"Sinong kausap mo sa labas?" tanong ni Manang Meding kay Cassandra. "Ah, si Senyorito Zander po. Akala ko po kasi walang tao kaya napakanta po ako habang papunta rito," natatawang kuwento niya. "Ikaw talagang bata ka. Sige na, bilisan na natin dito at magluluto pa tayo ng tanghalian," sabi sa kaniya ni Manang na napailing na lang. Dahil sa malinis naman ang loob ng guest room ay saglit lang sila roon ni Manang Meding. "Manang, sino po iyong bisita na darating?" tanong niya rito habang naghihiwa sila ng gulay sa kusina. "Si Sir Hubert, ang anak ng kaibigan ni Donya Amanda. Best friend din siya ni Senyorito Zander," sagot nito sa kaniya. "Akala ko po boyfriend siya ni Senyorita Yvonne," wika niya na bahagya pang sumimangot nang banggitin ang pangalan ng malditang amo. "May gusto

