Chapter 5

1758 Words
"Kapit ka lang, ha? Wala pa ito sa hirap na mararanasan mo. Magtiis ka lang, Cassandra," payo sa kaniya ni Manang Meding. "Opo, Manang, kakayanin ko po," wika niya na bahagya pang ngumiti. "Halika na at magluluto na tayo ng almusal. Tulungan mo muna ako para mapabilis at may lakad pa si Sir," sabi nito sa kaniya. Nang makapagluto na ay magkasama rin sila ni Manang na nagtungo sa dining area. Inilapag nila sa mahabang mesa ang niluto nilang almusal para sa mga amo. "Dito ka muna at tatawagin ko lang sila," bulong sa kaniya ni Manang. Tumango lamang siya at pagkaalis nito ay iginala niya ang kaniyang paningin. "Napakalaki naman nito para maging kainan," sabi niya sa kaniyang sarili. "Anong tinitingin-tingin mo riyan?" mataray na tanong sa kaniya ni Yvonne nang madatnan siya nito. "Pasensiya na po kayo, Senyorita. Nagagandahan lang po ako rito sa bahay niyo," magalang niyang sagot dito. "Malamang! Siguro nga ngayon ka lang nakaapak sa mansiyon," tugon nito na nakataas pa ang isang kilay. Naupo na si Yvonne sa hapag at muli siyang tinawag nito. "Bigyan mo nga ako ng tubig," utos nito sa kaniya. "Okay po," sagot niya. Kinuha niya ang baso nito sa harapan saka nilagyan ng tubig. Nang malagyan na niya iyon ay ipapatong na sana niya sa mesa ngunit tinabig nito ang kaniyang kamay. Bumagsak naman sa sahig ang baso at nabasag. "Ano ba? Unang araw mo pa lang nagbabasag ka na?" bulyaw nito sa kaniya. "Pasensiya na po. Hindi ko po sinasadya," halos mangiyak-ngiyak niyang tugon. "Anong pasensiya? Ang sabihin mo tatanga-tanga ka. Ano pa ang hinihintay mo? Gusto mo ako pa ang magliligpit niyan?" galit na sigaw sa kaniya ni Yvonne. Dinampot niya isa-isa ang malalaking piraso ng mga bubog ngunit aksidenteng nasugatan ang kaniyang daliri. "Aray!" impit niyang hiyaw nang maramdaman ang kirot. Pakiramdam pa niya ay namutla siya nang makita niyang dumudugo ang kaniyang daliri. "Anong kaguluhan ito?" malakas ang boses na tanong ni Don Manuel pagkababa ng hagdan. Kasunod nito ang isang guwapo at matangkad na lalake, kaniyang asawa at si Manang Meding na kaagad siyang nilapitan nang makita ang dumudugo niyang kamay. "Ito po kasing bago nating katulong nagbasag na po kaagad ng baso," sumbong ni Yvonne sa ama. "Pasensiya na po, Sir. Hindi ko po sinasadya," tugon niya habang nakayuko at hawak ang dumudugong daliri. "Manang, ano ba itong dinala niyong katulong? Unang araw pa lang baso ang nabasag. Baka kapag tumagal ito eh, maubos na ang gamit dito sa bahay," inis na sabi ni Donya Amanda. "Magsitigil na kayo. Manang, samahan mo muna si Cassandra at nang malagyan ng gamot ang kamay niya," sabi ni Don Manuel kay Manang Meding. "Umupo na kayo at kumain na tayo," utos naman nito sa ibang kasama sa bahay. Nagsitahimik ang lahat. Niyaya naman siya ni Manang sa kusina at kaagad na hinugasan ang kaniyang sugat. "Manang, hindi po talaga ako ang nagbasag. Tinabig niya po ang kamay ko," sabi niya rito habang umiiyak. "Alam ko kaya tahan na. Maldita talaga iyang si Senyorita Yvonne kaya walang nagtatagal na katulong dito. Hindi lang yan makapalag sa akin kaya nakatagal ako rito," sabi sa kaniya ni Manang. "Pero magtiis ka pa, ha? Sila lang naman ni Donya Amanda ang masungit dito pero si Don Manuel at Zander ay mababait," sabi pa sa kaniya ni Manang. "Kakayanin ko po lahat, Manang. Kakayanin ko po," puno ng determinasyon niyang sabi at pinunasan na niya ang kaniyang mga luha. Nilagyan ni Manang ng gamot at benda ang kaniyang sugat. Mabuti na lang at mababaw lang iyon at hindi naman masyadong makaapekto sa kaniyang pagtatrabaho. "Halika na at baka may mga kailangan pa sila roon. Kailangan mo ring matuto kung paano magsilbi sa kanila para sa susunod eh, ikaw na ang gumawa," sabi sa kaniya ni Manang. Pagbalik nila sa dining area ay parang walang nangyari dahil nagtatawanan na ang pamilya ngunit nakita niyang pinagtaasan siya ng kilay ni Yvonne nang makita siya nito. "Huwag mo ng pansinin ang bruha na iyan, Cassandra. Insecure lang 'yan sa ganda mo kaya nagkakaganiyan," sabi ng kaniyang isipan. "Swerte lang niya at hindi na ako ang dating Cassandra Rivera dahil kung hindi kanina ko pa nginudngod ang mukha niya sa sahig," sabi niya sa kaniyang isipan. "Well, guys I have a good news for you," masayang sabi ni Donya Amanda. "What is it, Mom?" excited na tanong ni Yvonne sa ina. "Amor called me and sinabi niya na pinapayagan na niya si Hubert na dumito muna sa Isla para may makatulong sa negosyo ang iyong Kuya at Daddy," sagot ng ina sabay tingin ng makahulugan sa anak. "Really? OMG I'm so excited," hindi makapaniwalang sabi ni Yvonne na tila kinikilig. 'May gusto siguro siya sa Hubert na iyon kaya kulang na lang ay maihi siya sa kaniyang panty," komento ni Cassandra sa kaniyang sarili. "Kelan ang dating niya?" seryoso ang mukha na tanong ni Don Manuel. "Sa susunod na araw, Sweetheart," malambing na sagot dito ni Donya Amanda. "Manang, paki-ready na rin ang guest room, ha? Pagkatapos naming kumain ay pagtulungan niyong dalawa ni Cassandra at make sure na bago ang lahat ng gamit na naroon. Ayokong mapahiya sa unico hijo ni Amor," bilin nito kay Manang na nasa kaniyang tabi. "Opo, Senyora," sagot ni Manang. Ilang sandali lang ay nagpaalam na si Don Manuel na aalis na at pupunta ng Las Palmas kung saan naroon ang iba pa nitong mga negosyo. Sumunod na rin dito ang panganay na anak na si Zander. Naiwan ang mag-ina na patuloy pa ring nagkuwentuhan tungkol sa paparating na bisita. "Mommy, kailangan na nating pumunta sa Las Palmas. Medyo dry na ang hair ko pati ang skin ko. Kailangan ko ng magpa-salon at derma," maktol nito sa ina na parang bata. Sa pagkakalam ni Cassandra ay bente sais na ito kaya bahagya siyang napangiti sa naging ugali nito. "Of course, Hija. Magpapahatid tayo sa chopper mamaya. Tatawagan ko na ang paborito nating salon pati na rin ang derma clinic natin. I'll make sure na sa beauty mo lang titingin si Hubert. Aba pangarap ko atang maging balae si Amor. She's my closest friend and I want Hubert to be my son in law din," pahayag ni Donya Amanda na labis na nagpasaya kay Yvonne. "I really miss him na talaga. Madalang kasi siya sumasagot sa mga tawag ko dahil palagi raw siya busy but this time I'll make sure na marami na siyang time for me," nakangiting sambit ni Yvonne na tila nananaginip pa. "We need to shop also. Baka mga old fashion na ang mga damit mo sa closet," wika ng ina rito. "Thank you, Mommy. I'm excited to go na po," ani Yvonne. "Manang, aalis kami and make sure na pagbalik namin ay maayos na ang ibinilin ko at naturuan mo na ng husto itong si Cassandra para hindi na makasira ng gamit," sabi naman ni Donya Amanda kay Manang Meding ngunit sa kaniya nakatingin. "Sige po, Senyora," tugon dito ni Manang. Bahagyang yumukod si Cassandra nang umalis na ang mag-ina. Tinulungan naman niya si Manang sa pagliligpit ng pinagkainan ng mga amo. "Ako na ang maghuhugas ng mga ito at hindi pa pwedeng mabasa iyang sugat mo. Linisin mo na lang maigi ang sahig at baka may mga bubog pang nagkalat. Tuturuan din kitang gumamit ng vaccum cleaner," sabi sa kaniya ni Manang. "Salamat po, Manang," wika niya rito. Dahil nga sa hindi sanay sa mga gawaing bahay si Cassandra ay nahirapan siya sa paggawa. Mabuti na lang at matiyaga siyang tinuturuan ni Manang at pursigido rin siyang matuto sa trabaho. Patuloy niyang iniisip kasi ang kaniyang mga kapatid na responsibilidad na niyang buhayin. "Tapos ka na ba riyan sa ginagawa mo?" tanong sa kaniya ni Manang na kagagaling lang sa kusina. Kasalukuyan naman siyang nagpupunas ng mga bintana. Wala naman gaanong dumi sa loob ng bahay ngunit palagi pa ring pinupunasan dahil nga sa estrikta si Donya Amanda. Ayaw na ayaw daw noon na makakita ng dumi. "Patapos na po ako, Manang," sagot niya. "Pagkatapos mo riyan ay sumunod ka sa akin sa taas. Lilinisan natin ang guest room," sabi sa kaniya ni Manang. "Sige po, Manang. Mauna na po kayo at susunod na po ako. Ito na lang pong huling bintana ang pupunasan ko," aniya. "Tandaan mo na ang kuwarto sa dulo ng pasilyo ang pasukin mo at hindi ang ibang kuwarto," bilin nito sa kaniya saka umakyat na ito sa napakagandang hagdan. Makalipas ang sampung minuto ay natapos na rin niyang linisan lahat ng mga bintana sa unang palapag. Inabot din siya ng halos dalawang oras sa paglilinis. Nang mailigpit na niya ang ginamit sa paglilinis ay umakyat na siya sa pangalawang palapag ng mansiyong iyon. "Grabe, meron din palang sala rito sa taas. Napakagara ng mga gamit nila. Siguradong malalaki ang mga kuwarto rito," sabi niya habang nakatingin sa paligid. Hindi niya maitago ang kaniyang paghanga. Pakanta-kanta pa siya habang patungo sa dulo ng pasilyo na sinasabi ni Manang. Iniisip niya kasi na walang tao roon maliban sa kanila ni Manang Meding ngunit muntikan na siyang mapatalon nang biglang bumukas ang isang pinto. "Anak ng palaka!" bulalas niya sabay sapo sa kaniyang dibdib. "Nagulat ba kita?" natatawang tanong sa kaniya ni Zander. "Hindi naman po gaano, Senyorito. Pasensiya na po kung naistorbo ko po kayo. Akala ko po kasi umalis din po kayo," nahihiyang sabi niya rito. "Don't worry about me, Cassandra. Lumabas ako pagkatapos kung marinig ang napakagandang boses. Ang galing mo pa lang kumanta," papuri nito sa kaniya. "Hindi naman po gaanong maganda ang boses ko pero salamat po at na-appreciate niyo," aniya. "Well, I'll take this as an opportunity to say sorry for what my sister did to you. Pagpasensiyahan mo na ang kamalditahan niya. Sana magtagal ka rito sa amin at nakakaaawa namam si Manang kapag nawalan na naman siya ng kasama. Besides, darating pa ang best friend ko at madadagdagan pa kami," sabi nito sa kaniya habang mataman siya nitong tinitingnan. "Okay lang po iyon, Senyorito. Hindi po kayo ang dapat na humingi sa aking ng tawad. Si Senyorita Yvonne po dapat pero kahit na hindi niya gagawin ay wala na po sa akin iyon. Kailangan ko rin po ng trabaho kaya magtitiis po ako at gagalingan ko po para magtagal din po ako rito," wika niya sa guwapo at mabait na amo. Habang kausap si Zander ay masaya si Cassandra dahil kahit na hindi maganda ang simula niya sa mansiyon ay napawi naman iyon kaagad dahil sa kabaitang ipinakita sa kaniya ng binatang amo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD