Keeion's POV
Nang iniabot ko sa kaniya ang bracelet, agad niya itong tinitigan. Naging interesado siya sa bagay na 'yon marahil ay iniisip niya na makakatulong ang bracelet na 'yon sa pagbalik ng kaniyang ala-ala.
Ilang beses niyang hinaplos ang nakaukit na salita roon.
"Ellie," basa niya rito. "Akin ba talaga ito? Ellie ba talaga ang pangalan ko?"
I glanced at her. Nangungusap ang kaniyang mga mata habang nakatingala at nakatingin sa akin. Sa aming tatlo nila Tedson at Arya na narito, ako lang ang maaaring sumagot sa tanong nito. Iyon din ang kabilin-bilinan ko sa kanila... na huwag akong pangunahan na ipaalam sa babaeng nasa harapan namin ang nangyari sa kaniya.
"I already told you, that's your bracelet."
Hindi lang siya suwail, makulit din siya. Dalawang beses ko nang sinabi sa kaniya na sa kaniya nga ang bracelet na 'yon ngunit tila hindi pa rin siya naniniwala.
Kapag inulit pa niya ang kaniyang tanong, hindi ako magdadalawang-isip na bawiin ang bracelet niya. My patience is short. Ayokong sagutin ang paulit-ulit niyang tanong. Nakakapag-aksaya lamang 'yon ng oras.
Tama na ang almost 8 hours na biyahe makarating lamang dito para sagutin ang mga tanong niya. Masiyado na siyang nakakaabala sa akin.
"Paanong napunta ito sa 'yo?" She still confused.
"Ibinigay 'yan ng Doctor noong isinugod ka sa hospital. 'Yan lang ang tanging bagay na p'wede mong gamitin para malaman ang pagkakakilanlan mo. Ang lahat ng gamit mo ay nasunog kasama ang kotse na sinakyan mo sa gabing 'yon," panimula ko.
Alam ko namang ito ang nais niyang malaman. Nais niyang malaman at maliwanagan kung ano ang nangyari sa kaniya. Kung bakit nakaratay siya ngayon sa kama na may mga sugat at nawala pa ang kaniyang memorya.
Now, all her questions will be answered.
Kumunot ang noo nito. "Kotse? A-Ano bang nangyari sa akin?"
"Car accident," I simply answered.
Sinimulan kong isalaysay sa kaniya ang lahat.
Nasa biyahe ako pauwi galing office nang makita ko ang kotseng sinasakyan niya na nabangga sa isang malaking puno na nasa gilid ng highway. Walang masiyadong dumadaan sa lugar na iyon kaya walang ibang nakakita at agad na tumulong sa kaniya. Umaapoy na ang likod ng kotse nang makita ko siya, halatang malala ang inabot niya sa aksidenteng iyon. Dahil ako lang ang taong naroon, I don't have a choice, but to help her.
Inilabas ko siya mula sa kotse bago pa ito tuluyang masunog.
Wala na siyang malay sa oras na 'yon at halos maubusan na siya ng dugo. Her whole face was almost covered by her own blood. Ang kaniyang ulo ang mas naapektuhan, marahil ay dahil tumama ito sa manibela. Halos naipit na rin ang kaniyang katawan doon kaya nahirapan akong kunin siya. Mabuti na lang at slim body ito kaya nagawan ko ng paraan. Hindi ako nagsayang ng oras na iligtas siya dahil halos masunog na ang kotseng sinasakyan niya.
Tanging ang bracelet lamang ang gamit na nakuha dahil suot-suot niya ito. Ibinigay iyon ng Doctor nang isinugod ko siya sa pinakamalapit na hospital. Sa oras ding 'yon, itinawag ko sa mga pulis ang aksidenteng nangyari. Mas maiging ipinaalam ko sa kanila agad dahil baka ako pa ang masisi sa nangyari.
Ako mismo ang umasikaso sa lahat dahil wala naman akong ibang matawagan na kakilala ng babae. Nasa hospital ako magdamag hanggang sa inilipat na siya sa isang private room. 3 days din siyang namalagi sa hospital at nag-request akong ilipat na lang siya rito sa hacienda upang mabantayan nang maigi. We have our own family Doctor kaya walang naging problema sa proseso.
Ilan segundo rin itong hindi nakaimik. Pinoproseso ng utak niya ang lahat ng sinabi ko. Unti-unti niyang nakukuha ang mga sagot sa bawat tanong nito.
"Kaya rin ba wala akong maalala dahil nabagok ang ulo ko?"
"Yeah," I nodded. "It was memory loss results from a hard blow of your head because of car accident."
She gulped. "Gaano katagal daw ito? Kailan babalik ang lahat ng ala-ala ko?"
"Almost one year," sagot ko.
Iyon din ang sinabi ng Doctor sa akin. Ang ganitong klase ng amnesia ay tumatagal ng halos isang taon. P'wede pa iyon mapaaga kung mabilis ang recovery nito.
"No way! That's too long," reklamo niya.
Nagsimula na naman itong magsungit. Pero kahit pa iritado ang kaniyang mukha at oarang isang amazona kung magsalita, hindi ko maiwasang magandahan pa rin sa kaniya.
Marami siyang galos na nakuha sa mukha pero hindi ito sapat na dahilan para hindi lumitaw ang mala-anghel niyang hitsura. Ngayon lang ako nakakita na maganda pa rin kahit pa maraming galos sa kaniyang mukha. Paano na lang kung unti-unting mawala ang mga galos na 'yon? She will be even more beautiful.
She has a heart-shaped face, dark brown eyes, small nose and reddish lips. She has also a fair skin and slim body type. She's indeed beautiful.
"Paano ako ngayon nito? Paano na ako ngayong wala akong maalala? 'Yong mga ala-ala ko..." mangiyak-ngiyak niyang usal.
Iniwas ko na sa kaniya ang aking paningin dahil alam kong magdradrama na ito. Ganito naman kadalasan ang eksena ng pasiyenteng nawalan ng ala-ala. Akala mo naman ay tuluyang nawalan nang ala-ala at wala nang posibilidad na maibalik ang lahat.
Umalis ako sa harap niya at dumiretso sa sofa na naroon. Naupo ako sa single sofa at nagde-kwatro ng upo. "You're over reacting," I started. "It's just a short-term memory loss. Saka mo kami dramahan kapag tuluyang nawala ang ala-ala mo," ani ko.
Sumunod sa akin sina Tedson at Arya. Naupo ang dalawa sa mahabang sofa na nasa gilid ko lang. Nanatili silang nakikinig lamang dahil takot silang sumapaw sa usapan lalo pa't hindi ko sila binigyan ng permiso na magsalita.
They know how to obey my rules.
"Alam mo, panira ka ng moment! Gusto ko lang magdrama para ma-feel ko itong kondisyon ko." Napanguso ito sa akin. "Palibhasa kasi halatang seryoso ka lagi. Siguro hindi ka marunong ngumiti, ano?"
Narinig kong mahinang tumawa si Tedson sa sinabi ng babae kaya agad ko siyang dinaplisan ng tingin. Agad naman itong tumahimik dahil sa ipinukol kong masamang tingin sa kaniya.
"I don't want to waste my time to your immature moves, Miss. I'm here to answer all your questions. Sabihin mo lang kung wala ka nang itatanong dahil marami pa akong gagawin. Hindi mo alam kung gaano ako naabala dahil sa pagtulong ko sa 'yo."
Sinamaan ako nito ng tingin.
Siya lang ang nakakagawa nu'n sa akin. Ang lahat ay walang lakas ng loob na tingnan ako ng tingin na kagaya ng isang 'to. Halos tumiklop nga ang iba kapag nakakasalubong ko sila, what more pa kung tititigan ko na sila gamit ang matatalim kong titig? Pero itong babaeng 'to? Hindi ko alam kung saan siya kumukuha ng lakas ng loob.
Hindi niya kilala ang taong pinupukulan niya ng masamang tingin.
Hindi ko pa nakakalimutan ang mga salitang sinaad niya kanina sa akin. Ang tungkol sa balak niyang pagsapak sa akin at ngayon, sinasamaan niya ako ng tingin at pabalang pa itong sumagot. Namumuro na siya sa akin.
"Eh, bakit... sino bang nagsabi na tulungan mo ako, ha? Sinabi ko ba sa 'yo? Hindi naman, 'di ba? Choice mo 'yon kaya wala akong pakialam kung naabala kita ngayon."
Umigting ang panga ko dahil sa sinagot nito. Hindi ko lang pinahalata at nanatili akong kalmado lang.
Pero si Arya, halos kausapin niya na ang babae na tumigil na ito sa kasasagot sa akin nang pabalang. Alam ni Arya kung ano ang p'wede kong gawin kapag napikon ako.
"Imbes na magpasalamat ka ngayon, may gana ka pang um-attitude sa akin." I chuckled. "Sana pala ay hinayaan na lang kita roon kasama ang nasusunog mong kotse."
Kung wala ako sa lugar na 'yon at hindi ko siya nakita, marahil ay pinaglalamayan na siya ngayon. Kung hinayaan ko siya roon, siguro naibalita na may isang babaeng suwail na nabangga at sa kasamaang palad, binawian ng buhay.
Hindi nawala ang tingin ko sa kaniya kaya napansin kong medyo nakonsesiya ito. Ngunit mas pinanindigan niya pa rin ang pagiging reklamadora niya. "Bakit naman ako magpapasalamat, eh, hindi mo pa naman ako lubos na natutulungan. Kulang pa ang tulong na ito. Saka na ako magpasalamat sa 'yo kapag nakuha ko na ang isang pang tulong na nais ko mula sa 'yo."
Bilib talaga ako sa babaeng ito. May gana pa talaga siyang humirit.
Hindi pa ba sapat ang pagsagip ko sa buhay niya, pagpapagamot at pagtira niya rito sa pamamahay namin? May nais pa siyang hingin na tulong mula sa akin?
Really, huh?
"Hindi naman makapal ang pagmumukha mo, 'no?" Prangkang tanong ko.
Pero imbes na mahiya siya sa sinabi ko, binigyan pa niya ako ng tipid na ngisi. Hindi ko alam kung iniinis ba niya ako o may saltik lang talaga siya.
"Siyemre natulungan mo na ako kaya susulitin ko na. Isang tulong na lang naman ang gusto ko. Matapos nu'n ay hindi na kita aabalahin pa."
Hindi ako nagdalawang-isip na tanungin kung ano pa ang tulong na gusto niyang hingin. "What is it?"
"Help me to know my family background. Hindi ako makakaalis dito kung hindi ko alam kung nasaan ang pamilya ko. Sila lang din ang may kakayahang ibalik ang nawala kong ala-ala, sila ang magpapaalala sa akin tungkol sa pagkatao ko." Bakas sa mukha niya na seryoso itong nakikiusap sa akin.
Hindi ako agad nakapagsalita.
Nais niyang malaman ang personal background niya. Sa pamamagitang iyon, malalaman niya ang lahat ng tungkol sa buhay niya. Lahat ng ala-ala niya ay babalik. Ang lahat ng nangyari noon ay manunumbalik sa kaniyang isipan.
Tumikhim si Tedson dahilan para bumalik ako sa ulirat. Naalis ang kaninang malalim kong iniisip.
Kumawala ako ng malalim na hininga saka umiwas ng tingin. "I already hired a private investigator. Inaalam na niya ang background mo kaya wala ka na dapat pang ipag-alala roon. Ako na ang bahalang umasikaso sa bagay na 'yon."
"Good dahil ayokong magtagal dito sa inyo," arteng wika nito.
Kahit kailan, prangka ito magsalita. Sasabihin niya ang lahat ng gusto niyang sabihin. Hindi man lang niya iniisip ang bawat salitang binibigkas nito kung maaari ba niyang ikapahamak dahil sa walang prenong bunganga niya.
Babawian ko sana ang babae pero hindi natuloy nang pumasok si Manang Cora sa silid. May dala-dala itong tray na may lamang pagkain at inumin. Agad naman siyang sinalubong ni Arya para tulungan.
May katandaan na rin kasi si Manang Cora kaya laging nakaalalay si Arya. Parang Nanay na ang turing ni Arya sa matanda dahil halos si Manang ang nagpalaki kay Arya. Napulot ni Papa si Arya sa isang bakanteng lote malapit sa hacienda noong sanggol pa lang ito. Pinahanap din agad ni Papa ang magulang ni Arya ngunit hindi niya na ito sinauli pa sa kanila dahil umamin ang mga magulang ni Arya na hindi nila kayang buhayin ang kanilang Anak. Kaya naman kinupkop na lang ng pamilya namin si Arya, pinalaki at pinag-aral. Hindi naman nasayang ang tulong na binigay ni Papa sa kaniya dahil tapat na nagbibigay serbisyo si Arya sa amin.
Si Arya ay naninilbihan dito sa hacienda, katulad ni Manang Cora na almost 40 years nang naninilbihan sa pamilya Ruiz.
Kahit na taga-silbi sila, hindi namin pinaramdam na iba sila sa amin. Si Manang Cora ay sobrang malapit sa akin. Siya ang nag-alaga sa akin simula pagkabata dahil maaga akong naulila sa Ina dahil pumanaw ito dahil sa kanser sa dugo.
"Magmeryenda muna kayo," ani ni Manang nang nailapag ni Arya ang tray sa glass table na nasa gitna namin.
Agad na dumukot ng pagkain si Tedson. Kapag usapang pagkain, siya lagi ang nangunguna. Hindi ito papayag na hindi siya mauna at lalong magwawala ito kung naubusan man siya ng makakain.
"Mabulunan ka sana," bulong ni Arya na sapat lang para marinig ko dahil nasa left side ko ito katabi ni Manang.
Hindi ko naman pinansin ang meryenda na inihain ni Manang dahil busog pa ako.
Bumaling ang paningin ko kay Ellie na nagbabalak nang mahiga.
"What will you do?" I asked her.
Napadako na ang atensiyon ng tatlong katabi ko sa babae.
"Matutulog?" patanong na sagot nito.
I smirked. "Who gave you permission that you can sleep now?"
Inirapan ako nito. "Huwag mong sabihin na pati ang pagtulog ko ay kontrolado mo?"
"Yeah," kalmado kong sagot. "Narito ka sa teritoryo ko kaya marunong kang sumunod sa lahat ng utos ko. Kailangan mo ng permiso ko sa bawat galaw mo."
Napanguso ito sa akin at hindi pa rin nagpatinag sa binibigay kong pamatay na tingin. "Kung hindi mo ako patutulugin, anong gusto mong gawin ko? Duh, nakaratay pa ako rito sa kama kaya huwag mo muna akong utusan."
"Gusto ko lang ipaalam sa 'yo ang magiging kabayaran ng lahat ng itinutulong ko sa 'yo ngayon."
Masiyado siyang pasaway para paboran siya sa lahat ng gusto niya.
Wala nang libre ngayon.
Pera at oras ko rin ang nasayang dahil sa kaniya.
"Well, hindi na ako magtataka kung bakit kailangan kong pagbayaran ang lahat ng ito. Wala naman sa mukha mo ang pagtulong ng walang hinihinging kapalit." Sa pangalawang beses, inirapan na naman niya ako. "Tell me, how can I pay you, Senyorito Keeion?"
I smiled, a little one. "You will work with me. You'll be my new personal assistant."