Hindi ko alam kung paano naging maayos ang takbo ng buhay ko nang mga sumunod na araw. Hindi pa rin kami nag-uusap ni daddy. Ramdam ang panlalamig naming dalawa sa isa’t-isa, na maging sa pagkain ay walang imikan na nagaganap.
Hindi ako galit kay dad. Hinding-hindi ako aabot sa ganoon. Sadyang hindi ko lang maiwasang hindi magtampo sa mga sinabi niya noon. Parang ang lumalabas kasi ay ako pa ang may kasalanan kung bakit kami humantong sa ganoon, kung kaya’t dapat na ako ang umayos nang nasira naming relasyon.
Masama bang matakot na sumubok ulit? Masama bang makaramdam ng takot at pagdududa? Masama bang protektahan ko ang puso ko sa mga posibleng sakit na mararanasan ko pa?
“Okay ka lang ba, girl? Palagi ka na lang matamlay.” tanong ni Glency nang maupo ito sa tabi ni Joanne na kaharap naman ng upuan ko. Nandito kaming tatlo sa Sunshine Coffee Shop at katatapos lamang ng klase namin sa Biochemistry at may two hours kaming bakante bago ang laboratory namin sa kaparehong subject.
Napabuntong hininga ako. “Yeah. I’m okay. Napuyat lang ako kagabi karereview para sa exam natin this week.”
“Okay na ba kayo ni Tito? Nagkausap na ba kayo?” Naikwento ko na rin sa kanila ang mga nangyari. Mula sa sagutan namin ni Kelvin, ang pagpunta nito sa bahay at ang pag-amin ko kay dad.
“Not yet. But soon. I’ll talk to him.” Matamlay na sabi ko.
“Tama ‘yan, girl. ‘Wag mong patagalin ‘yang misunderstanding niyo ng daddy mo. Ang ganyang gusot, inaayos dapat agad.” Sagot ni Glency na tipid ko lang na nginitian.
Makalipas ang ilang minuto ay dumating na rin sa wakas ang order namin at parang nagliwanag ang mga mata ko sa nakikita. Nawala rin ang tamlay ng katawan ko at para bang nanumbalik ang lakas ko kahit hindi pa man nagsisimulang kumain. Finally! Kanina pa ako nagugutom. Halos oras-oras na nga ako kung kumain pero parang palagi pa rin akong gutom.
“What’s that?” nakangiwing turo ni Joanne sa mga inorder ko.
“Hmm . . . Foods?” sarkastikong tanong ko pabalik. “Nakikita mo ng pagkain, magtatanong ka pa.” Pabulong kong sabi. Halos ‘di matanggal sa mga pagkain ang mata ko. Naeexcite na ‘kong kumain na halos pumapalakpak pa ang mga kamay ko!
“Ba’t ang taray mo? Pansin ko these past few days, parang mas sumasama yata lalo ang ugali mo. Nakakatakot ka na ha . . .”
Tinaasan ko lamang siya ng kilay. “At kelan ka pa nahawa sa kadramahan ng babaeng ‘to, aber?” Tanong ko habang nakaturo kay Glency na tahimik na sumisimsim ng kape niya.
Nagkibit balikat lamang ito habang nagme-make face kaya natawa na lang kami.
“What are you doing?” napabaling ako kay Joanne nang magtanong ito ulit.
Napatingin ako sa gatas ko na may halong pinagpira-pirasong cheese cake. “Bakit?” nakataas ang kilay na tanong ko. “Pake mo ba ha? Eh recently ko lang nadiscover ‘to eh.” Sumandok ako gamit ang kutsara at mabilis na isinubo ‘yon. Ang sarap! Parang mas nagningning ata ang mga mata ko.
‘Wow, heaven!’
“Masarap siya! Try niyo, bilis!” Malakas na sabi ko na naging dahilan upang lingunin kami ng ibang costumers. My friends just gave me a dead pan look but more likely a disgusted one. Sasandok na sana si Glency nang tampalin ko ng kutsara ang kamay nito.
“Ouch!” pareho pa kaming napatingin sa isa’t-isa. Siya na nagulat at ako na pinanlalakihan naman siya ng mata. “Kelan ka pa naging madamot at sadista ha? Ang dami-dami mo na ngang nakain eh.” Parang bata na sabi nito habang nakangusong hinahaplos ang kamay niyang natampal ko.
“Kumuha ka kasi ng sa’yo. Akin ‘to eh.” Nakangusong sabi ko at binalingan si Joanne na nakatingin sa ’kin at napailing na lang.
‘Di kalaunan, nang matapos ay sumakay na kami sa kotseng dala ko at bumalik na sa school. Nag-check lang ang Prof. namin ng pinroject naming home-made wine, and fortunately, nakapasa naman kaming tatlo.
Next week ay Foundation Day na ng school namin at mag-peperform kami for mass demo. One more week na lang at clearance, magbabakasyon na rin kami.
Huwebes. Tatlo ang exams namin ngayong araw na ‘to at pare-pareho pang majors namin. Ngayong umaga ay Thermodynamics at mamayang hapon naman ay Biochemistry at Analytic Chemistry. Nakakapurga na ang mga formula!
Nakakalungkot lang na alphabetical order ang arrangement ng seat kaya naman hiwa-hiwalay kami ng upuan ng mga kaibigan ko. Perez si Joanne samantalang Nacario naman si Glency.
Mabilis na umandar ang oras at marami nang mga kaklase ko ang nagpapasa ng mga test papers nila. Si Glency naman ay katatayo pa lang upang magpasa at pinuntahan na si Joanne na naghihintay sa amin sa labas. Unti-unti na akong kinakabahan, samahan pa ng hilong nararamdaman ko. Nasosobrahan na ata ako sa puyat karereview.
Narinig na namin ang pagbibilang ni Ma’am. Mabuti na lamang at nagche-check na lang ako kung may mga nakaligtaan pa akong sagutan. Bahala na kung mali ang iba, basta marami lang ang tama. Dali-dali kong inayos ang mga scratch papers na nagkalat na sa desk ko at hinagilap na rin ang scientific calculator na hiniram ng classmate ko. Mahirap nang hindi ‘to makabalik sa’kin, ito lang ang nag-iisang sandata ko sa mga ganitong laban. Bukod sa dasal syempre.
“Anong answer mo sa number 43, irreversible o reversible process?” kalalabas ko pa lang ay ‘yon na agad ang tanong sa akin ni Glency.
Kunot-noong napatingin ako dito habang nakangiwi. Sumasakit na nga ang ulo dahil sa dami ng tanong sa exam, may pahabol pa ba naman ‘to? Nagkibit-balikat lang ako. Hindi rin kasi ako sigurado sa sagot ko. “Ito ang tanungin mo, si genius.” Sabay turo kay Joanne.
“Irreversible.” Tipid na sagot naman nito at saka nagpaumunang maglakad. Sabay pa kami ni Glency na napalingon sa kanya.
“Irreversible?!” sabay na tanong namin bago humabol sa kanya. Buti na lang ay tapos na ang mga nag-eexam sa mga nadadaanan naming room, kung hindi ay kanina pa kami nasigawan dito.
‘Shoot! Reverible answer ko ‘dun eh.’
Nginisihan lang kami nito habang isinusukbit ang tote bag nito. “Carnot Cycle nga daw ‘di ba? Kaya malamang, irreversible process ‘yun, kasi during heat transfer in the Carnot Cycle there must be NO finite temperature difference.” Wala na. May isa na akong mali.
Napangiwi na lang ako.
“Tama na nga ‘yan. Mas kinakabahan ako sa mga sagot ko eh. Baka wala ng matirang tama dun.”
Lakad-takbo na ang ginawa namin para makarating sa canteen. Mabilisan na lamang ang ginawa naming pagkain lalo na’t punuan na din ang mga table, na kahit parang ayaw akuin ng tiyan ko ang mga nginunguya ay sapilitan ko na lamang itong nilunok. Kung sana’y maagang dumating ang Prof. namin katulad ng schedule, eh ‘di sana’y hindi kami nagkukumahog ngayon sa oras.
Fifteen minutes bago magklase ay nakarating na kami sa room. Nagpunta na kami sa mga designated seats namin na as usual ay alphabetical order pa rin. Maya-maya pa’y dumating na ang Prof. namin at nagsimula nang i-distribute ang mga test papers. Nakahinga ako ng maluwag nang makita ang mga questions. Madali lang ito dahil hindi nalalayo ang topic namin sa BioChem sa naunang subject namin noong first semester na Organic Chemistry. Nadagdagan nga lang ng topics tungkol sa proteins, carbohydrates at fats, pero maaga-aga pa rin naman kaming natapos.
Dumaan muna kami sa canteen para mag-snacks. Buti na lang at may thirty minutes break kami. Maya-maya’y mapapalaban na naman kami sa kwentahan.
“Ang dami naman niyang pagkain mo.” Puna ni Glency.
“Nagugutom na ako eh. Sumakit ang tiyan ko sa kinain natin kaninang lunch, parang ayaw tanggapin ng tiyan ko.” Sagot ko kahit punong-puno ng burger ang bibig. Wala na ‘kong pakialam kahit magmukha na ‘kong patay-gutom, basta magkaroon lang ng laman ang tiyan ko.
Nang oras na ng exam, buti na lang at hindi na nag-arrange pa ng upuan si Sir, kaya naman magkatabi kaming tatlo sa mahabang table na ‘to. Nang mai-distribute ang mga test papers ay nagsimula na kaming mag-sagot.
Basa dito, compute doon. Sagot dito, bura doon. Sa loob ng dalawang oras ay ang pagtipa lang sa mga calculator at pagpapalit-pahina ng mga papel ang maririnig sa bawat sulok ng classroom.
Hindi pa man nangangalahati ay nahihirapan na ako sa pagsagot. Sabayan pa ng panaka-nakang pagsakit ng ulo ko at medyo pag-ikot ng paningin ko. Mahigit trenta pa ang kailangan kong sagutan pero napapagod na ang utak ko sa kapipiga at kahahanap ng maisasagot.
Patuloy na umandar ang oras, malapit na rin akong matapos, mas nauuna lang talaga ang mga kaibigan ko. Inilibot ko ang tingin at ang iba ay kanya-kanya nang ayos ng sarili. May mga nagsusuklay na, nagli-lipstick, nagpupulbo o kaya naman ay nagpapabango.
Ibinalik kong muli ang atensyon sa pagsagot hanggang sa may maamoy akong matamis na pabango na tila kakaiba sa pang-amoy ko. Parang hinahalukay ang tiyan na tumayo ako at dali-daling tumakbo papalabas ng room para magbanyo. Narinig ko pang tinatawag ako ng mga kaibigan ko ngunit hindi ko na ito pinansin. Nang makapasok sa banyo ay doon na ako nagsusuka. Mabuti na lamang at ako lang ang tao. Nang matapos ay agad akong nagmumog. Kalalabas ko pa lamang nang masalubong ko sina Joanne at Glency.
“What happened? Okay ka lang ba, girl?” nag-aalalang tanong ni Glency.
“Namumutla ka biatch. Okay ka lang ba talaga?” sunod na tanong naman ni Joanne.
“Yeah, okay lang ako. Naparami lang siguro ang kain ko kanina kaya naghalo-halo na.” nanghihinang sagot ko. Inayos ko muna ang sarili bago tuluyang pumasok sa room. “Sorry po, Sir.” Baling ko sa Prof. namin.
Kahit masama pa rin ang pakiramdam ay pinilit kong tapusin ang exam. Nang matapos ay agad na akong nagyaya ng uwi. Kailangan kong magpahinga at dalawa pa ang exam namin bukas. Lahat ‘yon ay related na sa profession na kinukuha namin kaya kailangan kong magreview ng maigi.
“Magpahinga ka, biatch. Hindi pa rin bumabalik ang kulay mo. Katakawan kasi, eh.” Sa aming magkakaibigan, si Joanne talaga ang parang nanay kung umasta. Lagi ka niyang pangangaralan hanggang sa marindi ka sa kakikinig sa kanya.
“Oo nga, girl. Kahit bukas ka na lang mag-review, magpahinga ka na muna. 10:30 a.m. naman ang start ng exam natin bukas sa Curriculum Development.” Sabi naman ni Glency habang sinasalat ang noo at leeg ko.
“Kaya mo bang magmaneho? Hindi ka na ba nahihilo?” tanong ulit ni Joanne.
“Yeah. Kaya naman. Ako pa. I’ll just drink meds later.” ngumiti na lang ako para hindi na sila mag-alala pa.
Pagkatapos magpaalamanan ay sumakay na ako sa kotse at pinaandar iyon pauwi. Kumikibot-kibot pa rin sa sakit ang ulo ko at minsan pang nanlalabo ang paningin dahil sa hilo. Mabagal lang ang pagpapatakbo ko para hindi madisgrasya, kaya naman hindi na ako nagtaka kung nagdi-dinner na sina mom, dad at ate pagdating ko.
Dumiretso ako kina mom at dad, doon nagmano at humalik sa mga pisngi na nakagawian na namin. Binati ako ni mom pabalik habang wala namang imik si dad. Tahimik lang kaming kumakain hanggang sa basagin iyon ni mommy.
“How’s your exam, Anak?”
“Okay naman po mom.” Tipid na sagot ko.
“Mahirap ba? Mukhang pagod na pagod ka ah? Namumutla ka pa.” bakas sa boses nito ang pag-aalala. Napansin ko pang sumusulyap ito kay daddy na wala pa ring imik na kumakain.
“Medyo po. Majors po kasi ‘yong inexam namin kanina.” Hindi pa man ako nangangalahati sa pagkain ay parang umaangat na agad ang mga nailunok ko. Takip-takip ang bibig, nagmadali akong tumayo at patakbong tinahak ang kusina para sumuka sa lababo.
Kung gaano kadami ang nakain ko ay ganoon din kadami ang naisuka ko. Kulang na lang pati atay at balun-balunan ko ay isuka ko na rin sa sama ng pakiramdam ng tiyan ko.
Matapos magpunas ay bumalik na rin ako sa hapag-kainan.
“What happened to you?” pag-aalala ni Ate Phoebelyn.
“I’m okay, Ate. I’ve been having a bad stomach kanina pa. Naghalu-halo na siguro ‘yong mga kinain ko.” Kinuha ko lang ang mga gamit ko na naiwan sa upuan at hindi na tinapos ang pagkain.
“Hindi ka ba talaga kakain, anak? You looked so pale.”
“I’m really okay mom. I’ve lost my appetite anyway.” Mababakas pa rin sa boses ko ang panghihina.
“Okay, sige. Mabuti pa nga siguro kung magpapahinga ka muna. Uminom ka na rin ng gamot para mawala ‘yang nararamdaman mo.” Tinanguan ko na lamang ito. Bago tumalikod ay nahagip pa ng paningin ko ang mga mapanuring titig sa ’kin ni Ate Kiara. Hindi ko na lamang ito pinansin at dali-daling tinalikuran.
Nang makapasok sa kwarto ay agad akong nahiga sa kama. Joanne and Glency were right. It would be better if I rest muna for this night so I can review my notes early in the morning tomorrow. Maya-maya na lang siguro ako maliligo after a nap.
Nagising ako na parang bumabaliktad ang sikmura ko. Hindi pa man tuluyang naimumulat ng maayos ang mata ay patakbo ko nang tinahak ang direksyon ng banyo. Nagkandasagi-sagi ko pa ang ibang gamit sa kwarto habang sapo ng mga kamay ang bibig. Pagdating sa banyo ay doon na ako nagduduwal.
‘s**t! May nakain na naman ba akong kakaiba kagabi?’
Naghahalu-halo ang tamis, pait at asim sa bibig ko. Medyo nanlalamig rin ang pakiramdam ko.
Nang matapos ay nanatili pa muna akong nakayuko bago magmumog.
“Holy s**t! Ate naman! Balak mo ba ‘kong patayin sa gulat ha?!” Paano’y pag-angat ng paningin ay bumungad sa akin ang repleksyon ng demonyita kong kapatid sa salamin. Nakakunot ang noo nito at tila malalim ang iniisip habang nakatingin lang sa’kin.
“What happened to you?” kapagkuwan ay nanunuring tanong nito na hindi ko naman pinansin.
Nang kumalma ay noon ko lang naramdaman ang panghihina. Parang inubos ng pagduduwal at pagkagulat ang lakas na dapat ay naipon ko sa pagpahinga kagabi. Hindi ko maikalma ang panginginig ng tuhod at ang pagbabalik ng hilo ko. Mahigpit akong napakapit sa magkabilang gilid ng lababo at mariing ipinikit ang mga mata.
Mukhang napansin ni Ate ang panghihina ko dahil naramdaman ko na lang na may umaalalay sa’kin papalabas ng banyo. Inihiga ako nito sa kama at doon ay naramdaman kong muli ang antok na tuluyan nang bumalot sa’kin.
Nagising ako at salamat na lamang dahil medyo kumalma na ang pakiramdam ko. Napatingin ako sa buong kwarto at nakita ang kalalabas pa lang ng banyo na si Ate Kiara.
“How’s your pakiramdam?” maarteng tanong ni Ate Kiara.
“Okay na ako . . .” napahawak ako sa aking ulo at marahang minasahe iyon. “Wala ka bang pasok—“ nanlaki ang mata ko at dali-daling bumangon sa pagkakahiga.
‘s**t!’
“May exam pa ‘ko! Bakit hindi mo ‘ko ginising ate!” agad kong hinablot ang phone ko at tinignan ang oras. 11:15 na ng umaga. “Late na ako! Kainis!” Nasabunutan ko ang sarili dahil sa inis.
Minadali ko ang pagligo at ang pagbihis. Hindi na rin ako nakapag-review katulad nang napagplanuhan ko. Nag-ayos lamang ako ng kaunti at dumiretso na ako sa kotse para magmaneho papunta ng school.
Halos alas-dose na nang maiparada ko ang kotse sa parking lot. Tutal ay late na rin naman ako, itinext ko na lamang sina Joanne at Glency na didiretso na ako ng canteen at doon maghihintay sa kanila for lunch.
“Here!” malakas na sabi ko sabay taas ng kamay ng mamataan na sa pinto ang dalawa. Nang makaupo ay sunod-sunod agad ang mga tanong nito.
“What happened to you, girl? Why are you lat—”
Hindi pa nga natatapos si Glency ay sumingit na agad si Joanne. “Aware ka ba na may exam tayo kanina ha? Ikaw na babae ka, sinasabi ko sa’yo, alam kong tamad ka, pero please naman, kung kelan ba naman patapos na ang school year saka ka pa tinamad?”
I just look at them wryly. “Tapos na? Okay na? Can I talk now?” I asked sarcastically bago bumuntong hininga. “I just felt dizzy nung gumising ako early in the morning, so Ate Kiana told me to rest muna. And then paggising ko, late na.”
“Ano na naman ba kasing kinain mo? Kahapon pa ‘yan ah?! Napapadalas na ata ‘yan?” nanenermon na sabi ni Joanne pero halata namang nag-aalala.
“I ordered foods already. May exam pa tayo mamayang one o’clock.” As if on cue, kalalapag pa lang ng waiter dala ang mga inorder ni Glency. Looking at these foods right now’s making me p**e again.
“Wala bang ibang foods, biatch?" tanong ko habang parang nandidiring nakatingin sa mga pagkaing nakahain sa table namin?
“At kelan ka pa naging maarte katulad ng ate mo, ha?” mataray na tanong ni Joanne. “Have you heard of the saying ‘kainin mo kung anong nasa harap mo at ‘wag ka nang maghanap pa ng iba’, ha? In short, ‘wag kang umarte arte!”
“Hindi ako nag-iinarte no!? Sadyang ayaw ko lang ng mga . . . ‘to.” Napatingin pa ako kay Glency pagkatapos sabihin ang mga ‘yon dahil siya ang bumili ng mga ‘to. Sapo-sapo nito ang dibdib at umaarte pang nasasaktan at umiiyak habang umuupo. “Yan ang maarte oh.” Turo ko dito habang nakatingin kay Glency. Napailing na lamang si Joanne at saka nakataas ang kilay na binalingan ako.
“Oh ano, tutunganga ka na lang dyan?” Panenermon na naman ni Joanne habang nagsisimula ng kumain. “Galaw-galaw oyy! Kung ayaw mo nito maghanap ka! Hindi pagkain ang lalapit dyan sa bunganga mo.”
Nginiwian ko pa ito saka tumayo at nagpunta sa counter. Tinignan ko muna ang menu at ganoon na lamang ang naramdaman kong tuwa nang makita sa menu ang hinahanap ko. Pagka-order ay halos takbuhin ko na ang daan papunta sa table namin.
Parang nanunubig ang bagang ko habang pinagmamasdan sa lamesa ang mga inorder ko.
“What the hell are these?” nakakunot ang noong tanong ni Joanne habang nakaturo sa mga pagkain ko. Hindi ko na lamang ito inintindi at sinimulan nang lantakan ang nasa mesa. “Cheese cake with . . . ano ‘to?” tinampal ko pa ang kamay nito matapos isawsaw ang pinky finger sa sawsawan ko, “toyo?! What the f**k?” Malakas na bulyaw nito sa ’kin dahilan para lingunin kami ng ibang estudyante.
Patuloy lang ako sa pagsubo at pagnguya regardless of these two bitches staring at me like I’m sort of a weird person.
Tinusok ko ng tinidor ang kahuli-hulihang piraso ng cheese cake at saka ito sinawsaw sa toyo na may kalamansi at sibuyas.
“Wooh!” Napapikit pa ‘ko habang hinihimas-himas ang tiyan ko. “Ang sarap! Grabe, I’m full!”
Tahimik lamang si Joanne habang papunta kami sa room namin, tila malalim ang iniisip. Hindi katulad kay Glency na daldal ng daldal.
“Weh?” nababagot na tanong ko dito.
“Oo nga! Ang hard talaga ng Curriculum Development, girl! Kailangan, memorize mo lahat ng ism-ism! ‘Yung existentialism, essentialism, behaviourism, realism and many more –ism!” exagerrated na sagot nito. At mukhang may kasunod pa. “Pati na rin ‘yung mga different proponents, sina B.F. Skinner, Bandura, Piaget, and many more! At saka mmm—“
Tinakpan ni Joanne ang bibig nito. “Tama na— tama na! Masyado ka nang maingay, don’t you think? Tumahimik ka na kung ayaw mong patahimikin kita sa ibang paraan!” Nanggigigil na sabi nito habang hindi pa rin binibitawan ang bibig nito. Natawa na lang ako sa mga pinaggagagawa nitong dalawa.
Binitiwan niya rin ito nang makita na naming pumasok na si Sir sa room, kaya wala na kaming magawa kundi pumasok na rin.