CHAPTER 13 JHON’S POV Hindi pa sumisikat ang araw pero gising na ako. Naririnig ko ang mahinang patak ng ulan sa bubong ng nipa, at sa dibdib ko nakahimlay si Sky. Mahimbing ang tulog niya. Parang walang iniintinding mundo. Parang walang mansion, walang apelyido, walang galit na ama. Huminga ako nang malalim nandito siya sa kubo ko. Kasama ko dahan-dahan kong hinaplos ang buhok niya. Parang natatakot akong maglaho siya kapag masyado akong gumalaw. Kagabi… hindi ko inakala na mangyayari ang lahat ng iyon. Hindi lang dahil sa nangyari sa pagitan ng mga katawan namin. Kundi dahil pinili niya ako hindi ko mapigilang balikan ang mga sandali kagabi. Ang paraan ng pagtingin niya sa’kin. Walang pagdududa. Walang takot. Para bang ako ang tahanan niya. “Jhon…” mahina niyang ungol habang gumalaw

