CHAPTER 3

3989 Words
HIS last name sounds familiar. Griffin, hmmm…I think I heard it somewhere before. Pinilit kong alalahanin kung saan ko narinig ang last name niya hanggang sa parang may nag pop up sa utak ko na linya galing sa nobela. ‘Haru Griffin, his brown eyes are cold as ice and his hair is colored ash. Pointy nose, soft and perfect shape of red lips. A masterpiece of God.’ Gulat na napatingin ako sa aking katabi pero hindi niya ako napapansin dahil focus siya sa pakikinig kay Flamingo. “Right!” napatayo ako sa gulat nang ma-realized ang lahat. “What again, Miss Zelenia?!” nalipat ang paningin ko kay Flamingo at kinalma ang aking sarili. ”Nothing. Continue,” sagot ko at naupo na muli. Nag patuloy na siya sa pagdidiscuss habang lumilipad na sa kabilang planeta ang aking isipan. I can feel him glancing at me, but I’m not sure if he's glancing or glaring at me. As long as I don't love him, I am safe. But still I have to stop this arrange marriage no matter what, kung ayaw kong maging katawatawa ang sarili ko at maging ang pamilya ko. Masarap maging single, isipin ko pa lang na may asawa na ako at this age ay ikababaliw ko na. Hassle kapag may partner ka kaya ayokong magpasakal. Malapit na ang breaktime, nang mag announce si Sir. “Siya nga pala, bago ko makalimutan! Meroon transferee student tayo tomorrow, so dapat behave kayo and be friendly. Okay ba?!” natigilan ako sa announcement ni Flamingo. Transferee student? Nanliit ang maganda kong mata. “Sir! Sir!” Isa sa mga classmate namin ay nag taas ng kamay, “Is it a girl or a boy?” tanong ng babaeng classmate namin at kinikilig sa excitement. “It's a girl, kaya huwag kang irit ng irit diyan. Malanding 'to,” sagot niya at napairap. It's a girl? If I remember it right, Soleil is the only one who transferred in this class. Maybe, it is Soleil. Kung tama nga ako, this story is getting more and more exciting. I can't wait to see her, this will be fun. “That’s all, puwede na kayo mag break time!” Buong klase ay inisip ko ang transferee student at kung paano ko maititigil ang kasal, sigurado akong hindi sila papayag na ipatigil ko ang kasal dahil ang grandparents namin ang may kagustuhan no’n. Pero wala na naman ang grandparents namin dahil nasa heaven na sila. Kapag na in-love naman sa isa't isa si Haru at Soleil, ang pamilya ko lang ang mapapasama. “Hmmm…” I got chills when Haru's stares got intense. Hanggang sa mag break time na ay tiniis ko ang masamang tingin na ipinupukaw sa akin ng katabi ko. Habang pinagpaplanuhan ng maigi ang operation itigil ang kasal, isinantabi ko muna ang tungkol sa transferee student at sa organisasyon. Nang mag breaktime na ay agad na akong umalis sa classroom dahil kung magtatagal pa ako doon ay baka mamatay ako sa masamang tingin niya. Nakahinga ako ng maluwag nang makarating na sa cafeteria pero natigilan ako sa paglalakad nang may bumagsak na babaeng nerd sa aking harapan. Her eyes are in tears while a group of girls is bullying her, everyone is laughing at the sight of her. “You're a commoner, a lame nerd! What makes you think that you're belong in here?” umangat ang paningin ko sa babaeng nag salita, tumaas ang isang kilay ko nang makilala ito. Her name is Lorraine at isa siya sa mga leader ng mga alipores ni Nisha. In short, she's her right hand kaya naman umaakto ito na reyna sa school. “A-Ano ba ang ginawa ko? Tahimik na kumakain lang nama–Ah!” natigil sa pagsasalita ang babaeng nerd nang malakas na sampalin siya ni Lorraine. “How dare you talk back to me!” “A-Ah! T-Tama na please.” Nakisampal na rin ang mga babaeng kasama nito, tuluyan nang umiyak 'yong nerd. “Alam mo kung anong bagay sa'yo?” Lorraine asked while smirking. Then she opened her drinks, pagkatapos ay binuhos ang lahat ng laman no’n sa kaniya. Malapit lang ang nerd sa trashcan kaya tinulak siya ng acting queen pasalampak doon, dahilan para matapon sa kaniya ang lahat ng basura sa trashcan. “You belong here, in the trash can.” Hindi na nakapagtataka ang eksenang napapanood ko ngayon, natural na sa isang novel ang mga kagaya nilang bully at ang mga kagaya naman nila na nagpapabully. I just don't understand them. Ano ang mapapala nila sa pangbubully? Masaya ba? Nagiging famous ba sila dahil doon? O kulang lang talaga sila sa pansin tulad ko? Kulang rin naman ako sa pansin, but I never bullied anyone. Hindi ko rin maintindihan ang mga katulad niyang mga nerd na nagpapabully. Why don't she stand up for herself, I know na mas madami sila at iisa lang siya. But at least hindi siya magmumukha na mas lalong kawawa. Look at her, patuloy lang siyang umiiyak habang nakasalampak sa sahig. Wala naman maitutulong ang pag-iyak niya, kung gumagawa siya ng paraan para makaganti sa kanila eh 'di may thrill ang scene ngayon sa harapan ko at masasarapan ako na panoodin sila. “Oh? Nisha, you're here na pala! Welcome back, Queen!” sa wakas ay napansin na rin niya ang presensya ko. She's smiling at me, but I know she will stab me when I turn my back at her. I am sure na umaakto siya bilang isang reyna na naman sa school sa ilang araw kong pag absent. Bebeso na sana siya sa akin, but I raised my hand to stop her dahilan para tumahimik ang lahat ng estudyante dito sa cafeteria at natigil rin sila sa pagtawanan. Poker face lang ako nang umangat ang paningin sa akin no'ng nerd na tila hinihintay ang tulong ko, her eyes is asking for help that made my left eyebrow creased. “Pathetic,” mahinang sambit ko pero rinig na rinig dahil tahimik silang lahat. I rolled my eyes then nag patulog na ulit sa paglalakad, sinadya ko pa siyang banggain. “Nakalimutan ko, masama nga pala si Nisha.” “Why am I expecting anything? She's still the same, ruthless bitch.” “Dapat tinulungan niya 'yong babae, kawawa naman.” Muntik na ako matawa dahil sa mga naririnig ko, kung mag bulungan sila at mag salita ng mga masasama sa akin ay para bang hindi nila pinagtatawanan si nerd kanina. Parehas lang kaming masama, ang pinagkaiba lang namin ay sila hypocrite habang ako naman ay masama lang. Hindi ko pinansin ang pagsunod ng tingin nila sa akin at pumila na sa counter para mag order ng food. Ang daming estudyanteng nakapila, It took me three minutes before my turn. Finally, ako na ang susunod kaya napangiti ako pero nawala iyon nang biglang sumingit sa pila. “I want a sandwich and a caffe latte.” Nawala ang magandang mood ko sa pag singit niya. “C-Coming right up, Sir.” Nalipat ang masama kong tingin sa babaeng natulala na sa lalaki at namumula pa sa kilig. “Thank you, Miss beautiful,” he winked dahilan para mas lalong kiligin ang babae. “Stop b***h,” bumaling sa akin ito at tumaas ang isang kilay nito nang mag salita ako. Natigilan ito nang makilala ako, nawala ang pagmamaldita niya sa akin at ang pamumula ng kaniyang pisngi kanina. Namutla siya sa takot sa akin, parang binuhusan siya ng malamig na tubig. “M-Miss Zelenia!” gulat nitong sigaw. “What? Do you have any problem with my last name?” tinaasan ko siya ng isang kilay at pinagkrus ang aking kamay. “W-Wala po.” “Wanna get fired?” kinabahan siya sa tanong ko at agad na umiling. ”Then do your job properly,” dinuro-duro ko ang noo niya para ipasok at itatak sa utak niya ang mga sunod kong sasabihin. “May nakita ka lang hudas na sumingit sa pila lumandi ka na, without caring about me who waited patiently and stood in line for fvcking three minutes but you gave the first service to a dickhead who cutted in line!” ”S-Sorry, Miss Zelenia.” Mariin siyang napapikit, hindi lang dahil sa pagkapahiya kun'di pati na rin sa takot na matanggal sa trabaho. ”Hey! That's enough,” may humawak sa kamay ko para pigilan ako sa panduduro sa noo ng babae. Masamang binalingan ko siya ng tingin pero pinagsisihan ko ang ginawa ko dahil nadisappoint lamang ako nang makilala siya. “Nyx Carter.” Ang kinalolokohan at kinababaliwan kong second male lead ay ang mas lalong nagpabadmood sa araw ko. “Woah! Gano’n na ba ako kaguwapo at kafamous para makilala mo?” Okay, confirm. Siya nga si Nyx, walang duda sa pagiging mahangin niya pa lang. Ngayong nakikita ko na siya hindi tulad ng pagiimagine ko lang ng image niya sa isip ko ay mas lalo siyang guwapo, but s**t! I have to relax, I am disappointed in him. “Pumila ka ng maayos kung ayaw mong magkaroon ng gulo.” Turn off na ako sa'yo, men! “Hmp! Sungit,” ngusong umalis siya sa aking harapan at pumila sa pinakadulo. “Bastard,” bulong ko at bumaling na sa maharot na babae. “Give me salad, sandwich, cinnamon rolls, and caffe mocha,” napanganga siya sa in-order ko kaya nag salubong na ang kilay ko sa inis. “What the?! Ano pa ba ang tinutunganga mo diyan?! Bilisan mo ang pag kilos kung ayaw mong matanggal sa trabaho!” nabalik siya sa reyalidad. “Sorry po, Miss Zelenia.” “Move! Move! Move!” sigaw ko na sa kaniya dahilan para mataranta siya. “Hmp! She's cruel,” narinig ko ang boses ni Nyx sa pinakadulo nang pila, mukhang sinadya niya na iparinig sa akin iyon. “Hey, b***h! Add some water too!” sigaw ko sa babae. Wala pang isang minuto ay hinihingal na inilapag na niya sa aking harapan ang order ko. “Serve it to my table, bilisan mo! Ayoko ng kukupad-kupad!” malakas ang boses kong sambit at nag lakad na paalis. Naupo ako sa pinakagitna ng table, kung saan kuhang-kuha ko ang attention ng lahat habang taranta namang nakasunod sa akin ang babae. ”E-Enjoy, Miss Zelenia.” ”Umalis ka na sa harapan ko kung gusto mong maenjoy ko ang pagkain ko, baka sumama ang lasa nito dahil sa muka mo.” Naiiyak na umalis siya sa harapan ko. “Poor girl.” “I heard nag bago na siya pero she's still the same, kawawa naman si girl.” “Still cruel.” ”But wtf?! Kakainin niya ba lahat ‘yan?” ”Ngayon ko lang siya nakitang kumain ng ganiyan kadami.” Hindi ko pinansin ang bulungan sa paligid ko at masayang kumain. “Hey!” natigil ako sa pag subo sana ng food ko nang may hudas na umistorbo sa akin, he knocked the table before I glance at him. ”You should fix your rotten attitude,” diretso at hindi pinag-iisipan niyang salita. Nyx, you jerk. I don't like you anymore. “And you should mind your own business,” diretso ko rin na sagot. Nag kibit balikat lang siya at umalis na, naupo siya sa tabi ng mga kabarkada niya. Magpapatuloy na ulit sana ako sa pagkain nang may isa pang hudas na lumapit rin sa akin, he knocked into my table like what Nyx did. “They are right, you've changed. Mas lalo pang sumama ang ugali mo,” Haru said with a poker face in front of my face. “I will do what I want, dude. Get lost.” “Spoiled, mean brat.” ”Son of a b***h. Go to hell,” tumalas ang tingin niya sa akin. ”You have a dirty mouth now, huh?” ”I Know right,” mapang-asar akong tumawa. Bumaba ang paningin niya sa mga pagkain ko, tsaka siya napangiwi. “Glutton.” ”f**k off.” Try me dude, try me! Hindi kayo mananalo sa akin, I can be mean for all I care. ‘Finally, makakakain na rin ako ng payapa–’ sumama ang mukha ko nang marinig ang school bell. “Bullshit!” galit kong sigaw bago inis na nagpapadiyak. Napatingin sa akin ang lahat ng estudyante, habang umaalis sa cafeteria para pumasok na sa kaniya nilang klase. Gustuhin ko man na magpalate na lang para makakain pero hindi puwede. Ayoko maging malungkot sila Mommy kapag nalaman nilang nag cutting or nalate ako, ayoko madisappoint sila. “Whatever.” Buntong hiningang pinabalot ko na lang ang pagkain ko bago nilagay sa bag ko, pagkatapos ay pumasok na ako sa susunod na klase. Mas lalo akong nawala sa mood nang makita sa klase ang dalawang hudas. ”Hala! Badmood yata si Nisha.” ”I'm sure may pagbubuntungan na naman siya ng galit niya." “Shush, quiet guys.” “Oh, ano ang tinitingin-tingin niyo diyan?!” badtrip na salita ko, bigla silang napaiwas ng tingin sa takot. “Bakit kayo umiwas?! Tingin lang kayo, c'mon!” parang baliw na sambit ko pero hindi na sila sa akin tumingin, ang iba ay nag aalangan rin kung titingin ba o hindi. Hmp! ‘Di na sila sa akin tumitingin, I love attention pa naman din. ”M-Miss Zelenia? W-What's going on here?” napaharap ako sa unahan dahil dumating na pala ang lecturer namin. ”Wala naman,” sagot ko at naupo na sa assigned sit ko. ”Ahm…student, before I discuss our lesson. I have announcement,” tumahimik ang lahat at nakinig sa sasabihin ng lecturer namin. “Nalalapit na ang sportsfest natin and for all the students who wants to participate will have two points in card. We have badminton, basketball, football, marathon, cycling, billiard, and archery. Puwede niyong lapitan ang ssg vice-president natin kung magpa-participate kayo sa laro and he will take care of everything, that's all.” Kumislap ang mata ko nang marinig ang announcement niya at sa isang iglap ay nagoodmood ako, umingay sa paligid at lahat ay excited sa nalalapit na sportsfest. ”Any questions?” nag taas ako ng kamay kaya lahat ay napatingin sa akin. “Kailan namin puwede lapitan ang ssg vice-president para makapag- join sa sportsfest?” hindi ko maitago ang ngiti ko. ”You will participate?” gulat na tanong niya na ikinakunot ng noo ko. “Bawal?” taas ang isang kilay kong tanong. “N-No! You can approach him when the class ends,” ngiting sagot niya. Right! Sa novel ay hindi sumasali si Nisha sa sportsfest dahil may hika siya at madaling mapagod, tsk! Ang hina naman ng katawan niya but it's okay dahil hindi ko naman kailangan tumakbo sa sports na sasalihan ko, I will participate in archery. Nag simula nang mag discuss ang lecturer namin habang hindi naman naiiwasan ng ilan na mag bulungan at mapatingin sa akin dahil sa biglaan kong pag sali sa sportsfest, siguradong ako na naman ang laman ng topic ng lahat. Okay lang, I love attention. Pag usapan niyo lang ako, tignan niyo lang ang maganda kong mukha, keke. NATAPOS ang discussion kaya inimis ko na ang gamit ko, ako na lang ang natira sa classroom dahil sa dami ng notes kong nilabas kaya nahirapan pa akong ilagay iyon sa bag ko. Nang matapos ay lumabas na ako sa classroom ko. ”Did your parents know about this?” natigilan ako, nakita ko si Haru na nakasandal sa pader na tila may hinihintay. “About what?” ”About you, participating at the sportsfest.” “Sasabihin ko sa kanila pagkauwi ko,” sagot ko sa kaniya at aalis na sana pero nagsalita na naman siya. “You know you have asthma. Parte na naman ba ito ng plano mo? Kung ano man ang pinaplano mo, wag mo nang ituloy dahil hindi iyan uubra.” Napabuntong hininga ako para pakalmahin ang aking sarili, kumukulo na naman ang dugo ko eh. ”When have you ever cared about the decisions I make?” “Don't misunderstand me. I only care because I know you are doing this to get my attention, so sto–” “Wait! Tumigil ka, Itigil mo ang kung ano mang sasabihin mo!” sabog ko nang salita na ikinatigil niya. He looked surprised, ngayon niya lang kasi naranasang sigawan ko siya palibasat laging malambing ang boses sa kaniya ni Nisha pero ibahin niya ako. “Ako nagtitimpi lang sayo ah, huwaag mo akong pakialaman. My parents never dictate me and always support me, asshole! I will do what I want to do!” Iniwan ko na siya matapos ko iyon sabihin pagkatapos ay galit akong naglakad patungo sa faculty ng ssg officers kaya halos lahat ng estudyanteng madadaanan ko ay umiiwas sa akin sa takot na mapagbuntungan ko ng galit. Kailangan ko na itigil ang kasal sa lalong madaling panahon para wala na siyang koneksyon sa akin. Bago ako pumasok sa loob ng faculty ay ilang beses muna akong bumuga ng hangin para kumalma at alisin ang galit at irita sa akin, nang kumalma na ako ay ngiting pumasok na ako sa faculty. ”M-Miss Zelenia,” gulat na napatayo ang kaisa-isang tao na nasa faculty nang makita ako, Mukha siyang nerd, but he is kind of cute at kung tatanggalin ang kaniyang salamin ay sigurado akong sobrang guwapo niya kaya mas lalo na ako napangiti. Panic na inayos niya ang kaniyang sarili. ‘Di malaman kung ngingiti ba ito, kung anong gagawin at kung anong sasabihin nang lumapit ako. I love cuties like him, I feel like he's my pet that will do anything that I ask for. “Your name?” tanong ko, bumaba ang paningin ko sa I.D niya then I sitted in his table and lean on him na ikinalunok niya at ikinababa ng paningin sa lapag. Muntik na akong matawa dahil nanatili ang paningin niya sa baba. ”Caleb Dawson. Nice to meet you, my name is Nisha Zelenia and you can call me Shasha but I would like it if you call me baby,” I flirtatiously introduced myself and offer my hand on him to shake his hand but he didn't take my hand kaya napapahiyang naibaba ko ang aking kamay. Awww…he’s blushing! Paanong naging extra character lang siya gayong napakacute niya?! Cute siya, kaya lang mukhang snobber. “N-Nice to meet you Miss Zelen–” “Shasha,” pagtatama ko sa kaniya, I guess hindi niya prepare ang baby. “S-Shasha, do you need anything?” napansin kong hindi siya makatingin ng diretso sa mata ko, kung saan-saan lang tumitingin ang mata niya. “I want to join archery,” ngiting sagot ko. “Btw, can I call you Cal?” ngiti na tanong ko. “Y-You can sign this up para makapag participate ka sa archery. Just write your name, what game you want to participate in, your adviser, and your section.” Hindi niya pinansin ang tanong ko. Binigyan niya ako ng paper and pen, umayos na ako ng tayo at ginawa ang sinabi niya. “Thanks,” I said and then wink. I saw him blushed and avoided my eyes, that made me laugh before I left his office. ”What's so funny that made you laughed?” nawala ang tawa ko nang masalubong ko na naman si Haru, I gave him a None-of-your-business- looked then nilagpasan na siya. Pumunta na ako sa cafeteria para sana kumain but I stopped when I heard voices talking about me, mga inggrata. “Hmp! Dapat mawala na lang ang Nisha na iyon sa mundong ito,” nakita ko ang babaeng nagsasalita. Siya 'yong babaeng inuuna pa ang kaharutan kaysa sa trabaho niya. “Shush! Baka may makarinig sa'yo.” “Ano naman? Wala naman siya at kahit marinig ako ng mga estudyante ay ako pa rin ang kakampihan nila dahil maldita si Nisha!” “Oo nga, ang galing ng acting mo kanina lahat ng estudyante kanina nasayo ang simpatya!” ”Dapat lang sa kaniya 'yon, feeling maganda!” Hindi ko na lang sana sila papansinin dahil sanay na ako sa mga insekyorang katuld nila pero ang mga sunod nitong sinabi ang nakapagpainit ng ulo ko. “Forever nang walang magmamahal sa kaniya dahil sa ugali niya, ang sama niya sa akin kanina!” Manghang napabuntong hininga ako at nasisiraan ang ulo na tumawa. ”Hoy! Ambisyosang impokritang insikyura!” malakas kong tawag sa kanila tsaka lang nila napansin ang presensya ko, unti-unti silang dalawa namutla nang makita ako. ”P-Po? Bakit po?” she's trembling in fear. “Ha! Nasaan ang tapang mo kanina? Saan napunta? Bumahag yata ang buntot mo? Come here,” parang takot na aso siyang lumapit sa akin at nakababa ang mukha. “Sundan mo ako,” dugtong ko at naglakad na paalis sa cafeteria. “S-Saan po tayo pupunta?” hindi ko siya pinansin, patuloy lang ako na nag lakad habang nakasunod naman siya at nakatingin sa amin ang lahat ng estudyante. “What's going on?” “What's happening?” ”I'm sure pinagtitripan na naman niya yung babae.” “Kawawa naman siya, huhu.” ”Someone help her from that evil witch.” I ignored their whispering hanggang sa tumigil ako sa pinaka center ng school kung saan makikita ng lahat ang eksenang mangyayari, then I faced her while crossing my arms. Halos lahat ng estudyante ay nasa paligid namin para manood ng eksena. “Actress ka kamo ‘di ba? Kung gusto mong gumawa ng eksena dapat dito para mapapanood ka ng mga chismoso't chismosa, tahol ka na.” Hinintay ko siyang tumahol pero dumating ang sampung segundo na nakayuko lang siya at nanginginig dahilan para matawa ako. “Nasaan ang tapang mo? C'mon, tumahol ka na. Don't worry, like what you've said nasayo pa rin ang simpatya ng lahat.” Hinintay ko na mag salita siya pero wala pa rin. Ang tagal naman, gawin naman niyang exciting ang palabas para naman may thrill sa mga chismosa. ”Miss Zelenia!” tumaas ang isang kilay ko nang utal-utal siyang nag salita at lumahod sa harapan ko, napasinghap ang lahat ng nanonood at mas lalong naawa sa kaniya. “P-Please po! A-Ako na lang po ang i-inaasahan ng pamilya ko s-sa amin! Wag mo po akong tanggalin sa trabaho!” umiiyak siya at sobrang lakas ng boses niya, halatang pinaparinig niya sa lahat ang pagmamakaawa niya. “Owemji! She's firing her?” “Hindi ba siya naaawa sa babae?" “She's heartless, how can she do that to the poor girl?!” Woah! Kailan ko sinabing tanggal na siya sa trabaho niya? Ang galing gumagawa talaga siya ng eksena. ”You really want to be fired?” ngisi kong tanong na ikinatigil niya. “You said ikaw lang ang inaasahan ng pamilya mo, eh gaga ka pala. Bakit hindi mo inaayos ang trabaho mo? Okay lang lumandi pero dapat ilugar mo, kung ikaw lang ang inaasahan ng pamilya mo dapat trabaho muna bago landi.” Siya ang nag papabigdeal sa mga nangyayari eh, kung um-acting siya parang aping-api siya. Una sa lahat hindi siya magkakaganito kung wala siyang nagawang mali, hindi ako mabait para pagbigyan na lang ang kamalian niya lalo na't hindi niya inaamin sa sarili niyang nagkamali siya. ”P-Please po, Miss Zelenia! Maawa ka na sa akin, 'wag mo po ako itanggal sa trabaho ko!” ”Okay, you're fired!” malakas kong sambit para marinig rin ng lahat. Dapat updated sa nangyayari ang mga chismosa. Ayan may bagong topic na naman silang pagchi- chismisan, the suspect and the pa-victim. Pagkatapos no’n ay iritable kong inalis ang kamay niya sa paa ko at nag lakad na paalis. That b***h. Okay rin na tinanggal ko siya sa trabaho niya para mabawasan naman ang mga tumatahol sa school. To be continued!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD