CHAPTER 10

430 Words
MABILIS lumipas ang oras kaya lunch break na. Pagkalabas ko ng classroom nadatnan ko yung taga bantay ko. Napairap na lang ako ng palihim at naunang naglakad hanggang sa madaanan namin si Nate. Napatingin ito sa akin kaya ngumiti ako, ngumiti din ito pabalik sa akin. "Kakain ka din ba?" Tanong niya. Tumango ako. "Oo, alam mo na gutumin ako." Natatawang sabi ko. Buti na lang same course kami pero hindi kami magkaklassi. Napatawa ito. "Let's go, Kain tayo sa usual na kainan natin." Anyaya nito. Tumingin ako kay Mitsuki, "Kakain lang kami sa Itallian's." Sabi ko. Tumango ito. "Okay, Ma'am. Hintayin ko na lang ako sa labas ng Itallian's." Hindi na ako sumagot at humawak na lang sa braso ni Nate saka naunang naglakad hanggang makarating kami sa Itallian's. BAILEY Kasalukuyan akong nagbabasa ng files, bigla akong napatingin sa orasan. Lunch time na. Naisip ko bigla si Chiara, kumain na kaya siya. Sumakto naman tumunog yung phone ko. Si Mitsuki ang tumatawag. "Why?" Bungad ko matapos kong sagutin ang tawag niya. "May kasama si Ma'am Chiara, Boss." Saad nito. "Lalake o babae?" Seryosong tanong ko. "Lalake." Sagot nito. Parang biglang dumilim ang paningin ko dahil sa narinig ko. Napahigpit ang hawak ko sa ballpen. "Okay, bye. Sabihin mo kay Chiara na maguusap kami pagkauwi niya." Sabi ko bago ibinaba yung tawag. CHIARA PAGKAUWI ko nadatnan ko si Bailey na nakaupo sa sala. "A–ang aga mo naman." Gulat na saad ko. Napatingin ito sa akin. "Seat beside me." Utos nito. Tumalima naman ako at umupo sa tabi niya, humarap ito sa akin. "You're with that guy, again?" Napatahimik ako at napayuko. "Answer me, woman." Tumango ako. "Yes." Mahinang sagot ko. Alam ko na narinig niya ako. "Damn!" Mura nito. Napapikit ako. "S–sorry." Paumanhin ko. "Look at me." Utos nito. Tumingin naman ako sa kaniya. "Why? Why you still with that f*****g guy?" Matigas na tanong nito. Nanginginig na humawak ako sa kamay niya. "I'm sorry, me and nate are just f–friends." "Can you just find a woman to be your friend? Not a f*****g guy." "Madami naman akong babae na kaibigan, and I have 4 guy friends." Bumugtong hininga ito. "Fine, change your clothes." Tumayo na ako. "I am sorry.." Iyon na lang ang sinabi ko. "For what?" Kasi may balak na akong takasan ka. "Wala lang." Umakyat na ako papunta sa itaas saka dumeretso sa kwarto namin. Namin.. Pumunta ako sa closet namin saka ako nagpalit ng damit. Pagkatapos pabagsak akong humiga sa kama saka pumikit. Pakiramdam ko sobrang pagod ang katawan ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD