Destiny.
Mabilis kong pinunasan ang luhang lumandas sa mga mata ko nang kumanta si Reeve. Hindi ko na hinintay na makababa pa siya ng entablado. Lumapit ako sa kaniya na hindi inaalis ang pagkakatitig namin sa mata ng isa't isa.
Tanging ang t***k ng puso ko ang naririnig ko at ang bahagyang pagbagal ng mga pangyayari sa paligid ko. Nalilito ang mga mata ni Reeve habang nakatingin sa akin. Natauhan ako nang marinig ko ang samu't saring bulungan ng mga tao sa paligid namin.
"Destiny..." Bulong niya sa pangalan ko.
"Pwede tayo, Reeve." Makahulugang sambit ko na nagpa-awang ng labi niya. Ang ilan sa mg kasama niya sa banda ay nanlalaki naman ang mata sa pagkabigla dahil sa binitawan kong salita.
Nakita ko naman ang paglunok ni Reeve. Maging ang pagkibot ng mapulang labi nito ay hindi nakatakas sa paningin ko. Gustohin ko man na maglaho na parang bula dahil sa kahihiyan na ginawa ko ngayon ay hindi ko na pwedeng bawiin ang nangyari nang biglaan kong pagpunta sa entablado.
"Wut wut! Cheers, people! Cheers for Reeve's girl!" Sigaw bigla ni Dylan Camello, ang drummer ng banda. Napangiwi ako.
Nagulat na lamang ako nang higitin ako ni Reeve sa braso ko at biglang kinaladkad palabas ng coffee shop. Nang makarating kami sa parking lot sa tabi ng kotse niya ay hinarap niya ako.
"What did you do? Nalilito ako sa'yo, Destiny."
Nanghina ako nang bitawan niya ang braso ko at nakatingin ako sa malungkot niyang mga mata.
"Destiny naman... huwag mo akong paglaruan please. Bibigyan mo ako ng pag-asa tapos mamaya matatakot ka na naman na magtake ng risk. Natatakot din naman ako na iwan mo ako sa ere dahil sa pabago-bagong disisyon mo."
Mapait akong napangiti sa sinabi niya. "Maniwala ka sa sinabi ko na 'pwede tayo', Reeve. Kahit iyon lang, hintayin mo ako."
Natulala siya sa sinabi ko. Bumuntong-hininga naman ako at nag-iwas ng tingin dahil sa pagkailang na naramdaman ko.
"Naniniwala ako. Kamusta na si Lola?"
"Lola?"
"Lola ko na din siya. Sabi mo, 'pwede tayo'. That means you've also accept me now in your life. I'm now part of it, Destiny."
Napangiti ako sa sinabi niya.
"Hindi pa tayo."
Ngumiwi naman siya. Natawa naman ako nang mahina.
"Liligawan kita, alam ko. Parte iyon ng pagmamahal ko sa'yo."
Agad na nag-init ang pisngi ko sa sinabi niya. Parte ng pagmamahal niya sa akin?
"Salamat, Reeve."
"Ginulat mo ako."
"Tapos? Nakakainis kasi iyong kanta mo, dalang-dala ako."
"Fan girl kita dati."
"Hanggang ngayon, fan girl mo pa rin ako."
Lumawak ang ngiti niya sa sagot ko. Naiiling ko na lamang siyang tiningnan. Ewan ko ba pero feeling ko ang landi-landi ko ngayon dahil nasasabayan ko si Reeve sa mga matatamis na palitan namin ng mga salita.
"Anong nagustuhan mo sa akin?"
Napanguso ako. Kailangan ko pa bang sagutin ang tanong niya? May hindi ba kagusto-gusto sa kaniya?
"Bukod sa tinitilian ka ng mga babae dahil sa galing at itsura mo... pinakanagustuhan ko ang pagkakaroon mo ng puso. Sana nga lang at hindi ako nagkamali sa bagay na iyon tungkol sa'yo."
"Hindi ko alam ang sasabihin ko. Samantalang ako ay nahulog lang dahil sa angkin mong ganda at ang mga mata mong punong-puno ng emosyon na hindi ko kayang ipaliwanag."
"Ang dami mong napapansing kakaiba."
"May mali ba?"
"Wala, ipagpatuloy mo iyan ngunit sana sa susunod may mas malalim ka ng dahilan kung bakit nagustuhan mo ako."
"Oo naman, pagdating ng araw na iyon. Hindi lang rason ko ang malalim kundi pati na rin ang nararamdaman ko sa'yo, Destiny."
Ang corny pero heto ako at kinikilig sa mga binitawan na salita ni Reeve. Naiiling na lang ako at nagpipigil na ngumiti.
"Sige na, uuwi na ako. Kailangan ko pang bumalik sa ospital para puntahan si Lola."
"Sana gumaling na siya."
"Sana nga." Napalitan ng kalungkutan ang hangin sa pagitan namin.
Napabuntong-hininga si Reeve.
"Babalikan ko na iyong mga kaibigan ko sa loob. Ingat ka. Dadalaw ako sa ospital bukas."
Napatango ako. Hinatid pa ako ni Reeve sa taxi bago bumalik sa loob ng coffee shop. Napangiti na lamang ako at may kung anong gumaan sa dibdib ko at para akong nabunutan ng tinik.
Tiningnan ko ang petsa sa kalendaryo ng cellphone na hawak ko.
September 7, 2019
Ang araw kung kailan nasabi ko kay Reeve na may pag-asa kami. Ang araw kung kailan sinubukan kong makawala ang sinisigaw ng dibdib ko at muling magtiwala sa tadhana. Natatakot man ako ngayon ngunit isa lang ang hiling ko, sana tama ang pinasok ko. Sana umayon ang tadhana sa aming dalawa.
Nadatnan ko si Lola na nonood sa TV ng kaniyang kuwarto. Bumati ako sa kaniya ng nakangiti.
"Destiny, kamusta ang lakad mo?" Agad na tanong niya. Agad na kumawala ang matamis na ngiti sa labi ko. Para akong isang teenager na nagdadalaga at nais magkwento tungkol sa crush niya.
"Nakausap ko na po si Reeve, La." Pag-uumpisa ko.
"Sinabi kong pwede kami. Na may pag-asa kaming dalawa kahit na medyo malabo pa ang nga bagay ngayon."
"Natutuwa akong malaman iyan, Destiny. Kalimutan mo na ang mapait na nakaraan niyo ni Gael."
Pagkabanggit ni Lola sa pangalan niya ay nawala ang ngiti sa labi ko. Maski ang simpleng pagbanggit ng pangalan nito ay nagdulot agad ng mabigat na sensasyon sa dibdib ko.
Ang pakiramdam na iyon ay sapat na para sapawan ang kaligayahan na nararamdaman ko kanina dahil ngayon alam ko na, alam ko na hanggang ngayon hindi ko pa nakakalimutan ang una. Ang lalakeng una kong minahal, si Gael.
Biglang nanumbalik sa aking alaala ang nakaraan. Ang nakaraan naming dalawa na sa kabila ng masasayang alaala ay tinabunan iyon ng malaking pagkakasala.
February 18, 2017
Ito ang araw na magcecelebrate sana kaming dalawa ni Gael ng monthsarry namin. 1 year and 5 months na kaming dalawa. Napakabilis talaga ng araw kapag ang taong mahal mo ang lagi mong kasama.
Ang araw na ito ay dapat sana na mapupuno ng surpresa. Rinig ko ay matagal ng pinagplaplanuhan ni Gael ang magpropose sa akin. Kakatapos ko pa lang ng kolehiyo at isang taon pa lang ang nakakalipas ng magturo ako ngunit si Gael, siya ang lalakeng alam ko na para sa akin kaya kung hihilingin niya ang kamay ko, agad kong ibibigay sa kaniya ang matamis kong 'oo'.
Ngunit ang araw na iyon ay napalitan ng kasindak-sindak na surpresa. Isang babaeng nag-ngangalang Adalia ang nagpakilala sa akin upang sabihin na may nangyari sa kanila ng nobyo ko.
Hindi ko alam ang reaksiyon ko sa sinabi niyang iyon. Natulala ako at hinayaang ang pagsikip ng dibdib ko ang wumasak ng puso ko. Hindi ako makahinga. Ang bigat sa pakiramdam at nakakasakal parang isang bomba na nilagay sa puso ko na kapag sumabog, wala na. Tapos na.
Masakit malinlang ng taong mahal mo. Nakakaloko at nakakasira ng ulo. Ang pagkumpirma ni Gael ng panloloko niya sa akin ang nag-udyok na maging malamig ako sa pag-ibig. Ang panloloko niyang hindi ko makakalimutan. Linason niya ang pagtingin ko sa pag-ibig at para sa akin ay wala ng saysay pa ang salitang iyon kung hindi din naman kayang patunayan ng taong nagsabing mahal ka.
Ang araw na iyon ang paghihiwalay namin ni Gael. Kailanman ay hindi ko na hihilingin pa na magkrus ang landas naming dalawa.