MARIEL / GENEVIEVE POINT OF VIEW Tanghaling tapat, at para kaming sardinas sa loob ng malaking covered court ng university. Grabe ang init, parang sinabayan pa talaga ng araw ang drama ng buong campus. Lahat ng estudyante, faculty, at kung sinu-sino pang di ko kilala ay nandoon, parang concert ng sikat na K-pop group ang inaabangan. Pero hindi, hindi ito concert. Mas grabe pa rito. Ito daw ay para salubungin ang investor ng university, si Mr. Ali Murat Ozcan. Oo, ‘yung fiancé daw ni Genevieve. Yung lalaking halos maging sanhi ng cardiac arrest ng katawan na tinirhan ko ngayon. Tangina, parang ako pa ang pinaghandaan ng buong mundo. May red carpet pa. May mga flowers. May sound system na panalo sa feedback. At ang pinaka nakakainis? Lahat ng mga babae parang biglang naging Miss Universe

