Ellie’s POV “Go, Ellie. Take a rest.” Kalalabas ko lang ng banyo nang madatnan ko si Keeion na nasa harapan ng dalawang personal computer nito. Hindi pa sapat ang dalawang computer dahil mayroon pa sa tabing lamesa ang laptop nito. Abala ito kanina pa. Pagkatapos naming kumain ay dumiretso na ito agad sa kwarto. Inaya niya ako rito matulog dahil iyon naman talaga ang dapat. Kwarto na namin ito noon pa man. Ngayong bumalik na ang ala-ala ko, saka ko lang naintindihan ang ibig sabihin ni Senyora Keilah noong makasalubong ko ito sa hallway. Kaya pala sinita niya ako na iba ang kwarto na pinapasukan ko dahil dito dapat ako natutulog kasama si Keeion. Naikuwento ni Keeion kanina na walang alam sina Tito Sebastian at Tita Keilah tungkol sa aksidenteng nangyari sa akin dahilan para mawala ang m

