Chapter 5

2076 Words
Arya’s POV “Oh, Arya, halika na muna at saluhan mo akong mag-agahan.” Nakasalubong ko si Manang Cora papasok sa kusina at ako naman ay akmang palabas na. Dumaan lang ako rito para uminom saglit dahil hiningal akong naglakad galing sa platansyon ng mga bulaklak papunta rito. Hindi naman kalayuan ‘yon kaya mas pinili kong maglakad na lamang. Isa pa, nakapag-ehersisyo pa ako kaysa naman tawagin ko pa si Manong Luisito para magpahatid sa tricycle niya. Tricycle na binigay ni Senyor Alejandro, ang Ama ni Senyorito, upang gamitin ng mga nagtratrabaho rito sa paghatid at sundo upang hindi sila mapagod na maglakad. Sa lawak ba naman ng Hacienda na ito. Bale, pitong tricyle ang lumilibot sa Hacienda upang magbigay ng libreng sakay. Ganoon pinapahalagahan ni Senyor ang mga taong nagtratrabaho rito. Ang lahat ng kailangang kagamitan ay kaniyang ibinibigay upang mas mapadali ang trabaho. Hindi lang ‘yon, may pinatayo rin si Senyor na tatlong palapag na gusali upang gawing tirahan ng mga naninilbihan sa pamilya nila. Nagmistula iyong apartment ngunit hindi iyon pinarerentahan ni Senyor, palibreng bahay iyon na binigay niya sa mga trabahador. Maging ang kuryente at tubig ay hindi na problema dahil si Senyor na mismo ang nag-provide nu’n. Kaya naman labis na pasasalamat ng mga taong naninilbihan sa pamilya Ruiz. Pagiging masipag sa trabaho at katapatang lang nila ang kanilang tanging maisusukli kay Senyor Alejandro. Napangiti ako nang hinila ni Manang Cora ang aking kamay at nakasunod na ako sa kaniya na tumungo sa mahabang lamesa. Nakahanda na roon ang mga pagkain na sila mismo ang nagluto. Napalunok tuloy ako nang may makitang adobong manok sa hapag kainan. Favorite ulam ko kaya ‘yon! “Ipinagluto kita ng paborito mong pagkain kaya sabayan mo na kaming mag-agahan,” ani ni Manang pagkatapos niyang kumuha ng pitsel na may lamang tubig sa malaking ref. Isinunod niya namang kinuha ang tray na may lamang baso saka niya inilapag iyon sa lamesa. Nakangisi si Manang na bumaling sa akin. Tila nababasa na niya ang nasa isipan ko. Alam na niyang hindi ko siya mahihindian. Kailan ba ako tumangging kumain habang nnakahain ang paborito kong pagkain? “Sige na nga,” wika ko na kunyari ay napilitan lang pero deep inside, bukal sa loob ko ang alok niya at gusto ko na nga agad lumamon, ‘di na ako makapaghintay na tikman ang niluto ni Manang. “Si Manang talaga, alam na alam kung paano ako mapapapayag sumalo sa hapag, eh.” “Siyempre, kilalang-kilala na kitang bata ka. Adobong manok lang naman ang kahinaan mo.” Natatawa niya akong tinapunan ng tingin. “Naalala ko tuloy noong bata kayo nila Keeion, pinagluluto ko kayo ng mga paborito niyong pagkain pagkatapos ko kayong pagalitan nang sa ganoon, hindi sumama ang loob niyo sa akin,” dagdag pa nito. Napangiti ako dahil naalala ko na naman ang kabataan ko. Masasabi kong masaya ang childhood ko kasama nila Keeion, sabay-sabay kaming lumaki sa Hacienda at si Manang Cora ang itinuring naming pangalawang Ina. Hanggang ngayong 24 years old na kami, hindi nagbago ang pakikitungo namin kay Manang Cora. Siya at siya lang ang takbuhan namin sa tuwing may problema. “Maupo ka na riyan at tatawagin ko muna sila Luisito at Maria nang masaluhan din nila tayo,” ani ni Manang Cora. Tumango lang ako at sinundan ang papalabas na si Manang sa back door. May pinto sa kusina papunta sa plantasyon ng niyog na located sa likod ng mansyon. Katabi nu’n ay ang malawak na lupain kung saan nataniman ng iba’t-ibang uri ng gulay. Malapit lang din ang kwadra ng mga kabayo roon at ang kulungan ng iba pang hayop na narito sa Hacienda. Mayaman ang Hacienda sa gulay, prutas, bulaklak at hayop na kadalasan ay ibinebenta. Isa ang Casa Hacienda de Ruizita sa taga-supply ng mga gulay at prutas sa Manila. Gayon din ang mga bulaklak na dinedeliver namin sa mga naglalakihang flower shop sa iba’t-ibang lugar dito sa Pilipinas. Malakas din ang kita ng Hacienda sa nakukuha naming income mula sa gatas ng mga baka na narito, nasa lagpas 300 ang mga ito. Ganoon kayaman ang Hacienda kung saan ako nakatira at the same time, nagtratrabaho. Kaya naman labis akong nagpapasalamat dahil ang s’werte ko. Ang s’werte ko dahil kinupkop ako ng pamilya Ruiz at hindi ko naranasan ang hirap na dinaranas ng totoo kong pamilya. Marangya ang aking pamumuhay dahil halos lahat ng nais ko ay ibinibigay nila Senyor. Mabuti na lang at ipinamigay ako ng totoo kong magulang. Mabuti na lang at iniwan nila ako sa bakanteng lote. Mabuti na lang at si Senyor Alejandro ang tumulong sa akin. Ngunit sa kabila ng pasasalamat ko sa ginawang iyon ng mga magulang ko, hindi ko maiwasang hindi magkaroon ng hinanakit sa kanila. Mas matimbang pa rin ang sakit sa katotohanan na hindi nila ako pinahalagahan simula pagkabata. “Oh, Arya, bakit naman ay ganiyan na ang hitsura mo?” Natauhan ako nang marinig ko ang boses ni Manang. Nakabalik na pala sila rito sa kusina. Kasama na rin niya sila Manong Luisito na masugid naming driver rito sa Hacienda at sila Maria na nakadestino sa plantasyon ng niyog. “Teka nga, umiiyak ka ba, ha?” dagdag pa ni Manang nang malapitan niya ako. Agad kong itinaas ang aking paningin para bumalik ang nabubuong luha sa aking mata kanina. Nagbuga ako ng malalim na hininga. “H-Hindi, Manang, ano lang ito… napuwing lang po ako,” pagdadahilan ko. Alam kong hindi nakuntento si Manang sa sinabi ko. Kilala niya ako at alam niyang hindi lang ako napuwing. Ngunit hindi niya na ako kinulit pa dahil alam naman nitong hindi rin ako aamin lalo pa’t marami kaming kasama ngayon. Matapos naming magdasal na pinangunahan ni Manong Luisito, agad na kaming kumain. Magaling magluto si Manang Cora at ang iba pang katulong nito sa kusina kaya ang lahat ay takam na takam. Mapapasabak na naman ako nito. Makakalimutan ko na naman ang salitang ‘diet’. “Roberto, kailan ang punta niyong Manila para mag-deliver ng mga inani niyong niyog?” tanong ni Manang Cora sa kalagitnaan ng pagkain namin. Tinapos muna ni Kuya Roberto ang kaniyang kinakain bago sinagot si Manang. “Sa makalawa pa, Manang. Hinihintay pa naming maani ang palay bukas nang sa makalawa ay maaari na kaming magtungo sa Manila para minsanan na ang biyahe.” Nagpatango-tango naman si Manang. “Kasama ka ba roon, Arya?” tanong naman ni Manang Cora sa akin. “Opo, Manang. Ibinilin na iyon ni Senyor na samahan ko sila sa makalawa papunta sa Manila.” Nagpatuloy kami sa pagkain. Hindi na kasi bago kay Manang na sumasama ako sa tuwing nagdedeliver ng mga inaning gulay, prutas at palay sa Manila dahil iyon talaga ang trabaho ko. Ako ang nakikipag-transact sa mga may-ari ng business na pinagdedeliver-an namin. Ako rin ang humahawak sa mga papers nito at ako rin ang bahalang maningil sa mga bayad ng pinagbabagsakan namin ng aming produkto. “Kung gayon, ako na muna ang bahalang mag-alaga kay Ellie,” ani ni Manang. Ngumiti ako. “Hindi na kailangan, Manang, dahil uuwi bukas si Senyorito.” Nanlaki ang mga mata ng lahat sa ibinalita ko. Halata ang takot ng mga ito. Paano ba naman, ubod ng sungit si Senyorito Keeion. Kung gaano kabait at maintindihin ni Senyor Alejandro, ang siya namang kasungit at mainitin ng ulo ni Senyorito, ang unico iho ng aming pinaka-amo. Madalas na sigawan ni Senyorito Keeion ang mga trabahador sa tuwing nahuhuling hindi nagpopokus sa kaniya-kaniyang gawain ang mga ito. Ang strikto niya to the point na ayaw niyang may magkamali sa bawat galaw ng mga taong naninilbihan dito. Sinisigurado niyang ang lahat ay nagtratrabaho at hindi nagsasayang ang oras. Ang lahat ay kontrolado niya. Walang maglalakas-loob na suwayin siya maliban kay Ellie. Nakilala na ni Senyorito ang katapat niya. Bilib din talaga ako sa tapang ng babae na sasagot-sagutin niya ang aming Senyorito. Hindi niya alam na ang lalaking sinusungitan at sinasagot niya nang pabalang ay ang kinatatakutan ng lahat ng taong narito sa Hacienda. Hintayin na lang ni Ellie na mapikon si Senyorito Keeion at baka roon siya magkaroon ng takot sa kaniya. Nang matapos nang kumain ang lahat, nagsibalik na rin sila sa kaniya-kaniyang trabaho. Malamang ay ibinalita na rin nila sa iba pa nilang kasamahan na uuwi si Senyorito Keeion bukas para makapaghanda. Naglilibot-libot kasi ang Senyorito sa buong Hacienda upang ma-monitor ang mga trabahador. Hindi niya palalagpasin kung may makita man siyang isang pagkakamali rito. Sinasabihan naman siya ni Senyor na huwag nang mangialam sa pagpapatakbo sa Hacienda ngunit hindi ito pumapayag. Nais niyang naka-monitor pa rin siya sa bawat galaw ng Hacienda kaya wala ring palya akong nagre-report sa kaniya. Alam kong mahalaga kay Senyorito Keeion ang buong Hacienda dahil maraming masasayang ala-ala ito rito. Ayaw niyang mapabayaan ang lugar kung saan siya lumaki. Ganoon din naman ako, dahil napamahal na sa akin ang Hacienda, hindi ko ito papabayaan. Ilalaan ko ang buong buhay ko rito, maninilbihan ako sa pamilya Ruiz hangga’t nabubuhay ako. Ibibigay ko ang katapatan ko kay Senyor Alejandro na siyang kumupkop sa akin. Kahit dito man lang, makabawi ako sa lahat ng itinulong nila. Itinuring nila akong parang tunay na pamilya kaya susuklian ko rin ang kabaitan na ipinakita nila sa akin. “Mukhang mapapadalas na yata ang pag-uwi rito ni Senyorito Keeion,” panimula ni Manang Cora habang nagliligpit ng mga ginamit namin sa pagkain. Tumingin ako sa kaniya at nagtama ang aming paningin. Sabay kaming napangisi ni Manang dahil tila iisa lang ang iniisip namin ngayon. Agad kaming nagkaintindihan sa isang tingin lamang namin sa bawat isa. Iisa lang ang p’wedeng dahilan kung bakit mapapadalas ang pag-uwi rito ni Senyorito Keeion. “Manang, isusunod ko na lamang ‘yan,” ani ko nang akmang kukunin sana ni Manang Cora ang dalawang basong ginamit pero mas inunahan ko siya. “Ano ka ba, hindi na. Ako na ang bahala rito.” Binawi ni Manang ang baso na hawak ko. Kinuha niya ang dalawang baso. “Sige na, Arya, umakyat ka na sa taas at baka gising na si Ellie.” “Pero…” Hindi na ako nakatanggi pa dahil nagsidatingan naman na ang mga kasambahay at sila na ang tumulong kay Manang Cora. Agad nilang kinuha ang hawak ni Manang. Hindi kasi nila pinapayagan na tumulong si Manang sa gawaing kusina dahil iyon ang bilin ni Senyor at ni Senyorito, na huwag nang pagurin si Manang sa trabaho. Nais nilang magpahinga na ito dahil sa katandaan na rin ngunit minsan, matigas talaga ang ulo niya. Hindi namin siya mapigilan sa nais niyang gawin, sa mga gawaing bahay na nais niyang makatulong. Umakyat na ako sa taas dahil panatag naman na akong may katulong si Manang sa kusina. Nang nasa ikalawang palapag na ako ng mansyon, agad kong tinungo ang kwarto ni Ellie. Binuksan ko ito at nadatnan ko roon ang dalawang nurse na bantay at si Ellie na mahimbing na natutulog. “Katutulog lamang niya, Miss,” bungad nila sa akin. Tanging pagtango lang ang sinumbat ko. Napapadalas yata ang pagkaantukin niya. Madalas ko siyang naaabutan na tulog. Marahil ay isa iyon sa mga side effects ng gamot na iniinom nito. Nagdiretso ako sa single sofa at agad na kinuha ang cellphone ko mula sa bulsa nang maramdamang nagvi-vibrate ito. Nabasa ko sa screen ang pangalan ng tumatawag. Agad ko iyong sinagot. “Hello?” bungad ko. “How is she?” salubong agad ng taong nasa kabilang linya. Alam ko na ang tinutukoy nito. “Tulog siya ngayon. Ang sabi ni Doc kanina, bumubuti na ang lagay nito. Mabilis ang recovery niya,” balita ko. Narinig ko ang pagbuntong hininga nito na animo’y naalis ang tinik sa kaniyang lalamunan. “Good. Pakisabi sa kaniya na bilisan niyang gumaling dahil hindi na ako makapaghintay na bayaran niya ang kaniyang pagkakautang sa akin.” Ngumiti ang nakakaasar kahit pa hindi ako nito nakikita ngayon. “Iyon lang?” mapang-asar kong tanong. “Hindi ako naniniwala na ‘yon lang ang rason kaya gusto mo na siyang gumaling agad,” hirit ko pa. Malakas ang pakiramdam kong nagsalubong na ang makakapal nitong kilay. “Arya, I don’t have a time to be annoyed by you. Alam ko na kung saan ito papunta, I’ll hang up the phone now.” Hindi pa lang ako nakakapagsalita at tanging pagbungisngis lang ako ngayon, pinatayan na ako ni Senyorito Keeion ng tawag.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD