Keeion’s POV “Ellie is in danger right now. Kung gusto mong puntahan siya, ito ang exact address kung nasaan siya ngayon. Magmadali ka dahil nasa panganib siya.” Napatayo ako sa sobrang gulat at kaba na aking naramdaman matapos kong mabasa ang text message na galing sa unknown number. Kaka-text lang nito at agad ko ring nabasa dahil kasalukuyan kong hawak ang cellphone ko. “Keeion, is there a problem?” tanong ni Tedson. Maging siya ay nabigla sa inasta ko. Kasalukuyan kaming nag-uusap tungkol sa operations ng kumpanya kaya nagtaka ito nang bigla na lamang akong tumayo. “Someone messaged me,” wika ko. Hindi ko alam kung maniniwala ako agad. Galing ito sa unknown number at laganap naman ang messages ngayon na kung hindi scam o chain messages ay puro naman pananakot. “Oh, anong sabi?”

