CHAPTER 5

1425 Words
"Wolfe Virelli." Nagpaulit-ulit ang pangalang iyon sa loob ng utak ni Tahti. Wolfe Virelli… Ang pangalan ng lalaking kinontrata siyang maging asawa. Sa edad na disiotso, hindi akalain ni Tahti na magiging misis na siya ng lalaking hindi niya lubusang kilala. “K-kung asawa pala ang hanap mo, bakit pinagsayaw n’yo pa ako kanina?” nagugulumihan niyang tanong. Wolfe let out a low growl and eyed his right-hand man sharply. “That was not my idea.” Napasunod ng tingin si Tahti patungo sa dako ng taong sumalo sa matalim na tingin ng big boss—si Jago. Gumuhit ang tabinging ngiti sa mga labi nito. “Pasensiya na, Ms. Veralu—Mrs. Virelli. Ideya ko lang iyon.” Sinibat niya ng matalas na tingin si Jago. Trip lang pala nitong pagsayawin siya? Ano ang tingin nito sa kanya? Laruan? Kumawala lang ang hilaw at mababang tawa mula sa bibig ni Jago bilang tugon sa matalas niyang tingin. “Forget it. Tapos na iyon. Nangyari na. We’ve already watched you dance,” wika ni Wolfe. His huge hand tightened around hers. Bumaba ang tingin ng dalaga sa mga kamay nila ng binata na magkasalikop pa rin pala nang mga sandaling iyon. Sakop ng malapad at mainit nitong palad ang buong kamay niya. Hinila niya ang kamay, subalit katulad kanina ay hindi pa rin nito binitiwan iyon. Kaya mulagat ang mga matang napatingala siya sa mukha ng big boss. Wolfe stared right back at her, hard, like he wasn't planning to look away. Napaigtad pa si Tahti nang umangat ang kabilang kamay ni Wolfe at humaplos sa pisngi niya. Nanigas ang buong katawan ng dalaga, lalo na nang sumayad ang hinlalaki ng boss sa ibabang labi niya—dumiin at humagod. "S-sir..." Gumagapang ang tensiyon sa mga ugat at kalamnan niya. "Your lips are pale. Are you afraid of me?" tanong nito sa kanya. Hindi siya nakaimik. Hindi niya alam kung ano ang isasagot dito. Ano ba ang dapat na itugon niya? Naglaro ang misteryosong ngiti sa mapulang mga labi ni Wolfe. His thumb continued to feel her lower lip. "Don't be afraid. And don't be so quick to pull your hand away." Sumulyap ito sa magkasalikop pa rin nilang mga kamay. "Wala naman akong gagawing masama sa iyo. I won't put you in a cage—unless..." His eyes darkened, a dangerous glint flashing in them, "...unless you give me a reason. And if I ever do, you won't get out." May gumapang na kilabot sa buong katawan ni Tahti. Ang baritonong boses ni Wolfe at ang matiim na kislap sa mga mata nito, ay nagpapakabog sa dibdib niya at nagpapasikip sa lalamunan niya. Tila may mensaheng nakatago sa likod ng mga binitiwan nitong salita, pero hindi niya eksaktong matukoy kung ano iyon. “Sabi mo, huwag akong matakot, pero parang tinatakot mo naman ako…” Hindi niya napigilang isatinig. “No, I’m serious, you don’t have to be scared of me. I have no interest in young girls like you.” "B-bitiwan mo na ang kamay ko," aniya, hindi makapagsalita nang derecho. Wala raw itong interes sa kanya, pero bakit nagririgodon ang puso niya? May isang parte ng utak niya ang tila may pulang ilaw na paulit-ulit na kumikislap. Sa wakas ay binitiwan din ng boss ang kamay niya. Itinuwid nito ang likod at inayos ang kurbata nito. Iminosyon nito ang envelope. "Sign the documents now, and our marriage will be official before the day ends." Kumilos kaagad siya para pirmahan ang mga dokumento. Habang nakayuko siya at nakatingin sa papel, ay ramdam na ramdam naman niya ang mainit na pagtitig sa kanya ni Wolfe. Wala ba itong balak na lubayan siya ng tingin? Ang init ng pagtitig nito sa kanya ay nanunuot sa batok niya. “Aside from the marriage c*ntract, you must also sign the c*ntractual agreement, which stipulates that both parties agree that the marriage shall be annulled or dissolved after one year from the date of marriage.” May kinuhang itim na card mula sa bulsa nito si Wolfe at inabot nito iyon sa kanya. “Here, take this.” Tumingin siya sa binata at tinanggap ang card. “Isang milyon ang laman niyan. Ang natitirang isang milyon ay ibibigay sa iyo sa pagtatapos ng ating kasunduan. Maliban sa ipinangakong halaga ay hindi ka puwedeng makihati sa mga propiedad ko. You are not entitled to a single thing I own. My money, my assets—they are all under my name. And you have no right to any of it. Kahit pa sabihing naging asawa kita sa loob ng isang taon. Tandaan mo, may kasunduan tayo.” Kumunot ang noo ni Tahti. Wala naman talaga siyang balak na pag-interesan ang kayamanan ng big boss. Kung hindi lang dahil sa kritikal na kalagayan ni Tarin ngayon ay ni hindi siya papasok sa kasunduang iyon. “Sign the non-disclosure agreement as well, since our arrangement must remain a secret. If you breach this c*ntract or fail to fulfill its terms, you will owe me five times the amount agreed upon for your role as my c*ntract wife,” pormal nitong pagdiriin sa kanya. Five times? Two million times five? Ganoon ba iyon? Ibig sabihin ay magkakautang siya ng sampung milyon dito? Saang kamay ng Diyos niya kukunin ang halagang iyon? “Wala kang dapat ikatakot o ikabahala kung alam mong hindi ka sisira sa napagkasunduan natin,” anito. “And my nonna cara is already dead—ang dahilan kung bakit ko kailangang gawin ito, kaya hindi mo kailangang umaktong asawa ko. All I need is your legal signature and information. Then, stay hidden as if you don’t exist. We don’t have to live under the same roof, and we won’t f*ck like husband and wife. We're not a real married couple anyway. You’re just a wife in name, a temporary Mrs. Virelli.” Napayuko siya. Kailangan bang ipagdiinan nito iyon? Bakit pakiramdam niya ay ang liit-liit niya sa paningin ng big boss? Dahil ba tinutumbasan siya nito ngayon ng pera? Kung may isang bagay siyang pinagpapasalamat, iyon ay ang tila wala itong pakialam sa katawan niya. Nakita siya nitong tanging mga panloob lang ang suot, pero balewala lang dito ang nakita. Tumunog ang cellphone ni Wolfe. Kinuha nito iyon at tiningnan ang screen. "I have an urgent meeting," sabi nito. "Ah, okay po," tanging tugon niya. "Malinaw naman na siguro sa iyo ang lahat ng napag-usapan natin dito?" Tumango siya. "I don't want to see you here in Nocturne again." Nanigas ang likod ni Tahti, dahilan para umalsa ang malalagong kilay ng boss. "You are no longer employed here, remember that," anito sa kanya. "Oo nga po pala." Hindi na niya kailangang pumasok ng bar. Mag-iisip na lang siya ng maidadahilan kay Elson. "S-sir, sana po huwag n'yong pagalitan si Boss Elson sa pagpapapasok niya sa akin dito sa Nocturne." Nagsalubong ang mga kilay ni Wolfe. "You're protecting him?" Maigting siyang umiling. "Hindi po! Pero nakiusap lang kasi sa kanya ang kaibigan ko na karelasyon niya, kaya napilitan siyang gumawa ng paraan para makapagtrabaho ako rito." "Ang karelasyon ba talaga niya ay ang kaibigan mo?" "Opo!" "Hmm." Parang hindi kumbinsido si Wolfe Virelli? Iniisip ba nitong sila ni Elson ang may romantikong ugnayan? "Sir, wala pa po akong nakaka-relasyon. Hindi pa nga po ako nagkaka-boyfriend," nasabi niya. Matagal na napako sa mga mata niya ang matiim na tingin ng big boss. Tapos ay tumango ito. "Okay." Nilingon nito ang kasamang lalaki. "Jago, collect the documents. We have to go." Kinalap na ni Jago ang mga nilagdaan niyang dokumento. Tumalikod na kaagad si Wolfe Virelli at humakbang patungong pinto, subalit huminto ito saglit. “Get Jago’s contact number. Kung may kailangan ka, tawagan mo lang siya," wika nito, pero hindi na nag-abalang lingunin pa siya. “Ahm, eh ang number ko po? Ibibigay ko na lang kay Jago?” tanong niya. “We already have your number,” payak nitong tugon. Hindi na nagulat si Tahti. Alam ng mga ito ang buong pangalan niya, pati ang totoong edad niya, at ang mga sinumite niyang pre-employment documents sa HR, kaya pihadong alam din ng mga ito ang contact number niya. Kaya nga siguro siya ang pinili ng big boss dahil alam nito ang sitwasyon niya. Alam nitong handa siyang umayon at kumapit sa kahit na ano. Bago tuluyang pihitin ang doorknob ay may huli pang mensahe sa kanya si Wolfe Virelli. “Wife, be good—and never show up in front of me again. Kapag binulabog mo ako, magsisisi ka.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD