CHAPTER 14 THIRD PERSON POV Maaga pa pero tila ba mas maliwanag ang umaga sa kubo kaysa dati. Ang unang sinag ng araw ay dahan-dahang sumilip sa pagitan ng mga kawayan, tumatama sa bubong na pawid at naglalaro sa sahig na kahoy. Ang hangin ay sariwa, may dalang amoy ng basang lupa mula sa ulan kagabi. Sa loob ng maliit na kubo, tila ba nag-iba ang ihip ng mundo. Magkatabi pa rin sina Jhon at Sky hindi na magulo ang hininga. Hindi na mabigat ang gabi. Ang natira ay tahimik na init at isang kakaibang kapayapaan. Nakayakap si Sky sa braso ni Jhon, parang batang ayaw pakawalan ang paboritong unan. Ang buhok niya ay magulo, nakasabog sa dibdib ng binata. Wala na ang postura ng isang sosyal na dalaga mula sa mansion. Wala na ang mahinhin na kilos ng anak ng mayaman. Ang nasa harap ni Jhon a

