako ng pisngi dahil napansin pala iyon ni Lola.
"Dati naman ay simple ka lang manamit ngunit ngayon ay mas lalo kang naging concious sa mga damit mo. Iba na talaga ang nagagawa ng pag-ibig."
"Lola naman eh." Naiiling kong sabi.
"Ayos lang naman iyan, apo. Masaya nga ako na nakikita kang masaya. Nagtatampo lang ako dahil may mga bagay ka ng hindi pinapaalam sa akin."
Nawala ang ngiti sa labi ko dahil sa sinabi ni Lola. Alam na niya? Nagkita na sila ni Diana?
"N-Nagkita na kayo ni Diana?" Utal kong tanong. Napabuntong-hininga si Lola na tila nanghihina sa pangalan na itinawag ko sa aking ina.
"Diana? Ina mo pa rin siya Destiny."
"Lola, hindi siya naging ina sa akin."
"Iniluwal ka pa rin niya sa mundong ito, ija."
"Iniluwal niya ako ngunit inabandona niya rin ako. Ikaw ang tinuturing kong ina, Lola Rosita." Matigas na katuwiran ko na mas lalong ikinadismaya niya.
"Nagtanim ka ng sama ng loob sa magulang mo. Mali iyan, apo."
Nagrebelde ang puso ko sa narinig na salita mula kay Lola.
"Kayo ang higit na nakakaintindi ng nararamdaman ko, La. Alam niyo kung gaano kasakit sa akin na lumaking walang magulang sa tabi ko. Alam niyo iyong mga panahon na umiiyak ako at naiinggit na sana kasama ko rin si Mommy at Daddy noon."
"Humihingi sila ng tawad sa mga pagkukulang nila sa'yo, Destiny."
"Sana kayang burahin ng isang 'sorry' nila ang mapapait na karanasan ko noon. Kung mangyayari iyon, papatawarin ko agad sila ngunit hindi. Hindi mangyayari iyon."
"Kailan ka magpapatawad? Kapag huli na ang lahat? Tinatakbuhan mo nga rin ang paliwanag ng Ina mo sa'yo."
"Dahil walang kuwenta ang mga sinasabi niya. Hindi makatarungan kaya hindi ko matanggap."
"Sarado ang puso at utak mo sa pagpapatawad. Hindi kita pinalaking ganiyan."
Napupuyos na ako sa inis sa mga sinasabi ni Lola ngunit kinalma ko ang sarili ko. Ayokong magkapatampuhan kami sa oras na masigawan ko siya.
"Aalis na po ako. Sa susunod na lang natin ulit pag-usapan ang bagay na ito. Sa oras na kalmado na ako."