Chapter 13

1337 Words
"Bitiwan mo ako, Simon!" Ipiniksi ko ang brasong hawak nito. "Shut up!" bulyaw naman sa akin nito. "Saan mo na naman ba ako dadalhin?!" ganting bulyaw ko rin sa kaniya. "I said, shut up!" nanlilisik ang mga mata nitong tumingin sa akin. "Dahan-dahan naman kasi sa paghila at nasasaktan ako," nakalabing maktol ko na kay Simon. Mahinahon ko nang sinabi iyon sa kaniya para hindi na kami magtalo pa. Balewala rin naman kasi kung makipagbangayan pa ako sa kaniya. "Hindi mo nga naisip 'yan kanina nang iharang mo ang sarili mo sa suntok ko para sa walang kwentang lalaki na 'yon," nanggigigil nitong wika. "Bakit ka ba kasi nananakit? Ano bang ginawa nila sa'yo at ang lakas mong mang-bully?!" tanong ko sa kaniya dahil patuloy akong kinaladkad nito. "Bully?" Huminto ito sa paglalakad saka tinitigan ako nito. "Oo, ang bully mo sa aming lahat. Daig mo pa pinalaki sa squatters area kung umasta. Napakalayo naman ng ugali ni Lyka at ng mga magulang mo sa'yo. Mababait naman ang pamilya mo kabaligtaran ng sa'yo. Daig mo pa ang 'di love ng pamilya mo eh!" mahabang litanya ko sa binata. Titig na titig ito sa aking mukha na tila manghang-mangha sa aking mga sinasabi. Maya-maya'y tumaas ang sulok ng labi nito at kakaibang ngisi ang sumilay roon. "Iba talaga ako sa pamilya ko dahil demonyo akong magalit." Napanganga naman ako sa kaniyang sinabi. "Ang g*go, natuwa pa yata sa sinabi ko," naiiling kong bulong sa sarili. Muli akong kinaladkad nito pahila ngunit nagpumiglas ako sa kaniya. "Hindi ako sasama sa'yo!" matigas kong saad sa binata. "Sasama ka!" matigas nitong tugon. Nagsukatan pa muna kaming dalawa ng tingin at walang gustong magpatalo isa man sa'min. "Carla!" Nilingon ko ang tumawag sa'kin na walang iba kundi si Lyka. "Why are you here?" maangas na tanong ni Simon sa kaniyang kapatid. "I'll save Carla from you!" Binelatan pa muna ni Lyka si Simon saka mabilis akong hinila nito sa braso kung kaya nabitiwan ako ng huli. "Run, Carla!" sigaw sa akin ni Lyka. "Carla!" sigaw ni Simon sa pangalan ko. "Huwag kang magpapakita sa akin Lyka!" galit na galit na sigaw pa nito sa kaniyang kapatid. Mabilis kaming tumakbo ni Lyka palayo sa binata. Nang medyo malayo-layo na kami ay saglit kaming huminto sa pagtakbo ni Lyka at hinihingal na nagpahinga sa ilalim ng puno. "Salamat, Lyka!" pasasalamat ko sa dalaga. "Ako nga ang may utang sa'yo dahil iniligtas mo rin ako mula sa salbahe kong Kuya," nakangiting saad naman sa'kin ng dalaga. "Bakit nga ba parang hindi kayo close na magkapatid?" nagtatakang tanong ko sa kaniya. "Adopted child lang ako ng mga parents namin. Akala kasi ni Kuya, lahat na lang ng bagay na nasa kaniya ay kukunin ko dahil mas natuon ang pansin sa akin ng mga magulang namin. Pero hindi naman iyon totoo, dahil natuon lang naman ang pansin sa'kin nila dahil sa sakitin ako. Sadyang hindi lang talaga marunong mag-appreciate 'yang si Kuya dahil sa selfish ito masyado. Whatever he wanted, he wanted! Kagaya mo..." mahabang paliwanag naman ni Lyka. "Ako?" maang kong tanong sa dalaga saka itinuro ang aking sarili. "Ano namang kinalaman ko sa Kuya mo?" "Alam mo Carla, hindi gusto ni Kuya ang may kahati siya sa kahit na sino o anumang bagay na pakiramdam nito ay pag-aari niya," naiiling na saad ni Lyka. "Pero hindi naman niya ako pag-aari," sansala ko agad sa sinabi ni Lyka. "Hindi nga! Pero para sa kaniya pag-aari ka na niya," tugon naman ng dalaga. "Parati nga niya akong binu-bully," nakalabing reklamo ko kay Lyka. "Iba ka sa lahat ng binully niya. Hindi ka pa nito sinasaktan ng kagaya sa mga totoong taong sinaktan niya na ng lubos. Kaya mag-iingat ka lalo na at nagawa na siyang salingin ni Erick ng dahil sa'yo. Mag-uumpisa na ang giyera sa pagitan ninyong tatlo!" pahayag naman ni Lyka. Kinilabutan ako bigla sa sinabi nito at parang gusto ko na lang magtago parati sa paningin ni Simon. Alam kong totoo ang mga ipinahayag sa'kin ni Lyka at anumang sandali ay kayang-kaya akong pilipitin sa leeg ni Simon dahil nagawa nga niya akong ikulong at pahirapan nang unang beses kaming magkakilala. Iyon pa kayang pagpilipit sa leeg ko?! Napabuntonghininga na lamang ako sa naiisip na karumal-dumal na mga pangyayari. "Good luck, Carla!" Tinapik ni Lyka ako sa balikat na siyang dahilan nang pagbalik ng lumilipad kong diwa. "S-saan ka pupunta?" utal kong tanong sa dalaga. "Uuwi na!" nakangiting tugon naman nito. "Don't worry, tiyak na bukas ka na ulit hahabulin ni Kuya dahil sa natamong sapak 'nun sa mukha. Napagod 'yon! Isa pa, tamad maghabol 'yon kaya nga inuutos nito sa mga tauhan niya ang paghahabol," nakangising wika pa sa'kin ng dalaga. "Loka!" natatawang tugon ko naman. "Totoo 'yan, uy!" Kumindat pa ito sa'kin. "Oo na! Ikaw talaga puro ka kalokohan." Mahinang hinampas ko ito sa kaniyang braso. "See you tomorrow, Carla!" paalam sa'kin ni Lyka. "Ingat sila sa'yo!" masayang paalam ko rin sa dalaga. Humakbang na si Lyka patalikod sa'kin habang ako naman ay naglakad na rin patungo sa may library upang mag-duty naman doon. "Bukas ko na lang aalamin kung anong nangyari sa stage play namin," ani ko sa isipan. Habang naglalakad ay panay naman ang paroo't parito ng mga estudyanteng nasasalubong ko. Parang may kung anong gulo na naman silang iniiwasan at iniisyuso sa kung saan. Huminto ako sa paglalakad saka hinarang ko ang isang estudyante upang tanungin ito. "Miss, anong meron at parang may gulo na naman?" tanong ko sa estudyante. "May ginugulpi na naman kasi na tao ang grupo ni Simon," hinihingal na sambit nito. "Ha? Bakit?" Hindi ko alam kung bakit parang binundol ng kaba ang dibdib ko nang marinig ang pangalan ni Simon. "Kasuntukan na yata niya 'yon sa auditorium." Mabilis akong tumakbo patungo sa lugar kung saan nagtatakbuhan ang mga estudyanteng nasalubong ko. Nakita kong nakaluhod si Erick sa lupa habang hinahampas ito nang paulit-ulit sa katawan ng mga nagtatawanang grupo ni Simon. Tila nagbabagang apoy naman ang mga mata ng binata na nakatitig kay Erick. "Matapang ka lang dahil may kasama ka!" hiyaw ni Erick kay Simon. Hinampas si Erick ng payatot na lalaki sa kaniyang likuran. "Aargh!" Nakangiwing hinaing ni Erick dala ng sobrang sakit nang lumatay na pamalo sa kaniyang katawan. "Ang tapang mo kasi! Iyan tuloy napapala mo," natatawang hiyaw kay Erick ng matabang lalaki. "Mga duwag kasi kayo!" ganting hiyaw naman ni Erick. Muling lumatay ang pamalo sa katawan ni Erick at nakita ko ang pagpuswit ng dugo mula sa loob ng bibig nito. Kinabahan ako para sa kalagayan ni Erick nang makita ang dugong iyon. Mabilis akong tumakbo palapit sa kinaluluhuran ni Erick at akmang lalapat na sanang muli ang pamalo sa katawan nito nang itulak ko naman palayo sa kaniya ang payatot na lalaking may hawak na pamalo. "Carla, umalis ka riyan!" matigas na utos sa'kin ni Simon. "Hindi! Mga walanghiya kayo!" galit kong sigaw sa kaniya pati na rin sa kagrupo nito. "Umalis ka riyan kung ayaw mong madamay sa galit ko sa kaniya!" banta pa sa'kin ni Simon. "Hindi ako aalis dito ng 'di kasama si Erick," matatag kong sagot sa binata. Matalim na tingin ang ipinukol sa'kin ng binata at pakiramdam ko'y lululunin ako nito ng buong-buo sa paraan nang pagkakatitig niya sa'kin. Humarap ako kay Erick upang tulungan itong makatayo mula sa pagkakaluhod. "U-umalis ka na, Carla. H-huwag mo na akong alalahanin. Kaya ko ang sarili ko. Iligtas mo ang sarili mo sa demonyong lalaki na 'yan," kandautal na turan sa'kin ni Erick. "Hindi! Hindi kita iiwan dito!" sagot ko naman sa kaniya. "Narinig mo ang sinabi niya, Carla. Umalis ka na bago pa maubos ang pasensiya ko," malamig na wika ni Simon. "Hindi!" Umiling-iling ako. "Sabay kaming aalis dito ni Erick!" naninindigan ko pang sagot kay Simon. "D*mn!" dinig kong mura nito. "Pa'no 'to, Boss?" tanong ng payatot na lalaki na siyang may hawak sa pamalo. "Pati siya ay hatawin na rin ninyo!" utos ni Simon sa lalaking payatot na may hawak na pamalo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD