Chapter 7

1223 Words
Chapter 7 - Destiny's Timeline Destiny. MAAGA pa lang ngunit nasilayan ko na agad si Reeve. Ala-sais pa lamang ngunit narito na siya sa ospital upang bisitahin si Lola. Sinabi niya din na gusto niya akong ihatid sa school. Papasok na ako ulit dahil medyo maayos na ang lagay ni Lola Rosita. Si Reeve din ang nagsabi sa akin na siya muna ang bahala kay Lola. Natuwa naman ako dahil mas magaan ang loob ko na iwan si Lola dahil pinagkakatiwalaan ko siya. "Destiny, tahimik ka ata ngayon?" Biglang tanong ni Lola. "Po? Dati na akong tahimik." Natawa naman si Reeve. "Kumain ka na ba?" Tanong niya. "Tapos na kanina pa. Bakit?" "Kain ka ulit baka kulang pa." Nangingisi niyang sabi kaya bahagya akong napangiwi. Kinuha ko ang bag ko na nakalapag sa table. "Ayos na ako. Kailangan ko ng pumasok. Marami akong na-missed na lessons na dapat kong maturo sa mga bata." Naiiling kong tugon. Naalala ko kaagad ang mga batang estudyanteng naiwan ko. Kamusta na kaya sila? "Sige po, Teacher Des." Magalang na sagot ni Reeve na may halong pang-aasar. Umingos na lamang ako at humalik sa pisngi ni Lola na nagbilin naman sa akin na mag-ingat ako bago ako tuluyan na umalis ng kuwarto niya. Sinundan ako ni Reeve hanggang sa makarating kami sa itim na Montero Sports na sasakyan niya. "Paano iyan, hindi ko pala iyong kotse ko ang hirap mag-commute pauwi." Napailing siya sa akin. "Susunduin din kita. May pasabi-sabi ka pa na mahirap mag-commute, ang gusto mo lang naman ay ang marinig mula sa akin na susunduin ulit kita mamaya." Kumindat pa siya sa akin at napangiwi na naman ako. Ang lakas talaga ng apog ng lalakeng ito. Oo nga at gwapo ngunit magaling din magbuhat ng sarili niyang bangko. "Tse." Pagdating namin sa school ay nagbilin pa sa akin si Reeve na huwag akong magpapagutom. Tawagan ko din daw siya kapag patapos na ang klase ko para masundo niya ako agad. "Oh my gosh!" Nakasalubong ko si Kris na nakanganga sa gawi ko. Kakaalis lang ng sasakyan ni Reeve at sigurado akong natanaw niya kaming dalawa. "Good morning, Kris." Bati ko pa at hindi pinansin ang malisyosang bungad nito. "Omg, si Reeve Montes iyon 'di ba? Gosh! Ang haba ng hair mo Destiny, friend." "Si Reeve nga iyon." Napatili siya dahilan para mapatingin ang ilan sa co-teachers namin at tiningnan ko naman agad siya ng masama dahil nakakahiya ang ginawa niya. "Hala, nililigawan ka na niya?" Natigilan ako sa tanong niya. Nililigawan na ako ni Reeve? Napaawang ang labi ko. Ang paghatid niya sa akin dito, iyon na ba ang simula ng panliligaw niya? Stupid me, of course iyon na nga. Pinapasok ko na nga siya sa buhay ko eh. "Yes." Biglang sagot ko kay Kris at mas lalong nanlaki ang mata niya. Pigil na pigil siyang tumili ulit kaya napailing ako. "Gosh! Kailangang malaman ni Chris at Marites ito paninguradong kikiligin din sila at baka mag-aya pang tumambay sa coffee shop para naman mapansin din sila ng mga crush nila sa banda." "Bakit? Hindi naman ako naglalagi sa coffee shop ah." "Ay iba! Ang ganda mo kasi kaya litaw na litaw ka sa paningin ni Reeve." Aniya at bigla pang tumawa. Maganda? Oo nga at sinabi ni Reeve na maganda iyong mga mata ko. Napaisip tuloy ako, anong maganda sa mga mata ko? Kulay tsokolate ang mga iyon may mapipilantik at mahahabang pilikmata pero hindi pa rin sapat para magustuhan niya agad ako. Pero ang pangit din naman ng dahilan kung nagustuhan niya lang ako dahil maganda ako. Napairap na lamang ako dahil sa mga pinag-iisip ko. "Sige, napakadaldal mo talaga Kris. Subukan mo lang talagang iparating kila Gael at Marites iyon, lagot ka sa akin." "Ang kj mo naman, kaibigan din naman natin iyong dalawang iyon." "Sasabihin ko kapag sigurado na ako." Naguluhan siya sa sinabi ko kaya napabuntong-hininga ako. "Sigurado ka na ano?" "Sigurado na akong si Reeve nga ang nakatadhana sa akin." Ngumuso si Kris sa sinagot ko ngunit hindi na siya nag-usisa pang muli. Dapat lang dahil kung magtatanong siya ulit ay dudugtungan ko pa iyon ng mas malalalim na salitang panigurado ay hindi din niya maiintindihan at mas lalo lamang siyang maguguluhan. Katulad ng inaasahan ko ay marami sa mga estudyante ko ang nakamiss sa akin. Natanggal ang ilang araw kong lungkot at pagod nang yumakap ang ilang batang estudyante ko sa akin. Nakakagaan ng loob at nakakapawi ng pagod ang mga ngiti nila. Nagturo ako ng ilang math problems sa kanila bago naisipan na magbasa ng isang kuwento para sa kanila. Isa ang bagay na iyon sa namiss kong gawin dahil nakakatuwang pagmasdan ang mga mukha nilang matamang nakikinig sa sinasalaysay kong kuwento. "Teacher Des, ano pong title nung babasahin niyong story?" Kuryosong tanong ni Jillian. Tiningnan ko naman ang pabalat ng hawak kong libro bago nakangiti itong sinagot. "Ang Bagong Kaibigan ni Sandy." Namilog naman ang mata nito. "Si Sandy ay isang batang hindi marunong makipagkaibigan. Ilag siya sa mga kaklase nito at sa iba pang mga bata. Madalas ay napagkakamalan siyang maldita dahil sa ugali nito." Napatigil ako nang magtaas ng kamay si Gino. "Bakit po ganiyan si Sandy? Hindi siya nakikipag-friends. Bad naman po talaga iyon." Binigyan ko ng isang maliit na ngiti si Gino at muling binasa ang nakalagay sa sumunod na pahina. "Lingid kasi sa kaalaman ng iba, nagkaroon na dati ng kaibigan si Sandy. Masayang kasama, bibo at palabiro, iyan si Sandy sa dati nitong kaibigan na si Rita. Ngunit ang kaibigan nitong si Rita ay iniwan siya at nakahanap na ng bagong matalik na kaibigan." Rinig ko ang malungkot na paghinga ng mga batang estudyante ko na nakikinig sa akin. "Iniisip ni Sandy na lahat lang din naman ng kakaibiganin niya ay iiwan siya." Sa pagkakataong ito ay ako naman ang natigilan. "Natatakot si Sandy na katulad lamang ng iba ang dati niyang kaibigan na si Rita. Natatakot siya na ang kaibigan na ituturing nya ay iiwan siya at maghahanap din ng iba." "Pero hindi naman lahat ng tao ay pare-parehas." Biglang sabat ni Flynn. Tumango ako at naalala ang pangaral ni Lola Rosita. Hindi sila pare-parehas at hindi porque nabigo ka ng una ay bibiguin ka ulit ng pangalawa. "Si Pamela. Si Pamela ang matagal ng nagmamasid kay batang Sandy, isa siyang kaklase ni Sandy na madalas na nakikihalubilo sa iba't ibang bata. Nang minsan ay makita nitong inaaway si Sandy ay agad niya itong ipinagtanggol. Ang pangyayaring iyon ang nagdugtong sa dalawa na maging magkaibigan. Noong una ay naiilang pa rin si Sandy kay Pamela ngunit hindi naglaon ay nakapagpalagayan niya ito ng loob at napagtantong hindi naman masama kung muli kang magtitiwala sa iba at isipin na may dahilan kung bakit nawala ang nauna." "Teacher Des, bakit po sa tingin niyo may dahilan kung bakit nawala iyong unang kaibigan niya? Hindi po ba mas maganda kung nag-stay iyong nauna at hindi nawala?" Ibinaba ko ang hawak kong libro at binalingan si Wayne. "Minsan tinatanggal sa buhay natin ang taong hindi nakakabuti para sa atin. Naglalaanan ang Diyos ng taong mas babagay na manatili sa tabi natin at para makilala natin ang taong iyon, kailangan tanggalin niya ang nauna upang sa ganon ay magtagpo ang landas mo ng taong binigay para sa'yo. Iyon ang kaibigang tunay na bigay para sa'yo. Kaya kapag naiwan ka, huwag mong isasara ang mundo mo para sa ibang tao." Napangiti sila sa sinabi ko. Sana nga ay kaya ko din na i-apply iyon sa nararanasan ko ngayon. Sana kaya kong buksan ng tuluyan ang puso ko at palayain ang sarili ko sa hindi kanais-nais na karanasan ko noon sa una kong pag-ibig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD