Habang abala kami ni Cassiel sa pagkain, nagkakasalubong pa ang tingin namin paminsan-minsan—parang may sariling mundo. Ang bango ng pagkain, ang lamig ng aircon, at ang presensiya niyang nakaupo sa harap ko ay sapat na para makalimutan ko kung nasaan kami.
Pero bigla, sa di-inaasahang sandali, isang babae ang humampas sa eksena.
PAK!
Ramdam ko agad ang sakit sa anit ko nang hilahin ng isang malalakas na kamay ang buhok ko mula sa likod.
“Arayyyy!” sigaw ko, hindi na napigilan ang luha sa gulat at sakit. Nahulog ang tinidor ko sa mesa, kumalabog pa sa pinggan.
Lumingon ako sa likod at nakita ang isang babae—maganda, mestiza, mapuputi ang kuko at nakasuot ng fitted na pulang dress na parang sinadya talagang pansinin. Pero hindi ang ganda niya ang bumungad sa akin kundi ang apoy sa mga mata niya.
“He’s mine, you b***h!!” sigaw niya na halos umalingawngaw sa buong meal deck.
Napatayo si Cassiel sa gulat, mabilis akong inilapit sa kanya at pinagitnaan kami ng katawan niya. “Kyla, ano bang pinaggagagawa mo?”
“’Wag mo akong Kyla-Kyla d’yan, Cassiel!” galit na sagot ng babae habang lumuluha ang mascara niya. “Sinabi mo noon na ako lang! Ako lang ang gusto mo!”
Ang mga tao sa paligid ay napatigil—nangangaligkig ang mga kutsara, ang ibang guest ay hawak na ang phone, nagvi-video. Ang mga staff ay tila di alam kung lalapit ba o hindi.
“Grabe ka! Ilang buwan lang akong nawala sa Europe, pagbalik ko may bago ka na agad?! Ganyan ka ba kababa ang respeto sa pinagsamahan natin?!”
“Stop it, Kyla,” madiin ang boses ni Cassiel ngayon, malamig pero halatang pigil ang galit. “Wala tayong relasyon. We ended things. You know that.”
“Ended?!” tili ni Kyla, sabay hampas ng bag niya sa mesa. Tumalsik pa ang tinidor sa kape, at nabasa ang menu.
“Hindi ko matatanggap ‘to!” halos mangiyak siya sa galit. “You replaced me with some… cheap-looking tramp?!”
Napatayo na rin ako. “Excuse me?” malakas ang boses ko, nanginginig sa adrenaline. “Anong sabi mo?”
“You heard me,” irap niya. “Sinabihan na kita—layuan mo ang lalaki ko.”
Tiningnan ko si Cassiel. “Lalaki mo? Bakit, sayo ba siya ngayon?”
Natahimik siya saglit.
“Exactly,” dugtong ko. “Kung ikaw ang iniwan, tanungin mo ang sarili mo bakit. Huwag mo akong sabunutan nang parang kabit ka at ako ang asawa.”
“Putangina mo!” sigaw niya, muli siyang aatake pero hinarang na siya ni Cassiel.
“ENOUGH!” sigaw ni Cassiel, halos gum echo ang boses niya sa paligid.
Tumigil si Kyla. Halatang nagulat sa lakas ng sigaw ni Cassiel.
“Magsitigil ka na, Kyla. This is over. Huwag mong dalhin dito ang drama mo. Hindi ka welcome sa trip na ‘to kung ganyan ka.”
Nanginginig ang labi ni Kyla, at biglang bumalot ang katahimikan. Isang iglap, naglakad siyang palayo—mataas ang ulo, pero kita ang panginginig ng balikat niya.
Napahinga si Cassiel ng malalim, tapos tiningnan ako. “Are you okay?”
Hinawakan ko ang buhok ko, inayos ang gulo, at tumango. “Mukha bang okay?” pabirong sabi ko, pero halata ang tensyon sa katawan ko.
“Sorry,” bulong niya. “I didn’t expect her to show up.”
“Ganyan ba lahat ng ex mo?” tanong ko habang naupo muli.
“Hindi lahat… pero siya, special case.” Tumingin siya sa akin ng diretso. “And now I know—never again.”
Ramdam ko ang bigat ng lahat ng mata na nakatutok sa akin. Ang mga bulungan, hindi na nila pinipilit itago.
“'Yun ba 'yung sinabunutan?”
“Grabe, parang eksena sa teleserye.”
“Mukhang siya nga 'yung bagong babae ni Cassiel…”
Parang pinipiga ang puso ko sa bawat salitang lumalampas sa pandinig ko. Unti-unti kong tiningnan ang sarili ko—ang laylayan ng damit ko ay may mantsa ng inumin, may konting sauce pa sa gilid ng braso ko, magulo ang buhok ko, at malamang may pulang marka pa sa leeg ko kung saan nagngitngit si Kyla kanina. Para akong batang nahuli sa gitna ng gulo, at ngayon ay pinagtitinginan ng buong mundo.
Napakagat ako sa labi habang pinipigil ang luhang gustong tumulo. Hindi ko kaya 'to. Hindi rito. Hindi ngayon.
Agad akong tumayo mula sa mesa, hinila ang bag ko, at walang paalam na tinakasan ang lahat.
Tumakbo ako palabas ng meal deck, papunta sa hallway na nagdudugtong sa mga suites. Mabilis ang t***k ng puso ko, at parang nawawala ako sa sarili. Pilit kong nilulunok ang kirot sa lalamunan at ang nakakabinging katahimikan sa loob ko kahit punô ng bulong ang paligid.
Hanggang sa...
Hanggang sa... hanggang sa may..
may...
mayy..
Pak!
Pak!
May nabangga akong matigas na bagay—isang katawan.
Napaatras ako at napabitaw sa bag na hawak ko. Sa pagkagulat, halos matumba ako pero may mga kamay na sumalo agad sa akin, magaan ngunit matatag.
“Are you okay?” tanong ng isang boses—mababang tono, kalmado, may halong pag-aalala. Nakita ko rin ang pagtingin niya sa maduming suot ko.
Napatingin ako.
Tiningnan ko siya, hindi ko naman mapigilang mapaluha. Siya yung lalaki, yung lalaki kagabi na sinipa ko sa may bayag.
Hindi ko agad nasagot. Nakatitig lang ako sa kanya habang pinipilit ibalik ang boses ko sa lalamunan.
Bumagsak ang katahimikan sa pagitan naming dalawa.
Pero sa likod ng maamong mga mata niya ay may kakaibang lalim. Para bang, sa isang iglap, napalitan ang mundo kong gumuho ng isang presensiyang hindi ko inaasahan.
At sa paningin niya—walang bulungan, walang panghuhusga. Tanging tanong lang:
"Are you okay?"
Hindi ko na nasagot.
Tumango lang ako nang marahan, pilit pinapawi ang pagkapahiya sa mata ko.
At doon… nagtapos ang araw na ito—isang araw na nagsimula sa init, nasundan ng sabunutan, at ngayon ay tinuldukan ng isang tanong mula sa isang estrangherong tila may tahimik na bagyong dala.
Tahimik pa rin ako habang pinupulot ang bag na nahulog ko sa sahig. Nanginginig pa rin ang mga daliri ko—hindi ko alam kung dahil sa kahihiyan kanina o sa presensya ng lalaking kaharap ko ngayon.
“Are you okay?” tanong niya muli, mas banayad na ngayon, pero ramdam ko ang pag-aalala sa boses niya.
Tumingala ako. Naaaninag ko pa rin ang mukha niya sa ilalim ng mga ilaw ng hallway—matangos ang ilong, may mapagmatyag na mga mata, at bahagyang nakakunot ang noo. Hindi siya umaalis sa pagkakatayo, tila inaalala kung kailangan ko ng tulong.
At doon ko siya naalala.
Nanlaki ang mga mata ko. Napaatras ako ng bahagya habang hinigpitan ang hawak ko sa bag. s**t. Siya ‘yon.
“Ikaw yung sinipa ko sa bayag kagabi papuntang s*x hole, ‘di ba?” sunod-sunod kong tanong. Inalala ko yung nangyari na nabangga niya ako s nun pero may kasama siyang dalawang lalaki kaya nasipa ko siya dahil mayabang siya sa mga Oras na yun. Pero nagkita nanaman kami ngayon, and worse nakita niya akong ganito Ang hitsura. “Bakit mo ako nilalapitan? Sinaktan kita, ‘di ba?”
Bahagyang napailing siya, saka ngumiti—hindi yung nakakatawang ngiti, kundi ‘yung tipong may lungkot sa gilid.
“Because you’re conscious now,” sagot niya, kalmadong-kalmado. “And I don’t want to see you that way.”
Natigilan ako. Napalunok ako ng marahan habang tinititigan siya. Wala siyang bakas ng galit o inis sa mukha. Walang sarcasm. Wala ring anuman na mukhang nagrereklamo siya sa sakit na tinamo niya mula sa akin. Bagkus, ang nakita ko… ay tunay na malasakit.
Nagbuntong-hininga siya, saka tumingin sa paligid, bago muling ibinalik ang tingin sa akin.
“You were out of your mind last night. You were drunk. And scared. And I was just… at the wrong place. But I don’t blame you.”
Tahimik ako. Pinipilit kong hanapin ang tamang sagot pero ang lalamunan ko’y tuyong-tuyo. Hindi ko alam kung ano ang mas nakakahiya—ang eksena kanina sa meal deck o ang pagkakaalalang sinaktan ko ang lalaking ngayon ay nakatitig sa akin nang may pag-unawa.
Hindi ako lasing nun. Mapagkakamalan ba talaga akong lasing dahil sa inasal ko nun? Grabi hindi ko akalain na lasing pala ako tingnan nung sinipa ko siya.
“You don’t have to say sorry,” dagdag pa niya. “But next time, maybe don’t kick a stranger in the balls unless he really deserves it.”
Napahagalpak ako sa tawa, kahit pa may luha pa sa gilid ng mata ko.
“Sorry,” mahinang sabi ko, sa wakas. “And thank you… for checking on me. Kahit alam mong ako ‘yung dahilan ng sakit ng linggo mo.”
Umiling siya, ngumiti ng mas totoo ngayon.
“Just glad you’re okay.” Sabi niya "Tsaka wala namang masamang umiyak diba? Nasaktan ka kaya dapat iiyak mo yan. Pero hindi lang ako sanay, sa totoo lang."
Tahimik kaming naglakad sa corridor. Hindi ko man alam kung anong eksaktong papel niya sa barkong ito, pero isang bagay ang malinaw:
May kakaiba sa taong ito. At sa kabila ng lahat ng gulo, isang koneksyon na naman ang unti-unting nabubuo—hindi sa init, kundi sa kabutihan.
Author's Note
Thank you for reading!! if nagtataka kayo bakit pinuputol ko yung chapters, may dahilan kasi ako kaya secret na muna HAHAHAHHAHAHA yun lang po, sana hindi ito maging dahilan para maputol ang pagbabasa niyo. See you!!