Ellie’s POV “Ano ba, Sydney? Itigil na natin ito. Pakawalan mo na si Ellie at huminto na tayo sa plano natin. Hindi na maganda ang kalalabasan nito.” “Nag-iisip ka ba ha, Cyfer? Ngayon pa tayo hihinto kung kailan malapit na natin makuha ang mga gusto natin?” Nagising ako dahil sa sigawan ng dalawang tao na malapit sa akin. Kumikirot-kirot pa ang ulo ko kaya hindi ako agad nakabangon. Pinakiramdaman ko mung ang nasa paligid ko. Inilibot ko rin ang paningin ko sa bawat sulok ng kwarto kung nasaan ako ngayon. Bukas ang pinto nito dahilan para marinig ko ang dalawang nag-uusap. Nasaan ako? Anong ginawa nila sa akin? Inalala ko ang huling nangyari kanina. Namuo ang galit sa akin nang maalala kong tinakpan ako ni Sydney ng panyo sa bibig dahilan para mawalan ako ng malay. Sinadya niya iyo

