Destiny.
Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay naninibago ako. Imbes na matuwa ako na hindi ko nakikita si Reeve, nalukungkot ako. Ang bigat ng dibdib ko at hindi mapakali.
"Destiny." Napatigil ako sa ginagawa kong pagtipa sa laptop ko nang magsalita si Lola. Nasa ospital pa rin kami dahil kasalukuyan pa rin na inoobserbahan ang kalagayan niya. Hiling ko lang talaga ngayon ay bumuti ang lagay ni Lola dahil kung hindi, natatakot pa rin ako.
"Bakit po?"
"Hindi pa rin bumibisita si Reeve dito?" Nagtatakang tanong niya. Bigla kong iniwas ang tingin ko sa kaniya at muling bumalik ang paninikip ng dibdib ko nang marinig ko pa lamang ang pangalan niya.
Agad nanumbalik sa akin ang araw kung kailangan ako mismo ang nagsabi sa kaniya na lumayo siya sa akin. Napabuntong-hininga na lamang ako bago nagsalita.
"Ako ho mismo ang nagsabi sa kaniya na huwag na siyang dumalaw."
"Bakit iha? May nangyari bang hindi maganda sa pagitan ninyo ni Reeve?"
"Wala po. Ayoko lang."
Kumunot ang noo ni Lola sa naging sagot ko. Siguro ay iniisip niya na napakababaw ngdahilan ko at nagmumukha akong malditang babae na nagpalayas kay Reeve. Lihim akong ngumiti nang mapait. Noong una kaming nagkita ay halos ipagtabuyan ko lang rin siya. Ang sama naman ng una at huli naming pagkikita.
"Hindi ko gusto ang rason mo, Apo. May gusto ka bang sabihin sa akin? Lumapit ka dito. Itigil mo muna ang ginagawa mo at kwentuhan mo ako tungkol sa nangyayari sa buhay at puso mo."
Napakurap-kurap ako sa sinabi ni Lola. May ibig sabihin ang huling linyang sinabi nito tila pinapahiwatig na sa akin na alam nga niyang may bumabagabag ngayon sa isip at puso ko at lahat ng iyon ay patungkol kay Reeve.
Huminga ako nang malalim bago sinave ang ginagawa kong report at kumuha ng upuan at tumabi sa kama ni Lola. Inabot niya ang kamay ko. Bagamat nanlalambot pa rin si Lola ay nagawa niyang ngumiti ng sinsero sa akin upang iparating na ayos lang siya.
"La..."
"Destiny, natatakot ka ba?"
Nag-iwas ako ng tingin mula sa kaniya kasabay ng pagtibok ng puso ko na tila may bumabagabag. Mabilis ang t***k at bahagyang kinakabahan. Sa isang tanong lang ay may isang tao na rin na rumehistro sa utak ko. Si Reeve.
"Natatakot ka nga." Siguradong sambit nito at binitawan ang kamay ko upang hawakan ang pisngi ko at ipaharap sa kaniya. Wala akong nagawa kundi titigan siya at nanlalambot sa paraan ng pagtingin niya sa akin na tila isa akong kaawa-awang bata na naliligaw muli ng landas.
Naligaw naman talaga ako. Niligaw ako ng unang pag-ibig sa direksiyon na kung saan iniwan niya ako sa ere at nakalimutan ko na kung paano nga ba muli ang magmahal ng walang pangamba. Gusto kong isisi ang lahat sa kaniya. Kung hindi ko siya nakilala ay hindi ako magkakaganito. Napakarami ko ng pinagdaanan sa buhay ko. Maraming taong malapit sa puso ko ang nagwasak na ng puso ko. Basag-basag na kung tutuusin. Natatakot ako na ang taong bubuo sa akin ay masasaktan lang. Para siyang isang tao na humawak ng pira-pirasong parte ng basag na baso at kaunting pagkakamali ay masasaktan ko siya.
Bigla na lamang pumatak ang luha sa mga mata ko. Yumuko ako at itinago ang mukha ko sa pagitan ng dalawang palad ko.
"Destiny," Pagbanggit nito ng pangalan ko. "Ikaw si Destiny. Ang apo ko na isinunod sa tadhana ang pangalan. Mukhang matapang ngunit basag-basag sa kaloob-looban. Hindi ko kayang iwan ka. Natatakot ako na alamin ang nakatadhana sa hinaharap mo."
Mas lalo akong nanghina sa sinabi niya. Ayoko na. Ayoko na maging mahina ngunit bakit ba ganito ako? Kahit anong pilit ko na maging malakas ay nanghihina pa rin ako. Pilit akong nagpapakatatag ngunit ang pundasyon ng lahat ng iyon ay isang napakarupok ng dibdib na meron ako.
"Lola, hindi ko na po ata kayang mahulog sa isang lalake ulit. Hindi ko pa po gusto na mahulog ngunit dumating si Reeve sa panahon na kung kailan hindi pa ako handa."
Napailing si Lola Rosita sa sinabi ko. "Hindi pinapaghandaan ang pag-ibig, Destiny. Katulad ng pangalan mo, nakatadhanang magtagpo kayo sa hindi inaasahang pagkakataon. Dumarating ang pag-ibig na parang isang magnanakaw. Hindi mo mapaghahandaan ang oras ng pagdating niyang iyon. Hindi mo din mamalayan na nahulog ka na pala sa patibong ng pag-ibig at sa oras na mabigo ka, manlulumo ka na lang... masasaktan at manghihinayang ngunit tatayo muli para magsimula ng panibago hanggang sa mahanap mo ang taong katapat mo."
"Hindi ko hiniling ito."
"Walang may gusto ngunit kung andiyan na, bakit hindi mo subukan at bigyan siya ng tiyansa?"
"Para ano, La? Para masaktan ulit?"
"Hindi pare-parehas ang mga lalake. Hindi porque nabigo ka ng unang binatang inibig mo ay bibiguin ka na rin ng pangalawa. Paano mo mahahanap ang para sa'yo kung hindi mo bubuksan ang puso mo?"
Pilit kong sinisiksik sa utak ko ang mga sinasabi ni Lola Rosita. Sa lahat ng bagay ay tunay na may punto siya.
"Si Reeve, hindi siya mahirap na gustuhin. Matagal na akong may paghanga sa kaniya Lola. Habang tumatagal din na magkasama kami ay naiisip ko na mabuti siyang tao at maalaga. Ang lalakeng tulad niya ang lalakeng tipo ko ngunit maraming 'what ifs' sa akin."
"Hindi masama kung mahuhulog ka nga sa kaniya, Destiny. Subukan mo lang ulit."
"Mahihintay niya kaya ako, La?"
Sumilay ang isang matamis na ngiti sa labi ni Lola dahil sa tanong ko. Bahagyang nanunukso iyon kaya napanguso din ako.
"Mahihintay ka niya kung tunay ka niyang mahal, Apo. Ang pag-ibig ay hindi naman minamadali eh."
Gumaan ang loob ko sa sinabi niya. Natutuwa ako na nasabi ko kay Lola ang dinidibdib ko nitong mga nakaraang araw. Para akong nabunutan ng tinik dahil sa mga pangaral niya sa akin.
"Susubukan ko po, Lola."
Hinaplos niya ang buhok ko. "Magpakatatag ka, Apo ko. Kahit sirang-sira ka na, buoin mo ang sarili mo. Sikapin mo na ang tadhana ay umayon sa'yo."
Pilit akong ngumiti. Tadhana ang aayon sa akin? Paano? Tadhana nga rin ang sumira ng buhay ko. Tinadhana din na mawalay ako sa parents ko at maiwan kay Lola. Tadhana na lokohin ako ng ex ko bago ang nakatakda sana na pagpro-propose nito sa akin.
Kinabukasan ay dumaan ako ng coffee shop. Sobrang kinakabahan ako ngunit kasabay niyon ay ang pakiramdam na nasasabik ako na muling makita si Reeve.
Mag-isa ko lang at nakaupo ako seat for the singles, isa sa pakulo ng #WalangForever143. Maya-maya lang ay tumungtong na sa maliit na entablado ang banda ng The Harmony.
Natulala ako dahil bagong gupit si Reeve bukod doon ay kaagaw-agaw pansin ang pagpapalit niya ng kulay ng buhok niya. Dark brown na iyon at sadiyang bumagay sa kaniya. Mula sa upuan ko ay rinig ko pa ang impit na kilig at bulungan ng mga babae dahil sa pagdating ng banda.
Kumpleto silang lima. Bumuntong-hininga si Reeve sa harapan ng mikropono. Ang bigat niyon at randam na ramdam ko.
"This song is dedicated again to her."
Biglang tumugtog ang kantang 'Hindi tayo pwede by The Juans' at nagsimula ng kumanta si Reeve.
"Pilit nating iniwasan
Ganitong mga tanungan
At kahit 'di sigurado
Tinuloy natin ang ating ugnayan"
Tumibok ng mabilis ang puso ko sa lamig ng boses niya at punong-puno iyon ng emosiyon.
"Ngayo'y naubos na'ng kwentuhan
Nagsimula nang magsisihan
Lahat ay parang lumabo
Hindi alam kung sa'n tutungo"
Nakapikit siya habang kumakanta. Kumibot ang labi ko habang nakatitig sa kaniya at inaasam na magtama muli ang paningin naming dalawa.
"Sabi ko na nga ba
Dapat no'ng una pa lamang
'Di na umasa
Di naniwala"
"Hindi tayo pwede
Pinagtagpo pero 'di tinadhana
Hindi na posible
Ang mga puso'y huwag nating pahirapan
Suko na sa laban
Hindi tayo pwede"
Hindi ko maiintindihan ngunit naninikip na ang dibdib ko sa mga linyang binibitawan niya. Paanong hindi itinadhana? Bakit hindi pwede?
"Ohh oh oh
Kay bigat na ng damdamin
Bakit di pa natin aminin
Dahil sa una pa lamang
Alam nating wala tayong laban
Sabi ko na nga ba
Dapat no'ng una pa lamang
Dina umasa
Di naniwala"
Tumulo na ang luha sa mga mata ko. Hindi ko kaya.
"Hindi tayo pwede
Pinagtagpo pero 'di tinadhana
Hindi na posible
Ang mga puso'y huwag nating pahirapan
Suko na sa laban
Hindi tayo pwede
Hindi tayo pwede dahil una pa lang
Alam naman nating mayroong hangganan
At kahit ipilit, hanggang dito na lang
Dito na lang
Hindi tayo pwede
Pinagtagpo pero 'di tinadhana
Hindi na posible
Ang mga puso'y huwag nating pahirapan
Suko na sa laban
Hindi tayo pwede"
Tumigil sa pagtibok ang puso ko nang magtama ang paningin namin. Malamig ang mga mata ni Reeve na nakatingin sa akin at muling sinambit ang huling linya ng kanta.
"Hindi tayo pwede"