Akala ni Cassandra ay katapusan na niya. Akala niya ay hindi na niya makikita pa ang kaniyang mga kapatid. Malaki ang kaniyang pasasalamat at dininig ang kaniyang panalangin. "Cass, pasensiya ka na sa ginawa ni Yvonne. Ako na ang humihingi ng tawad sa mga pinaggagawa niya sa'yo," ani Zander sa kaniya ng makaalis na si Donya Amanda. "Pare, bakit ikaw ang humihingi ng tawad? Wala kang kasalanan dito," wika ni Hubert sa kaibigan. "I know, Bro. Pero kilala mo si Yvonne. Hindi 'yan hihingi ng tawad kahit na ano man ang mangyari. She's full of pride," paliwanag ni Zander kay Hubert. "Huwag na po kayong mag-away," sabad niya saka nagsimula na siyang maglakad. Nais na kasi niyang makapagpalit ng damit dahil sa nagsisimula na siyang lamigin. "Cass, I know na galit ka. Pero pakiusap, 'wag m

