Nagising si Jeric sa kwarto nya na si Sol ang nagbabantay sa kanya. "Kuya Sol!" ani Jeric na nagmulat ng mata. Tumukod sya para umupo. "Dahan-dahan. Uminom ka muna bago ka magsalita," pigil ni Sol na inabot ang isang tableta at tubig kay Jeric. Sinubo kaagad ni Jeric ang tableta at nginuya bago uminom ng tubig. "Kamusta na pakiramdam mo?" tanong ni Sol. "Maayos na po. Si Kuya Addy? Kamusta na po sya?" tanong ni Jeric. "Stable na sya. Hindi pa sya nagkakamalay. Mabuti at nagkamalay ka na. Pinag-aalala mo kami ni Ate Roche mo. Sinabi ni Doc Drew na makakabuti kung magpapahinga ka pa," balita ni Sol. "Si Ate Roche?" tanong ni Jeric. "Nasa ospital binabantayan si Addy," sagot ni Sol. Saglit na natahimik si Jeric. "Gusto ko po sana syang puntahan," ani Jeric. "Inaasahan kong sasabih

