Muli siyang nagtungo sa kuwarto ni Cassandra. Pagpasok niya ay nakita niyang nakaupo na ito sa kama. "What's wrong?" kaagad na tanong niya rito saka mabilis itong nilapitan. "Pupunta sana akong CR," sagot nito sa kaniya. Inalalayan niya itong makatayo saka isinuot niya rin ang tsinelas sa mga paa nito. "Salamat!" wika nito sa kaniya. "Halika na at ihahatid na kita," sabi niya rito ngunit tinanggihan siya ng kasintahan. "Kaya ko na ang sarili ko," mahina ang boses na sabi nito sa kaniya. Hindi na niya ipinilit ang sariling kagustuhan. Huminga na lamang siya ng malalim saka naupo sa sofa at isinandal niya ang kaniyang katawan. Gusto niya munang ipahinga ang sarili dahil pakiramdam niya ay sasabog na ang kaniyang ulo. Kanina pa kasi iyon kumikirot ngunit hinahayaan na lamang niya

