KUSANG dumilat ang mata ni Mayella nang makaramdam ng tawag ng kalikasan at sa kaniyang pagdilat kasabay ng pagsigid ng kirot sa kaniyang sentido. Hindi muna siya bumangon sapagkat pinakiramdaman niya ang kaniyang sarili at ang biglang pagsakit nito. Marahil sanhi iyon ng nainom niya kagabi. Hindi na niya alam kung ano'ng oras na siya nakatulog kagabi basta natatandaan niya na katabi niya ang nobyong natulog. Napangiti siya ng maalala ang muntikan na naman may mangyari sa kanila ng nobyo. Muntikan, sapagkat wala na naman nangyari pa dahil nauwi lang ang lahat sa pagpapatulog sa kaniya ng nobyo. Sa kanilang kasal na lamang daw dapat ang ganoon bagay. Noon lang niya napansin na wala na pala siyang katabi sa kama. Agad kumunot ang kaniyang noo dahil doon kaya nagpasiya na siyang bumangon. N

