“You’ve been warned, Mrs. Virelli.”
Pipihitin na lang ni Wolfe ang seradura ng pinto nang marinig niya ang paghigit ng hangin ni Tahti. Napalingon siya rito at nakita niya ang pag-alsa ng linya ng mga balikat ng babae. Gustong kumawala ng mapang-uyam na tawa mula sa mapula niyang mga labi nang muli niyang mapagmasdan ang maganda at inosenteng mukha ng kanyang ‘asawa.’
“Come here, Tahti,” mahina niyang tawag dito.
Humakbang ito, lumapit sa kanya. “Wala naman ho akong planong bulabugin ang buhay mo,” anito, napayuko ito.
But Wolfe pinched his wife’s chin and lifted her head so he could look intently at her face. Napakabata. Sa mga mata nito ay nagniningning pa rin ang kawalang-muwang. Disiotso lang. Tsk. His young wife was barely legal. Pure, innocent, and simple.
“Good answer, bella lupetta,” sambit niya.
“H-hindi po bella lupetta ang pangalan ko.”
Imbes na sumagot ay dumulas lang ang mga daliri ni Wolfe—mula sa pagkakapisil sa baba ng babae ay mabagal at erotiko iyong dumausdos pababa sa leeg nito.
Napasinghap si Tahti, at ramdam na ramdam ni Wolfe ang paggalaw ng tapat ng lalamunan ng kanyang asawa. Minasdan niya ang leeg nito—slim, soft, and delicate. If he pressed his mouth to it and kissed her skin, it would definitely leave a mark.
“S-sir Wolfe…” nauutal na sambit ng babae sa pangalan niya.
Umangat ang mga mata niya at tumuon sa mukha ni Tahti. Naghugpong ang mga tingin nila. Yumuko ang binata at inilapit ang mga labi sa tainga ng babae, saka mainit at maigting na bumulong, “I want you to stay far away from me.” The tone of his voice was low, deep, and firm.
A satisfied smile spread across Wolfe’s lips as he felt his young wife shiver. Binitiwan na niya ito at dumistansiya sa babae, subalit ang mga mata niya ay nakapukol pa rin kay Tahti.
“Huwag ho kayong mag-alala, Sir Wolfe, hindi ko po kayo gagambalain. Malaking tulong na po ang dalawang milyon at hindi po ako maghahangad ng higit pa sa napagkasunduan lang natin,” anito.
Pormal niya lang itong tinanguan at muli nang tumalikod. Sa pagkakataong iyon ay tuluyan na siyang lumabas ng pribadong silid, walang lingon-likod na naglakad—tuwid at malaki ang bawat hakbang. Nakasunod sa likuran niya ang kanyang kanang-kamay.
“Make sure she doesn’t disturb me,” utos niya kay Jago, hindi kababakasan ng emosyon ang kanyang mukha.
“Noted, Sir,” tugon nito.
“Did you get the documents?” tanong niya sa lalaki, hindi nag-abalang tingnan ito.
Umagapay sa paglalakad niya si Jago. “Nasa akin na po lahat, Sir.”
“Submit the marriage documents for legal registration, then forward the proof of marriage to nonna cara’s lawyer,” aniya.
“Masusunod ho agad, Sir.”
Nakalabas na ng Nocturne si Wolfe at nakasakay na sa backseat ng kanyang Mercedes-Maybach, pero may isang parte pa rin ng utak niya ang nagpapaalala sa kanya sa inosenteng imahe ng babaeng kinontrata niyang maging asawa sa durasyon ng isang taon.
I won’t touch her, siksik niya sa isipan.
Tumikhim si Jago na nakaupo sa front seat. Napatingin tuloy siya rito. Saglit itong nataranta nang salubungin niya ng malamig na tingin ang mga mata nito sa rearview mirror. “May gusto ka bang sabihin sa akin, Jago?” seryoso niyang tanong dito.
Napaubo ito, nagulat sa biglang pagtatagpo ng mga tingin nila sa salamin. Pilit nitong hinamig ang sarili. “Ahm, ano na po ang plano mo kay Ms. Veraluna?”
“Should I have a plan for her? I already got what I needed.”
“Wala ka po ba talagang planong makipag-ugnayan pa ulit kay Ms. Veraluna?”
“Our signing a marriage c*ntract is nothing more than a business arrangement. She lives her life, and I live mine. Separately. After one year, we will annul our marriage.” Habang seryosong nagsasalita ay inaayos naman ni Wolfe ang cufflink sa sleeve ng damit niya. Ang mahahaba niyang daliri ay kalkulado ang paggalaw. Even the nails on every finger were neatly and perfectly trimmed.
Tumango si Jago.
“Just keep an eye on her. Tiyakin mong hindi siya manggugulo. I can’t afford to have anyone ruin my reputation.”
“Sir, kahit naman ho subukan pang yurakan ng milyong katao ang reputasyon mo, ay hindi ka naman din matitibag sa tuktok na kinalalagyan mo ngayon.”
Jago was right.
He had solidified his reputation in the business world, as if each letter of his name was etched in stone—Wolfe Virelli. But if truth be told, his reputation wasn’t exactly glowing. Because he was known as ruthless, manipulative, and domineering.
Kaya marahil nagkaroon siya ng matibay na koneksyon sa pinangingilagang organisasyon ng Mafia, ang Kratos, ay dahil halos kaugali niya ang magkakapatid na de Crassus. In exchange for the strong protection they offered his business, he invested in theirs. It’s a win-win, no one loses, with both parties gaining exactly what they want.
Kilalang-kilala si Wolfe Virelli sa buong mundo. Ang mga bagay tungkol sa kanya ay nakasulat sa iba’t ibang articles, corporate magazines, at business reports. Ang imahe niya ay mapapanood sa interviews at TV shows na may kinalaman sa financial industry.
“Tingin ko naman, Sir, hindi maghahabol sa iyo si Ms. Veraluna,” sabi ni Jago.
Hindi siya umimik, nakapinid lang ang mga labi niya. Ang mga kamay ay pinagsalikop niya.
Nagpatuloy sa pagsasalita ang kanang-kamay niya. “Hindi nga niya alam kung sino ka, Sir.”
Nagulat din siya nang pagpasok ni Tahti sa loob ng pribadong silid at dumako sa kanya ang mga mata nito ay hindi siya nito nakilala. Kahit na nang sabihin na niya rito ang pangalan niya ay tila wala pa rin itong ideya kung sino si ‘Wolfe Virelli.’
She had no idea who Wolfe Virelli was.
She was the first woman who didn’t recognize him.
And she's his Mrs. Virelli now.
Tingin niya, hanggang sa mga oras na iyon ay hindi pa rin alam ni Tahti na sobrang maipluwensiya at makapangyarihan ang lalaking asawa na nito ngayon.
Hah!
“Pasundan mo pa rin siya sa mga tauhan ko,” utos niya kay Jago.
Baka kapag nalaman nito kung gaano kayaman ang lalaking nakarehistrong legal nitong asawa ay bigla na lang itong magkainteres sa kanya?
“I just want to make sure that she doesn’t come near me.”
_____
NAGING MATIWASAY ang mga sumunod na araw sa buhay ni Tahti. Nabayaran niya ang mga gastusin sa ospital. Kahit kaunti ay naging panatag ang kalooban niya. Nasa Intensive Care Unit pa rin ang kapatid, at hindi pa rin ito nagkakamalay. Patuloy pa ring inoobserbahan ng mga doktor ang trauma sa utak nito. Panalangin niya lang ay gumaling na sana nang tuluyan si Tarin.
Tarin was her entire family.
Silang dalawa na lang ang magkasama ngayon. Kahit hindi niya ito totoong kapatid, ay mas malapot pa sa dugo ang tibay ng pagmamahal niya para rito.
Isa pa, kapag may nangyaring masama kay Tarin, para na rin niyang binigo ang mga magulang niya. Kaya handa siyang gawin ang lahat para mailigtas lang ito, kahit na ang pumirma pa ng marriage c*ntract at maging asawa ng lalaking hindi pamilyar sa kanya. Ang mahalaga lang ngayon ay may katumbas na totoong pera ang pag-pirma niya sa kontrata.
Napabuntong-hininga si Tahti, at bumaba ang tingin niya sa isang piraso ng puto na nakabalot sa dahon ng saging. Iyon lang ang nag-iisang pagkain sa ibabaw ng puti at hugis kuwadradong mesa. May katabi lang iyong plastic cup na may lamang tubig galing sa water dispenser. Kasalukuyan kasi siyang nasa canteen ng ospital. Puwede naman siyang um-order pa, pero tinitipid niya rin ang perang natira sa kanya. Hindi biro ang mga bayaring-medikal. May mga kailangan din siyang bayaran sa eskuwelahan. Ang renta pa sa bahay. At sa mga pinag-apply-an niyang trabaho, ay wala pang tumanggap sa kanya.
Dinampot niya ang puto at kumagat ng isa. Habang ngumunguya ay nag-iinit ang sulok ng mga mata niya. Pero ayaw niyang umiyak. Hindi siya puwedeng maging mahina. Magpapakatatag siya para sa kapatid niya.
Mabilis na niyang inubos ang natira pa sa hawak na puto, saka inisang lagok lang ang tubig na nasa loob ng plastic cup. Tumayo na siya. Hindi pa siya puwedeng bumalik ng ICU dahil hindi pa visiting hours. Uuwi na lang muna siya.
Hindi naglipat-oras ay sakay na siya ng pampublikong jeep pauwi sa inuupahan niyang bahay. Pero sa kanto palang ay napatda na siya, natigilan. Sa tapat ng bahay niya ay nag-aabang ang Tiyo Kabral ni Lucreza. Nasa singkuwenta na ang edad nito. Malaki ang tiyan. Panot na ang Tiyo Kabral sa tuktok ng ulo nito. May kasama itong apat na kalalakihang may mga dalang dos por dos.
Gumapang agad ang lamig sa talampakan ni Tahti at umakyat sa kalamnan niya. Ang alam niya ay nakakulong ang lalaki, dahil may nagawa itong krimen. Paano ito nakalabas?
Sa isang paglingon ni Tiyo Kabral sa direksyon niya ay nakita siya kaagad nito.
“Tahti!” tawag sa kanya ng lalaki. “Na-miss mo ba ako? Sabi ko naman sa iyo, lalaya agad ako!”
Nanigas ang likod niya. Ang boses ng lalaki ay magaspang, parang itak na paulit-ulit na dinidikit sa hasaan. Magaras sa tainga. Matagal ng may gusto sa kanya si Tiyo Kabral, at matagal na ring sinasabi sa kanya ni Lucreza na huwag siyang magtitiwala sa tiyuhin nito. Masamang tao ang lalaki. Nangmo-molestiya ng mga babaeng di-hamak na mas bata kaysa rito.
Bago pa makalapit sa kanya ang lalaki ay kumaripas na siya ng takbo palayo. Muntik pa siyang madapa sa bilis ng pagkilos ng mga paa niya.
Parang sasabog ang dibdib niya sa lakas ng pagkabog, lalo na at alam niyang hinahabol siya ng Tiyo Kabral at ng mga kasamahan nito.
Kanino siya hihingi ng tulong?
Puwede naman siyang tumungo ng police station, pero alam niyang makakahanap at makakahanap ng paraan si Tiyo Kabral para hindi makulong, at babalikan siya nito.
“Diyos ko, sino ang tutulong sa akin?”
Nasa Japan si Lucreza, kasama nito si Elson. Sino pa ang puwedeng hingan ng tulong ni Tahti?
Isang pangalan lang ang nagsusumiksik sa utak niya nang mga oras na iyon.
"Wolfe Virelli."