Chapter 7

2907 Words
Mabilis na lumipas ang mga araw at laking pasasalamat ko nang matapos na ang mga exams namin. That was a hell week, sabayan pa nang panaka-nakang pagsama ng pakiramdam ko.   Sumapit ang Foundation Day ng school at lahat ng mga third year students ay nandito sa loob ng Gymnasium. Katatapos pa lang naming mag-perform bilang pang-welcome sa mga bisita kasama ang buong staffs, professors at deans ng iba’t-ibang colleges ng University. Ginaganap ang Foundation Day namin kada kalagitnaan ng Marso kung kaya’t halos lahat ng estudyante ay nakapagparticipate ngayong taon lalo na’t maluluwag na ang schedules ng iba.   Matapos ang opening remarks at kaunting intermission number ay nagbihis na rin kami. I was only wearing a black fitted crop top, revealing my navel and paired it with mom ripped jeans and white shoes. I also brought Ate Kiana’s Chanel bag with me, while on my other hand is another bag na laman ay ang mga pinagbihisan namin.   Nilibot ko ang tingin sa baba nitong second floor ng education building at halos mahilo ako sa dami ng tao sa school grounds. Samu’t-saring kulay ang makikita lalo na’t pwede nang hindi mag-uniform. Hindi lang kasi mga estudyante ng school ang nandito, kundi allowed rin ang magpapasok ng outsiders, basta may iiwan lang na I.D. sa guards.   Nagsibabaan na rin kami nina Joanne at Glency at pinaglalagay muna sa locker ang pinagbihisan naming mga damit bago nag-umpisang maglibot-libot. Bawat gilid ng building ng mga colleges ay may iba’t-ibang booth. Syempre, ang una naming nilibot ay ang sa education. Pero hindi pa man kami nakatatagal doon nang may kumuha ng atensyon ko na nagpatigil sa akin.   “Why?” napatigil rin sina Glency at Joanne sa paglalakad at sinundan ng tingin ang tinitignan ko. “Oh . . . “   It was Kelvin.   Kung noon ay naghahabol pa ito sa akin, ngayon naman ay lantaran na ang pambababae nito. Well, technically speaking, hindi na pambababae ‘to dahil wala na rin naman kami. Sadyang hindi ko lang alam kung saan kumukuha ng kapal ng mukha itong si Kelvin para ipamukha sa lahat na kaya niya akong palitan agad-agad.   “Doon na lang tayo sa iba girl, you want?” Glency’s question pulled me out of my reverie.   “Huh? Bakit?” takang tanong ko naman dito.   “If you want, lipat na lang tayo ng booth . . . baka hindi ka comfortable.” Naiilang na sabi pa ulit nito habang pasulyap-sulyap kina Kelvin.   “Why? Dahil kay Kelvin?” Napaismid pa ako nang tingnan ko ito. “Hayaan mo siya. Hindi naman ako ang gumawa ng kalokohan sa aming dalawa, ‘no?” nakataas ang kilay na sagot ko at saka nagpatuloy sa pagtingin-tingin sa mga booth na nandoon. Namili pa kami ng mga customized key chains for souvenir. Meron ding mga statement shirts na mga education students mismo ang gumawa at nag-imprenta at marami pang iba.   Sa gilid ng mata ko ay nakikita ko ang papalapit na si Kelvin. Pinagpatuloy ko lamang ang pamimili habang pinapakiramdaman ang mga ahas na papalapit sa gawi ko.   “Oh, it’s Cass.” Rinig kong sabi ni Kelvin. Para naman hindi niya masabing bitter ako, kahit hindi naman talaga, nilingon ko ito with a smile plastered on my face. Nakalingkis sa bewang nito ang kamay ng babaeng kasama niya habang siya naman ay nakahawak sa balikat nito. I just don’t know if it was the same woman on that bar.   Nakita ko pang umirap sa hangin ang babaeng kasama niya at kung ano-anong binubulong bulong. Siguro minumura ako nito.   ‘Inaano ko ba ‘to? Kanina pa irap ng irap eh.’   “I want you to meet my girlfriend, Portia.” Oh . . . Girlfriend? So it was the same woman. Mukhang alam ko na kung bakit ang sama ng tingin sa’kin. Siya ba naman mahambalos ng chain ng bag at suntukin sa mukha ‘di ba? Napahawak ako sa shoulder bag ko na siya rin palang ginamit ko noong pumunta ako sa bar noon.   Nabaling ang paningin ko sa babaeng kanina pa irap ng irap sa akin. She’s wearing a pastel pink tube top and fitted black leather skirt na hindi umaabot sa tuhod. Mas matangkad siya sa’kin ng kaunti dahil na rin sa black high heel lace boots na suot nito. Bumagay rin ang itim nitong buhok na abot hanggang balikat lang na nagpatingkad pa lalo sa maputi at makinis nitong balat.   ‘Okay . . . Ikaw na ang maganda . . . Pero mas maganda pa rin ako.’   Tipid ko lang itong nginitian, ngunit imbes na ngiti ay irap lamang ang ibinalik nito sa akin.   ‘Sarap tusukin ng mata ng singkit na ‘to eh.’   “Babe—“   “I told you not to call me that.” Mataray na putol nito sa sasabihin ni Kelvin. “Babe ng babe . . . I hate that word.” Bulong nito bago ako pukulin ng masamang tingin at irapan.   Napataas na lamang ang kilay ko sa asta ng babaeng ‘to. May problema ba siya sa’kin?   ‘Aba . . . Baka gusto niyang masuntok ulit sa mukha? Magsabi lang siya . . .’   Napabuntong hininga na lang si Kelvin bago nagpilit ng ngiti sa amin. Tinuro muna ako nito bago binalingan ang maldita at singkit niyang jowa. “This is Cass Almonte, she’s—“   “I don’t care!” Portia hissed at Kelvin, na halata namang gusto niyang iparinig sa ‘kin at sa mga kaibigan ko. “She’s nothing but a b***h!”   Napamaang ako habang nakatitig sa kanilang dalawa.   ‘Aba’t talaga . . .’   “Girl, pigilan mo ko, i-ngungudngod ko nguso nito sa quadrangle! Sino ba ‘yan? Akala mo naman ang ganda, eh mukha naman siyang color pink na highlighter pen!” bulong ni Glency na nagpatawa ng mahina sa amin ni Joanne.   “What’s funny, huh?!” nabaling ang atensyon namin sa kanya ng magtaas ito ng boses. Nagsilingunan rin ang ibang mga estudyante at naglalaro sa mga booths. Matalim ang tingin ng bruha sa amin na kung siguro’y kutsilyo iyon, baka kanina pa kami bumulagta sa kintatayuan namin. Pigil na ni Kelvin ang bewang nito at nilalayo na rin sa amin, pero ayaw paawat ng Portia na ‘to at talagang gusto yatang gumawa ng eksena.   “Hoy! Baka nakakalimutan mong teritoryo namin ‘to at dayo ka lang dito sa school namin?” maangas na sabat ni Joanne kung kaya’t dito naman nabaling ang masamang tingin ng bruha.   “Could you please not interrupt me?!” duro nito kay Joanne. “And for your f*****g information, I don’t care kung teritoryo niyo ‘to!” Saka ako binalingan. “At ikaw naman, now I know kung bakit ka pinagpalit ni Kelvin.” Hinagod ako nito ng tingin mula ulo hanggang paa at paakyat ulit. “Look at you.” A sneer is now plastered in her face, obviously mocking me. “Halatang walang alam pagdating sa kama. Marunong ka man lang bang humalik?” tumawa ito nang nakakainsulto.   My face became stoic. Marami na rin ang nakapaligid sa amin at nagbubulungan, marahil ay dahil nahaharangan namin ang ibang booth dahil sa eksena nitong babaeng ‘to. Kung wala lang talaga sa school eh, pinatulan ko na ‘to.   “Grabe girl, may mas maarte pa pala sa Ate Kiana mo, ‘no? I’ll bet your life, malakas ang kutob ko na fashion designer din ‘to. Ang arte rin eh.” Sabi ni Glency na malamang ay hindi nakaligtas sa pandinig ng Portia na ‘to. Tiningnan ko muna ito ng masama. ‘Bakit buhay ko ipupusta ng babaeng ‘to?’   “Oh, Kiana? Kiana Vega Almonte?” she said like it piques her interest. “No wonder pinagpalit ka. Nasa lahi niyo naman pala kasi . . .”   Napabuntong hininga na lang ako at napailing. ‘Why am I wasting my time with this witch anyway?’   “Let’s go.” Baling ko kina Glency at Joanne. Mas mabuti pang gamitan ‘to ng mahika ng pandededma.   Paalis na kami nang marahas akong higitin sa braso ng bruha na muntik ko pang ikatumba, kung hindi lang ako naalalayan ng mga kaibigan ko patayo ulit.   “Where do you think you’re going? We’re not done yet, b***h!”   ‘Medyo umikot ng kaunti ang paningin ko do’n ah!’   Marahas ko ring binawi ang braso ko mula sa pagkakahawak niya. “Ano ba talagang problema mong bruha ka?! Kanina pa ako nagtitimpi sa’yo ha!” Kapagkuwan ay si Kelvin naman ang binalingan ko. “Pagsabihan mo ‘tong girlfriend mo ah?! Akala mo kung sino. Oo, pinagpalit niya ako, Obvious naman ‘di ba? Pero dahil nagawa niya sa’kin ‘yon, hindi rin malabong mangyari ‘yon sayo! Tandaan mo ‘yan!” Binalingan ko ulit si Kelvin. “Ilayo mo na ‘tong babaeng ‘to sa paningin ko,” at saka ko masamang tiningnan si Portia, “at baka hindi ko ‘to matantya, maipulupot ko ‘to sa leeg mo.” Sabi ko habang mahigpit na nakahawak sa shoulder bag ko.   Inis na tinalikuran ko na ito at hindi pa man nakakahakbang palayo ay nangudngod na ang mukha ko sa semento dahil sa lakas ng pagkakatulak sa’kin, kasabay ng mga tili at pagsinghap na narinig ko. Mabuti na lang at naiharang ko ang bag ko kung kaya’t sa may bandang kaliwang tenga lang ang tumama. Medyo namingi ako nang ilang segundo dahil sa pagkakatama no’n.     Naramdaman kong may umalalay sa’kin pagtayo, pero bago ko pa man tuluyang maitayo ang mga paa ko ay tuluyan nang umikot at nagdilim ang paningin ko.     Naalimpungatan lamang ako nang may maramdamang may kumikibot-kibot sa may bandang tenga ko. Sinubukan kong imulat ang mga mata ko ngunit ipinikit ko lang ulit iyon nang tumambad sa paningin ko ang nakakasilaw na ilaw.   Inalala ko ang mga huling nangyari at naipikit ko na lang lalo ang mga mata ko nang sumagi sa isip ko ang bruhang iyon.   Sinubukan ko ulit imulat iyon, ngunit sa pagkakataong ito ay nagawa ko nang pagmasdan ang kinaroroonan ko ngayon.   “Good morning. Miss Almonte, right?” napabaling ako sa nurse na mukhang katatapos lang gamutin ang tenga ko. Tumango ako dito at muling inilibot ang paningin upang hanapin ang mga kaibigan ko nang magsalita na naman ito. “By the way, I’m Nurse Joy.” Nakangiting pagpapakilala nito. “Nasa labas ‘yong mga kaibigan mo since bawal rin ang maraming tao dito sa loob ng clinic. Kakausapin ka lang ni Doc Ysha sa office niya and then pwede ka nang umuwi. Nagamot ko na rin ang mga gasgas sa siko at tenga mo kaya you don’t have to worry na.”   Tinignan ko ang bandang siko ko at nakitang may gasgas nga doon. Lagot talaga sa ‘kin ang bruhang ‘yon pag nakita ko ulit ang pagmumukha niya! Nakakagigil eh. “Thank you po, Nurse Joy.” Inalalayan ako ni Nurse Joy na makabangon at itinuro sa akin ang office ni Doc.   Kumatok muna ako bago pumasok sa opisina ni Doctora. Pagkaupo ko ay nagsimula na itong magtanung-tanong.   “So, Miss Almonte, aside sa mga bruises na nakuha mo kanina, your body was probably burned out, that’s why you collapsed earlier. Your basal body temperature also increases, that’s why I assumed na baka nilalagnat ka lang.” nakikinig lang ako ng mabuti habang kinakapa-kapa ko rin ang sariling leeg. Medyo mainit nga. “May nararamdaman ka bang kakaiba sa katawan mo? Like, nahihilo ka ba . . . or something?”   Muli kong inalala ang mga nararamdaman ko nitong nakaraan bago bumaling kay Doc. “Yes po. madalas po akong mahilo o kaya naman po ay nagsusuka ako every morning or pag may naaamoy ako—“   “Ano bang madalas mong kainin these days? I mean, are you craving for some specific foods?” napapansin kong parang maingat ang way ng pagtatanong sa ’kin ni Doc, pero nang banggitin niya ang pagkain ay parang nanubig agad ang bagang ko at nagningning ang mga mata ko habang iniisip ang mga madalas kong kainin noong nakaraan.   “Yes po Doc.” iyon na lamang ang nasabi ko at kinagat ang pang-ibabang labi at baka maglaway na talaga ako habang nagkukwento.   “So . . . when was your last period?” napatigil ako sa tanong na iyon. Inisip ko rin kung kelan, pero nang may mabuong ideya sa utak ko ay nanlalaki ang mga matang napabaling ako kay Doc.   ‘It can’t be . . .’   Kung iisipin, dapat first week of March pa lang ay dinatnan na ako. Pero nasa kalahati na ng March, wala pa rin. The fact na may nangyari—   Naramdaman ko na lang ang malakas na pagkalabog ng dibdib ko. Hindi ko na rin maikalma ang sarili.   “Okay . . . Calm down. Don’t stress yourself. I think, you already have an idea of what is happening to you hija. But we have to be sure. You can go to an OB-gyne and have a check-up, or if you’re not ready yet, you can buy a pregnancy test.”   Tahimik lang akong umiiyak habang sapo ang mukha. Hindi ako makapag-isip ng matino. Nanginginig ang mga kamay ko at halos mabingi ako sa lakas ng t***k ng puso ko.   Marami pa itong mga sinabi at ilang minuto pa ang itinagal ko doon bago ako magpaalam. Hindi ako makapaglakad ng maayos dahil pati tuhod ko yata ay nanghihina.   “P-pwede po bang . . . ‘wag makalabas dito ‘yong t-tungkol sa sitwasyon ko?” mahinang pakiusap ko kay Doc nang pagbuksan ako nito ng pinto.   “Of course. Makakaasa ka Miss Almonte.” Nakangiting tugon nito sa akin.   “Salamat po.” Halos pabulong na lang nang banggitin ko ‘yon.   Nang makalabas ng clinic ay parang zombie akong naglakad habang sapo ang tiyan sa hindi ko malaman kung saan papunta. Naramdaman ko na lang na tumigil ako sa paglalakad at natagpuan ang sarili sa parking lot. Nanghihina akong napaupo sa sahig habang nakayuko ang ulo. Wala na akong pakialam kung pinagtitinginan na ako ng mga tao. Hindi ko alam ang gagawin ko. Sinusubukan ko pa lang intindihin lahat nang napag-usapan sa loob ay heto na naman ang mga luha ko at nagbabadya na naman sa pagtulo.   Minsan na ring sumagi sa utak ko ang posibilidad na mangyari ‘to, pero never kong in-entertain ‘yon, at minsang mamumuo pa lang ang ideyang iyon ay sinisipa ko na agad iyon palabas ng utak ko.   Hindi ko alam ang dapat na maramdaman. Napakapangit man pakinggan, pero mas matutuwa pa siguro akong marinig na may sakit ako kaya nagkakaganito ang katawan ko, kesa sa posibilidad na buntis ako.   Pansamantala lang akong tumigil sa pag-iyak ng marinig ang mga yabag na papalapit sa kinaroroonan ko, kasunod ng nanenermon na boses ni Joanne ay ang humahangos na si Glency.   “Ano ka ba namang babae ka?! Pagkatapos ka naming hintayin iiwan mo lang kami do’n ha? At paano ka makakauwi eh na sa ’kin ‘tong shoulder bag m—“   Natigil lamang ito nang mag-angat ako ng tingin at makitang namumugto na ang mga mata ko dahil sa pag-iyak. Napaupo na rin ito kasama si Glency.   “What happened?” Ang nanenermon na boses nito ay napalitan ng pag-aalala. “May masakit ba sayo? May nararamdaman ka pa ba? Halika, let’s go back to the cli—“   “Buntis ako.” Pabulong kong sabi na paniguradong nilipad ng hangin papunta sa kanila, dahil matapos ang ilang segundong katahimikan ay narinig ko ang mga pagsinghap nilang dalawa.   “Sinasabi ko na nga ba eh! I knew it!” malakas na sabi ni Joanne. Sinaway pa siya ni Glency upang patahimikin. Maya-maya pa’y lumuhod na ito sa harap ko, kasunod si Glency. “Sinasabi ko na nga ba! Napapadalas ang pagkain mo ng weird na mga pagkain and dizziness. Ilang beses na rin kitang nahuhuling pabalik-balik sa banyo para lang sumuka! f**k! s**t!”   “Ano ba, ‘yang bunganga mo! Umiiyak na nga si Cass eh.” Mahinang sabi naman ni Glency.   Ilang minuto pa kaming natahimik at ilang beses na rin silang bumubuntong-hininga, nang maya-maya pa’y napagdesisyunan na nilang umuwi.   “Let’s go, ihahatid ka na namin pauwi.”   Mula sa pagkakaupo ay maingat nila akong inalalayan patayo papunta sa kinaroroonan ng kotse ko. Nang makapasok sa back seat ay sinuutan muna nila ako ng seat belt at walang sali-salita na minaneho ni Joanne ang kotse ko pauwi.   Ilang minuto pa lang ang itinagal ng byahe namin nang tumigil na ang kotse. Nang makapasok ng kotse ay may nilagay ito sa loob ng bag ko at inabot sa ‘kin.   Ilang minuto pa akong nakatulala sa bag ko. Natigil lang ‘yon nang makapasok na kami sa garahe ng bahay. Inalalayan pa nila ako sa paglalakad na para bang isa akong pilay at nagising na lang ang diwa ko ay nandito na kami sa loob kwarto.   Si Joanne na mismo ang naghalungkat sa bag ko at may kinuha doon. “Come on, check it.” Ninenerbyos ang boses nito pero mababakas ang excitement.   Napatitig ako sa maliit na bagay na nilagay nito sa mismong kamay ko. Pregnancy Test.   “Ayoko.” Tipid na sabi ko. Marahas naman na napabuga ng hangin si Joanne habang nakapameywang na nakatingin sa akin. Si Glency naman ay naupo lamang sa kama ni Ate Kiana na katapat ng sa akin. Wala itong sinasabi pero tila nang-kukumbinsi rin ang mga tingin nito sa akin.   “Gawin mo na. Para na rin malaman natin kung totoo nga. Baka naman nagkakamali lang ng diagnose ‘yong doctor do’n. Baka hindi naman pala totoo tapos mag-iiyak ka lang sa wala.”   Napabuntong hininga na lamang ako nang magsimula na naman akong lamunin ng takot. Napailing na lang ako nang magsimula na namang pumatak ang mga luha ko.   “Sige na girl. I-check mo na. ‘Wag kang matakot. Every child is a blessing. And besides, nandito lang naman kami, we won’t leave you.” Pagpapalakas ng loob sa’kin ni Glency.   Hindi pa man ako pumapayag ay nagsimula na si Joanne na basahin ang mga nakasulat doon. Matapos basahin ang instructions kung paano ‘yon gamitin ay pumasok na ako ng banyo. Abot-abot ang kaba ko habang ginagawa ‘yon. Nang makalabas ng banyo ay agad kong inilapag sa kama ang pregnancy test, bahagya akong lumayo at hinayaang sila ang tumingin sa resulta. Hindi ko kayang tignan. Naduduwag ako.   Ipinikit ko ang mga mata ko habang nakaupo sa ulunan ng kama, pinakikinggan ko lamang ang dalawa na nagkakagulo sa pagbabasa at pagdo-double check ng resulta.   Nang marinig ko ang impit na tili ng dalawa— alam ko na. Nag-unahan na naman sa pagbuhos ang mga luha ko.   Confirmed.   Buntis nga ako. At hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa mga magulang ko ang tungkol dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD