MARIEL / GENEVIEVE POINT OF VIEW Ang ingay ng paligid habang papunta ako sa susunod kong klase. Parang sabay-sabay ang bibig ng mga estudyante, puro chismis, puro bulungan, pero isa lang ang paulit-ulit kong naririnig—ang pangalan ni Ali Murat Ozcan. Kakarating ko pa lang sa building nang marinig ko sa likod ang ilang babaeng tila hindi pa nakakamove on sa pag-alis ni Ali noong huling punta raw nito sa university. "Gosh, girl! Si Ali Murat daw ulit bibisita sa campus, baka kasama ang bagong investors." Isa pang boses ang sumabat, parang nang-iinsulto pero sabik din. "Hay nako, tingnan niyo, baka dikit-dikitan na naman siya ni Genevieve, akala mo may something sila. Paawa effect tapos clingy." Bago pa ako makalingon sa mga bwisit na ‘yon, naramdaman ko na lang na kumulo ang dugo ko

