Matagal bago nagawang hawakan ni Tahti ang envelope. Kumakabog nang malakas ang kanyang dibdib, sa tindi ng pagpintig ng kanyang puso, pakiwari niya ay magigiba na ang tadyang niya. Ngayong nasa mga kamay na niya ang envelope ay hindi naman niya magawang buksan iyon.
“Open it,” sambit ng big boss, na ikinapitlag ni Tahti. Literal na umalsa ang linya ng mga balikat ng dalaga nang marinig ang boses ng lalaki.
Napatingin siya sa mga mata ng big boss, pero mabilis din siyang nagyuko ulit ng ulo nang makitang nakatitig din pala ito sa kanya. May malapot na intensidad ang nakapaloob sa mga mata nito, at hindi niya kayang sabayan ang uri ng pagtitig nito sa kanya. Because his gaze was both cold and intensely hot at the same time. It froze and burned her all at once.
Ganoon ba kapag big boss? Ubod ng lakas ang presensiya?
Muli ay narinig na naman ni Tahti ang paulit-ulit na pagtapik ng dulo ng mga daliri nito sa braso ng sofa. “How much longer do you plan to stare at it?” His voice dripped with impatience. Tumingin ito sa relo. “You-are-wasting-my-time,” mababa pero mariin nitong sabi.
Nalaglag ang panga ni Tahti, ang kabang kanina pa namuo sa dibdib niya ay lalong trumiple. “S-sorry po. B-bubuksan ko na po,” nauutal niyang wika. Hawak na niya ang dulo ng dokumento at hihilahin na lang niya palabas nang may kumatok sa pinto.
“Ang HR na iyan. Get the document I told them to print out a few minutes ago,” anang big boss sa right-hand man nito.
Tumalima naman kaagad si Jago. Kinuha lang nito ang dokumento mula sa personnel ng HR na nasa labas ng silid, at hindi na pinapasok ang taong iyon sa loob.
Pagbalik ni Jago ay sinenyasan ito ng big boss na iabot sa dalaga ang dokumento.
Sa kabila ng panginginig ng kamay ni Tahti ay napilitan siyang tanggapin iyon. Nang mabasa niya ang nakasulat sa dokumento ay naubos nang lahat ang kulay na kanina ay natitira pa sa mukha niya. The words ‘Termination Notice’ were written in bold, capitalized letters.
Pati ibabang labi ni Tahti ay nangatal na rin, habang ang mga mata niya ay dahan-dahang dumako sa mukha ng big boss. Ang mga mata niyang pinamukalan ulit ng mainit na luha. “S-sir, m-maawa po kayo sa akin—”
“Sign it,” he cut her off, his voice was cold and firm. Tuwid at walang emosyon ang mababanaag sa pormal nitong mukha.
Binigyan siya ng ballpen ni Jago. Pero hindi niya tinanggap iyon. Sa halip ay bigla na lamang siyang lumuhod, nakayuko ang ulo. Lumuhod siya sa harapan ng big boss. “Parang-awa mo na, Sir. H-hindi po ako puwedeng mawalan ng trabaho ngayon. May kapatid ho akong nakaratay ngayon sa ospital. H-handa po akong gawin kahit na ano pa ang gusto mong ipagawa sa akin. Kahit ano pa iyan. Kakayanin ko. H-hindi ako magri-reklamo.”
“What if I told you to strip naked in front of us right now?”
Nanigas ang linya ng panga ni Tahti, kasabay ng pamimilog ng mga mata niya. “S-strip naked? Maghuhubad ho?”
He slowly tilted his head to the side, a wicked grin pulling at the corner of his lips. “Can you do it?” paghahamon nito sa kanya.
“Ano po ba ang balak n’yo talagang gawin sa akin?” Ang bagong trabaho bang inaalok nito sa kanya ay ang maging babaeng parausan nito ng init? Halos hindi na siya makahinga, pero nagawa niya pa ring disimuladong kapain ang DIY spray na nasa loob ng bag niya.
“You walked into the aquarium without any idea of what you were getting yourself into?” May pang-uuyam sa timbre ng boses ng big boss.
“Nagtanong naman ho ako, pero ang sabi sa akin, confidential daw kaya walang may ibinigay na detalye.”
“Oh,” ang naging tugon ng lalaki. But that ‘oh’ was sarcastic.
“Totoo po. Kaya lang naman ako pumayag na pumasok sa loob ng aquarium ay dahil gipit na gipit ho ako ngayon, at kailangang-kailangan ko ng malaking halaga ng pera. May kapatid ho akong nabangga ng kotse at nasa ospital ngayon. Nasa-ICU pa rin ho siya at hindi pa nagkakamalay. Wala akong malapitan, kaya—”
“I’m not interested in hearing your story,” malamig na sabi ng boss.
Napalunok si Tahti.
“Just answer me—can you strip or not?” Habang tinatanong nito iyon ay wala pa ring mababakas na emosyon sa anyo ng mukha nito.
“A-ayoko po,” matigas niyang sabi.
Umalsa ang isang sulok ng mga labi ng lalaki. “I thought so—”
“Ayoko po, pero gagawin ko,” biglang dugtong ni Tahti sa naunang litanya, bagay na nagpatikom sa bibig ng may-ari ng Nocturne.
“What?” he asked, his brows furrowed at the center. He didn’t look happy at all.
Humugot ng malalim na paghinga ang dalaga. Tumayo siya, tinuwid ang likod. Tapos ay inabot ng mga kamay niya ang zipper sa likod ng bestida at hinila iyon pababa. At bago pa may lumabas na kataga sa bumukang bibig ng boss ay mas nauna nang nahulog sa paanan niya ang puting bestida.
“What the hell!” Marahas na lumingap ang boss sa right-hand man nito, pero si Jago ay nakabaling na ang tingin sa ibang direksyon, nakapako sa pader.
“Wala akong may nakita, Sir. Totoong wala po talaga,” sabi kaagad nito.
“I’m going to gouge out your eyes if you saw anything,” magaspang na sikmat nito kay Jago. “Keep your eyes on the wall,” magaras nitong utos.
Naguluhan si Tahti, nalito. Kitang-kita niya ang paggalaw ng muscle sa linya ng panga ng may-ari ng Nocturne. Para itong papatay ng tao. Galit ba ito? Pero bakit? Ito naman ang nagsabing maghubad siya, ah? Ngayon ay nakatayo siya sa harapan nito na tanging puting mga panloob lang ang suot.
Nang tumingin ulit sa kanya ang boss ay nanuyo ang lalamunan niya, lalo na nang hagurin siya nito ng mainit na tingin mula ulo pababa. Parang may kalakip na apoy ang mga titig nito. Napapaso siya. Mainit. Animo dinadampian ng baga ang balat niya.
“Put the dress back on. Now,” maigting nitong utos sa kanya. Naglalagablab ang galit sa mga mata nito, bagay na lalong nagpanginig sa mga kalamnan niya.
Dali-dali niyang isinuot ulit ang bestida.
“Never f*cking do that again, or I’m going to feed your bare flesh to the wolves!” sikmat nito sa kanya.
“Pero ang sabi mo kasi maghubad ako…”
“I asked you, not told you to actually do it.”
Napanganga si Tahti. Hindi pala utos iyon?
“Sign the termination notice, because as I mentioned earlier, you are no longer an employee of Nocturne. But there’s another c*ntract in the envelope, and that’s the new job I’m offering you.” Ang baritonong boses ng lalaki ay puno ng disgusto.
“Sit down,” sabi nito sa kanya.
Muli siyang naupo at kinuha ang ballpen, saka pinirmahan ang termination notice.
“Now open the envelope and read the c*ntract.”
Ganoon nga ang ginawa niya. Binuksan niya ang envelope at hinila palabas ang dokumentong nasa loob niyon. Akala ni Tahti ay wala nang puwedeng gumulat sa kanya pagkatapos ng mga nangyari. Pero meron pa rin pala.
Nabitiwan niya ang hawak na dokumento.
“Pick it up,” anang big boss.
Kinuha ng nanlalamig niyang mga kamay ang dokumento.
“Nabasa mo ba?” kaswal nitong tanong sa kanya.
Tumango siya. “Marriage c*ntract?”
“Yes, that’s correct.”
“Bakit marriage c*ntract?”
“I need a wife,” walang ligoy nitong tugon.
Parang namanhid ang utak ni Tahti. Hindi niya maintindihan kung gising ba talaga siya o nananaginip lang? Sa panaginip lang kasi posibleng maganap ang mga ganitong eksena. “Bakit ako?”
“Bakit ka pumasok sa aquarium?” balik-tanong lang nito sa kanya.
Ibig sabihin, ang mga babaeng nasa loob ng aquarium kanina ay ang mga pinagpipilian ng big boss para maging asawa nito?
“Ang sabi kasi ng bisor ko ay may nag-text sa kanya, pinapapasok ako sa aquarium.”
Tumalim ang kislap sa mga mata ng boss at pinukol nito ng tingin si Jago na nakatutok pa rin ang mga mata sa pader. “You’re going to explain this to me later, Jago,” anito sa kanang-kamay, bago ito muling bumaling sa kanya. “I don’t care how you got inside the aquarium. Ang alam ko lang, nandito ka na ngayon sa harapan ko. You saw the document. I need a wife, and you need money for your sister’s medical expenses.”
“Pero…”
“Isang taon lang. Asawa sa papel sa loob ng isang taon. And I’ll give you two million pesos in exchange for being my c*ntract wife for one year. Kung kulang pa ang dalawang milyon, sabihin mo lang."
Isang taon lang, dalawang milyon na kaagad ang katumbas? Matutustusan na niya ang gastusing medikal ng kapatid niya sa ospital. Gumalaw ang lalamunan ng dalaga, parang ang hirap lumunok dahil naghahalu-halo na ang emosyon niya.
“Ang ibig bang sabihin ng pagiging asawa sa papel lang ay hindi mo aangkinin ang katawan ko?” alanganin niyang tanong dito.
Pumalatak ang lalaki. Hinayon siya uli nito ng tingin mula ulo hanggang paa. “I saw your body a while ago, even if I wanted to f*ck you, I don’t think it would fit,” direkta nitong sabi.
Sumabog ang pamumula sa buong mukha ni Tahti. Gaano ba kalaki ang pagkal*laki nito at hindi talaga magkakasya? Isa pa, hindi naman nito nakita ang puwerta ng pagkab*bae niya, ah? Hindi naman siya hubad talaga. May suot pa naman siyang mga panloob kanina.
“I won’t touch you, Ms. Veraluna.”
Unti-unti siyang tumango. Wala naman sigurong mawawala sa kanya. “Ahm, sige, payag na ako.”
Mula sa pagkakaupo ay tumayo ang lalaki, at napanganga si Tahti habang sinusundan ito ng tingin. Napatingala siya sa binata. The big boss was so tall. Nanliit siya ngayong nakatayo na ito sa harapan niya.
Napatindig si Tahti.
Inilahad nito ang kamay. Malaki rin iyon, malapad. Tinanggap niya ang pakikipagkamay sa kanya ng boss. Muntik pa niyang bawiin ang kamay dahil tila may gumapang na kuryente sa palad niya nang magdikit ang mga kamay nila, pero hindi niya mahatak iyon dahil hawak nang mahigpit ng lalaki.
“I trust you'll handle your part in this, Mrs. Virelli.”
May kung anong pumitik sa puso ni Tahti. “Mrs. Virelli?”
“Yes, aren’t you going to be my wife?”
“Ano po ba ang buong pangalan mo, Sir?”
“Wolfe. Wolfe Virelli.”