Chapter 4

2398 Words
Ellie’s POV “Itong mga paa po ba niyo, Ma’am, nakakaramdam pa rin po ba kayo ng pagkirot?” tanong ng nurse na kasalukuyang nasa paanan ko. Marahan niyang hinawakan ang kaliwang paa ko na may bandage pa rin. I nodded. “Yes, pero paminsan-minsan na lang naman. Not unlike last week na iniinda ko talaga ang pagkirot ng dalawang paa ko.” Ilang araw na rin ang lumipas nang bumalik na ang malay ko. Ramdam ko namang umeepekto na ang mga gamot na iniinom ko dahil hindi na masiyadong sumasakit ang mga sugat ko. Unti-unti ko na ngang nagagalaw ang dalawang braso ko ngunit ang mga paa ko, hindi ko pa rin magalaw. Mabigat pa rin ang mga ito at ‘di ko magawang galawin kaya nakahiga pa rin ako hanggang ngayon. Gustuhin ko mang bumangon na sa kama na ito, hindi ko magawa. Mahina pa ang mga binti ko para maglakad. “Normal lang po ‘yan na hindi niyo pa nagagalaw lalo pa’t malala rin ang inabot ng mga paa niyo sa pagkakaipit sa kotse. But based on our observation, mabilis po ang recovery niyo. Hindi na ako magtataka kung isang araw, makakapaglakad na kayo ulit. We just need to do some therapy para mabuhay ang mga ugat sa paa niyo,” the nurse explained. Nabuhayan ako sa sinabi nito. Hindi na rin ako makapaghintay na makapaglakad. I’m sure na kapag nakakapaglakad na ako, sunod naman nu’n ay ang pagbalik ng mga ala-ala ko. I can’t wait for that day. I just smiled at them at hinayaan na palitan ang bandage ko sa paa. Hindi naman ako nagreklamo dahil maayos ang bawat galaw nila, maingat nilang hinahawakan ang paa ko para hindi ako masaktan. Dalawang private nurse ang hinired ni Senyorito Keeion para alagaan ako, isang babae at isang lalaki. Wala ring araw na hindi ako binisita ng family Doctor nila para i-monitor ang kondisyon ko. Napapabilib tuloy ako sa sobrang yaman ng lalaking ‘yon. Mahal din kaya magpabayad ng private nurse at partida ha, dalawa pa ang kinuha nito. Ganoon na ba siya kaatat na gumaling ako? Siguro nga ay oo. Siguro ay gusto na niya akong gumaling para makaalis na agad rito. Ayaw na niya sigurong makita ako sa pamamahay nila at sumbat-sumbatan siya. Naalala ko na naman ang pag-uusap namin last week. Hindi nawala ang masamang tingin nito sa akin simula nang sagutin ko siya nang pabalang. Pero siyempre, natatakot pa rin naman ako sa kaniya dahil sa hitsura pa lang nito, halatang hindi mo magugustuhan ang gagawin niya kapag napikon siya. Pero hindi pa rin ako magpapatinag, ayokong magpasindak sa kaniya. Pero teka, hindi naman ako agad makakaalis dito. Base sa sinabi niya, kailangan kong pagbayaran ang mga nagastos niya para sa akin. As if naman ginusto kong tulungan niya ako. Magiging personal assistant niya ako once gumaling na ako. Kung bakit naman kasi sa dinami-dami ng tao, siya pa ang nakakita sa akin. Kung ibang tao lang siguro ang tumulong sa akin, wala siguro akong babayaran dahil bukal sa loob nila ang tumulong, hindi kagaya ng lalaking ‘yon! Naiinis ako sa kaniya dahil hindi niya ako hinayaang makapagreklamo. Magiging personal assistant niya ako sa ayaw at sa gusto ko. Mas lalo pang nagpainis sa akin ay noong pinilit niya akong manumpa sa harap ng camera. Oo! Makikita sa video recorder na nanumpa akong magiging personal assistant ng lalaking ‘yon! Iyon ang magiging ebidensiya niya kung sakaling tatakasan ko siya sa mga nagastos niya sa pagtulong sa akin. Kung tutuusin, hindi naman iyon pagtulong. May tulong ba na babayaran din pala sa huli? Mas lalo tuloy akong naasar sa Keeion na ‘yon! “Wala na ba siyang iinumin ngayon?” Sumulpot si Arya sa tabi ng dalawang nurse nang matapos na nilang palitan ng bandage ang mga paa ko. Ewan ko ba kay Arya, may dalawang nurse naman nang nag-aalaga sa akin pero nanatili pa rin ito sa loob ng kwarto at binabantayan pa rin ako. Wala ba siyang tiwala sa dalawang ‘to kaya kailangan ay nakabantay pa rin siya? Sumagot si nurse Ria sa tanong ni Arya. “Wala na po, Miss Arya. Nainom na ni Ma’am ang mga gamot niya sa umaga. Mamayang ala-una po ulit ang susunod na gamot.” Napatango naman si Arya saka ito bumaling sa akin. “Gusto mo bang lumabas?” Napansin niya yata na nabuburyo na ako rito. Well, totoo naman. Wala naman akong ibang ginawa kung ‘di mahiga, kumain at manood ng movies sa 75-inch flat screen tv na nakadikit sa pader. Napatango lamang ako kay Arya at nakuha niya naman agad ang sagot ko. Sinabihan niya si nurse Hans na kunin ang wheelchair sa baba para roon ako ilipat. Wala namang problema dahil nakakaupo naman na ako kahit papaano. Agad na tumalima ang nurse sa utos ni Arya. Lumabas siya ng kwarto at kinuha kung nasaan man ang wheelchair na ‘yon. Sinamahan ni Arya si nurse Ria sa pag-alalay sa likod ko para makaupo ako sa headboard dahilan para matitigan ko nang malapitan si Arya. Maganda siya. Ilang araw ko na siyang kasama pero ngayon ko lang napansin ang natural niyang ganda. Kahit na light makeup lang ang gawin nito, lumilitaw pa rin ang ganda niya. May pagka-chinita rin ito gaya sa akin, matangos na ilong at manipis na labi. Ang kaniyang kutis ay napakakinis, ikaw ba naman ang nakatira sa pamamahay na ito na lahat yata ng silid ay naka-airconditioned. Hindi ko mawari pero ang gaan-gaan ng loob ko kay Arya. Kung sa paggising ko ay nagulat at natakot ako sa kanila ni Manang Cora, noong lumipas na ang ilang araw, wala nang takot akong maramdaman kapag sila ang kasama ko. Ang bait kasi nila sa akin, maayos pa ang turing nila kahit pa aware silang tinulungan lang ako ng Senyorito nila at ‘di lubusang kilala. Kung gaano sila kabait, ganoon naman kasuplado ang Amo nila. Nang nakasandal na ako sa headboard ng kama, ang siya namang pagpasok ni nurse Hans dala-dala ang wheelchair. Agad niya itong ipinuwesto sa tabi ng kama at inayos ito para maupuan ko. Dahan-dahan akong binuhat ng nurse palipat sa nakahandang wheelchair. Hindi naman siya nahirapan dahil hindi naman ako mabigat. Nakaalalay naman si Arya at ang isa pang nurse sa likuran ko hanggang sa maayos akong pinaupo ni nurse Hans. “Hindi naman ba masakit ang mga sugat mo?” tanong ni Arya na umikot pa para makaharap sa akin. “Are you comfortable sitting in that wheelchair?” “Yes, I’m fine with it.” I smiled. Nginitian naman ako nito pabalik. Feeling ko talaga, mabilis kong maka-close si Arya. Ang bait-bait niya kasi talaga sa akin. Simula noong nagising ako, nasa tabi ko na siya. Ganoon din si Manang Cora na sinasadya talagang umakyat dito para lang kamustahin ako. Inayos naman ni nurse Hans ang paa ko sa patungan ng paa sa wheelchair. Sinigurado niyang hindi ito masasagi o kaya ay mahuhulog. Hindi ko pa naman kontrolado ang mga paa ko. Nakakaramdam naman ang mga ito pero hindi ko kayang galawin kaya ang dalawang nurse ang umaalalay rito. “Hayaan nating magpahangin si Ellie sa veranda,” ani ni Arya. Tumalima ang dalawa. Grabe, ang sosyal naman pakinggan ng veranda. Pang-mayaman talagang pakinggan sa tono pa lang ng pagkakasabi ni Arya. Hindi naman na dapat ako magulat dahil ang kwarto na pinagtutulugan ko ay isa na ring ebidensiya para masabing super yaman ng pamilya na nagmamay-ari rito. Sa sobrang lawak ng kwarto na ‘to, kasya na itong gawing sala, kusina at isang kwarto ng pangkaraniwang tao. Unang humakbang palabas ay si Arya na sinundan namin ni nurse Hans. Ang lalaking nurse ang nagtutulak ng wheelchair dahil siya ang may sapat na lakas para gawin iyon kumpara kay nurse Ria. Nasa likod lang namin ang isa pang nurse habang hawak ang tumbler ng tubig incase na mauhaw ako. Pagkalabas namin ng kwarto, mas dumoble pa pala ang pagkamangha ko sa yaman ng bahay na ito. Ang buong paligid ay gawa sa kahoy pero halatang super tibay na kahoy ang ginamit. Ang walls na nasa hallway ay may nakahilerang malalaking paintings, ‘yong abstract paintings na mukhang sa ibang bansa pa makikita at mabibili. May naglalakihang antique vases ang naroon na pinaglagyanan ng makukulay na bulaklak. Ang buong bahay ay kulay dark brown, tama lang sa materyales na ginamit dahil gawa sa kahoy ang lahat. Pakiramdam ko ay nasa sinaunang panahon ako. Inspired kasi ang bahay sa heritage houses na may halong modern house design. Bakas na bakas ang karangyaan na tinatamasa ng bawat taong nakatira rito. Tama nga sila, masyon nga ang pamamahay na ito. Hanggang sa makarating kami sa veranda, hindi ko pa rin maiwasang mapamangha sa ganda ng disenyo at lawak nito. Sa bawat kagamitan na nalalagpasan namin, para nakakahiyang hawakan dahil baka marumihan ang mga ito, halata pa namang ng sobrang mahal ng mga ‘yon. May sala set doon sa gitna, dalawang mahabang sofa na puno ng throw pillows at tatlong single sofa. Sa kaliwang bahagi ay may round bed lounge chair at isang rattan egg hanging chair. Sa dami ng mauupuan, masasabi kong p’wedeng pagtambayan ito. Kahit pa umulan ay p’wede pa rin dahil may wooden roof at wooden railings. Naunang naupo si Arya sa mahabang sofa na kahit hindi ko maupuan sa ngayon, alam kong malabulak ito sa sobrang lambot. Sumunod kami ng dalawang nurse papalapit doon upang makita ang view. “Wow!” bulalas ko nang makita ang sobrang lawak na lupain na matatanaw sa veranda na ito. Hindi ko alam kung anong floor ito, basta ang alam ko ay mataas ito at tanaw na tanaw ko ang magandang tanawin. Inilibot ko ang aking paningin. Kung hindi ako nagkakamali, nasa gitna ang mansyon na ito sa malawak na lupain na narito. Tanaw ko rin sa malayo ang mataas na pader na sa wari ko, iyon ang pinaka-main gate. Hindi mo iyon p’wedeng lakarin dahil medyo malayo na ito. Malamang ay kailangan mong sumakay ng kahit anong klaseng sasakyan para makarating sa main gate at makalabas sa lugar na ito. May ilang parte na sementado at halatang para iyon sa daanan ng sasakyan papunta rito sa mansyon. Maraming pananim ang natatanaw ko ngayon. Sa kaliwang bahagi ay malawak na lupain na tinaniman ng iba’t-ibang klase ng mga bulaklak. Sa kanang bahagi naman ay mga gulay at prutas ang nakatanim. Maraming tao akong nakikita at tila sila ang nagma-manage sa bawat pananim na naroon. May iba nga na kasalukuyang nag-aani ng pananim. Sa tapat ng mansyon ay malinis na lupain lang ang makikita. Malawak iyon at kung tutuusin, p’wede kang maglaro ng golf. “Gaya ng sabi ni Manang Cora, narito ka sa Casa Hacienda de Ruizita.” Napatingin ako sa tabi ko dahil biglang sumulpot doon si Arya. Nakatanaw ito sa magandang tanawin at bumalik din doon ang paningin ko. “Ito ay ang malawak na lupain na pagmamay-ari ng pamilya Ruiz, ang pamilya nila Senyorito Keeion.” Sobrang yaman ng pamilya nila! Halos lahat ay nasa kanila na, nangunguna na ang marangyang buhay. Kahit yata hindi na sila magtrabaho, lilisanin pa rin nila ang mundo na mayaman pa rin. Nagtataka lang ako kung bakit kailangan ko pang bayaran ang pagtulong sa akin ng lalaking iyon? Parang barya nga lang sa kanila ang halaga ng pagtulong niya sa akin. “Kung gayon, bakit umaalis pa rin ang Senyorito Keeion niyo? At nasaan naman ang mga magulang ng Amo niyo? Nasaan ang mga kapatid niya?” sunod-sunod kong tanong. “Nais kong magpasalamat dahil hinayaan nila akong maparito muna.” Gusto kong makilala ang pamilya niya. Baka sakaling mas mabait sila at hahayaan akong ‘wag na bayaran ang tulong na mula sa lalaking ‘yon. “Si Senyorito Keeion ay nag-iisang Anak lang nina Senyora Mila at Senyor Alejandro. Matagal nang pumanaw si Senyora Mila at tanging si Senyor Alejandro na lamang ang pamilya ni Senyorito na natitira.” Hindi ako agad nakapagsalita dahil nalungkot naman ako kahit papaano sa sinabi ni Arya. Ulila na pala sa Ina si Senyorito Keeion. Sayang naman at hindi ito nabiyayaan ng mga kapatid. Ang lungkot ng buhay kapag ganoon. “Nasaan si Senyor Alejandro?” tanong ko ulit dahil hindi niya ito nasagot kanina. Dinapuan niya ako ng tingin pero agad niya rin itong ibinalik sa tanawin. “Si Senyor ay kasama ni Senyorito sa Manila. Maraming negosyo ang pinapatakbo nila roon kaya hindi sila nakakauwi rito. Pero hindi naman iyon naging problema dahil may mga pinagkakatiwalaang tao silang inatasan para humawak sa buong hacienda, kabilang na ako roon.” Napatango-tango ako. Grabe! Nasa bahay yata ako ng isa sa pinakamayamang pamilya sa bansa. Multi-billionaire ang mag-Amang Ruiz! Marami pang nak’wento si Arya sa akin tungkol sa hacienda na ito. Nakakawili tuloy makinig sa kaniya dahil interesado ako sa ganitong topic. Ewan ko ba pero ang gaan ng pakiramdam ko sa hacienda na ito. Nais kong malaman ang iba pang bagay tungkol sa lugar na ito. Nang makaramdam na ako ng pagkangalay dahil ilang minuto na rin akong nakaupo rito sa wheelchair, inaya na ako ni Arya na bumalik sa kwarto. Habang nasa hallway kami, napansin ko ang isang kwarto na katabi ng kwarto kung saan ako tumutuloy. Hindi ko alam pero pinahinto ko si nurse Hans sa pagtutulak sa akin. Tinitigan ko ang pinto ng kwarto na ‘yon. Hindi ko mawari kung bakit nakuha ng kwarto na ‘yon ang atensiyon ko. Wala namang kakaiba rito at halos parehas lang naman ng pinto na ‘yon ang pinto ng kwarto ko. “Bakit, Ellie?” tanong ni Arya. Bakas sa boses nito na curious siya sa paghinto ko. “K-Kaninong kwarto ‘yan?” tanong ko na hindi pa rin inaalis ang paningin sa kwarto na tinutukoy ko. “Dating kwarto ni Senyorito Keeion na ipinasara niya na ngayon. Mahigpit na ipinagbabawal na pumasok sa silid na ‘yan. Walang sino man ang nagtangkang pumasok diyan at si Senyorito Keeion lang ang may karapatang pumasok.” Hindi ko alam pero ang bigat ng pakiramdam ko sa kwarto na ‘yon. Marahil ay nananalaytay na talaga sa dugo ko ang pagiging pakialamera sa mga bagay-bagay. Nabubuhay ang kuryosidad sa akin. May parte sa akin na nag-u-udyok na pasukin ko ito. Nais kong malaman kung ano ang nasa loob ng kwarto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD