Chapter 8: Threat " Ano ka ba? Tumigil ka nga. Tinawagan na ni Eric si Cherry at ang sabi niya may binili lang daw 'yun sa tindahan." Napahilamos sa mukha niya si Kris. " Masama pa rin ang kutob ko eh." sabi ko ng hindi mapakali. Kanina pa ako lakad paroo't parito. Iniisip ko pa rin ang mga posibleng mangyari kung magkasama ngayon si Cherry at si Sebastian. Hindi ko alam kung bakit iyon na agad ang naisip ko, na baka magkasama sila. Ano bang nangyayari sa'kin? " I know, baka gahasain ni Cherry ang kaibigan mo." napalingon ako kay Kris and gave her a hindi-ka-nakakatulong look and she just shrugged her shoulders. Kaibigan? Napailing ako sa salitang iyon. Kahit gusto kong sabihin na hindi ko naman talaga kaibigan si Sebastian bagkus ay isang malaking plague sa buhay ko, ay hindi

